Thirty Six

57.1K 1.6K 22
                                    

SURPRISE

Ngayon na ang oras ng pag labas ko sa hospital at until now hindi padin ako iniiwan ni Damon, nag leave naman daw kasi siya sa trabaho para mabantayan ako. Pero kahit na kasama ko siya the whole time na nasa hospital ako, hindi naman kami masyadong nakakapag usap ng masinsinan lalo na't tungkol dito sa batang dinadala ko.

Lagi kasi akong may bisita, mga katrabaho ko, kaibigan at si Mama na puro sermon sakin dahil sa aksidente pero bigla din naman nawawala yung inis niya sakin pag naaalala niyang yung matagal na niyang hinihiling na apo sakin ay maibibigay ko na.

Yung totoo.. kinakabahan ako sa ideang may bata na sa tyan ko. Hindi naman na siguro maiiwasan yun para sa first time Mom tulad ko lalong lalo na't pilya pa ko.

"Handa ka na bang umalis?" Damon asked.

"Oo." Matipid kong sagot. Nag lakad siya papalapit sakin at hinalikan ako sa noo.

"Damon, we need to talk." I said after niya kong halikan.

"Gawin natin yan sa kotse." Hinawakan niya ko sa kamay ko tsaka kami nag simulang mag lakad palabas ng room ko.

Tahimik lang kami habang naglalakad hanggang sa makarating kami ng kotse niya at inalalayan niya ko hanggang sa pag sakay.

Natutuwa ako dito sa ideang hindi pa din niya ko iniiwan after niyang malaman na buntis ako, akala ko kasi iiwan na niya ko lalo na't sinabi niyang hindi pa siya handa dito sa bata.

Nang makasakay na si Damon ng driving seat hinintay ko munang maistart niya at masimulan namin ang byahe bago ako nag tanong.

"Ano ng plano mo dito sa bata?" Tanong ko.

"Hindi ko alam."

"Hindi mo pa din alam?" Hindi maalis ang inis sa tono ng boses ko.

"It's not what you think, uh.. hindi ko alam kung magiging mabuting ama ba ko sa magiging anak natin. Natatakot ako."

"Damon normal lang ang matakot, yun din ang nararamdaman ko."

"Pero paano kung maging katulad ako ng tatay ko? Na wala ng ginawa kundi paiyakin ang nanay ko na pati kaming mga anak niya naapektuhan na!"

"Hindi ka magiging ganun."

"Paano ka nakakasigurado?"

"Dahil hindi ikaw yung tatay mo." Tumingin siya sandali sakin at tila napaisip sa sinabi ko pero ibinalik din naman niya agad ang tingin sa kalsada. "Kung sa kapatid mo nga protective ka, sa magiging anak mo pa kaya?" Dagdag ko.

"Paano ka? Paano kung masaktan kita?"

Huminga ako ng malalim. "Ikaw lang ang makakasagot niyan, hindi ako. Kung pipiliin mong saktan ako, desisyon mo yun, hindi ko naman hawak yung utak mo." Ibinaling ko ang tingin sa bintana ng kotse. Bigla akong napaisip sa sinabi niya, paano nga kaya kung masaktan niya ko? Aaminin kong iba tong nararamdaman ko sakanya, mas malalim pa sa mga naging exes ko tapos dinagdagan pa na magkakababy kami. Haaay! Siguro nga, magagawa niya kong saktan.

"Kung mangyari ngang masaktan ako ng dahil sayo, wag kang magaalala di ko ipapakita sa anak natin yun." I added without looking at him.

Hindi na kami muli nag usap after nun. Marami mang tumatakbo sa utak ko ngayon hindi ko naman magawang sabihin yun ngayon.

Nakarating kami ng Apartment ko at masasabi kong may mga bisita ako maliban sa Nanay kong nag hihintay ngayon sa loob ng Apartment. Paano ko nalaman? Nakapark kasi yung mga kotse ng mga kaibigan ko malapit sa Apartment.

Hindi ko hinitay na pag buksan pa ko ni Damon ng pinto sa kotse kaya nag kusa na ko, aakma na sana ako sa pag baba pero bigla niya kong pinigilan na dahilan para mapatingin ako sakanya.

"Baby magpakasal na tayo." Seryoso niyang sabi habang nakatingin sa mga mata ko.

"Ayoko!" Seryoso kong sabi.

"Bakit ayaw mo?" He asked confused.

"Kung papakasalan mo ko dahil nabuntis mo ko, wag na lang. Pakasalan mo ko dahil yun ang gusto mo at gusto ko, hindi dahil para sa bata. Gusto kong mag pakasal tayo hindi para sa kapakanan ng bata kundi dahil yung nag gusto natin dahil masaya tayo dun dahil kung hindi, hindi din sasaya ang anak natin kung yung mga magulang niya naglolokohan lang."

"Y'yun ang gusto ko."

"Sinungaling!" Bumaba na ko ng kotse ng hindi nagpapapigil sakanya. Ramdam ko lang ang pag sunod niya sakin, hanggang sa makapasok kami ng Apartment ko.

Pagkalapit na pagkalapit namin ng sala hindi ko maiwasang mapangiti.

"Surprise!" Sabay sabay na sabi nila Majah, Luisa, with their boyfriend and si Mama. May pa banner silang nalalaman na may nakalagay na Welcome home at congratulations sa future baby. Haay sa wakas, makakahinga din mula sa mga positive vibes.

Lumapit sakin si Mama at niyakap ako ng mahigpit. "Ma, baka maipit si baby." I joke kaya dali dali siyang bumitaw sa pagkakayakap sakin.

"Maiipit eh ang liit liit pa nga ng tyan mo." Mama said.

I chuckled. "Naniwala ka naman agad."

"Syempre naman, ayokong masaktan tong apo ko." Sabi niya habang nakahawak at nakatingin sa tyan ko.

Sunod naman na lumapit sakin sila Majah at Luisa. "Congratulations sa baby, beb." Majah said smiling widely the gave me a soft hug.

"Salamat."

"Congrats dyan sa maliit na nasa tyan mo, ang totoo ang akala ko si Maj ang mauunang mabuntis sating tatlo." Luisa said making me laughed.

"Yan din ang inisip ko dati."

"Grabe kayo ha!" Pagaangal ni Majah.

"Tama na muna yang mga biruan na yan, pakainin muna natin si Amber baka nagugutom na yung apo ko."

"Yung apo lang, Ma? Di kasama ang anak mo?" Pagkukunyari kong pagtatampo.

"Hay naku, sige na pati ikaw na!" She said making us laughed.

Nag simula na silang mag sipuntahan sa dining area, habang ako hinarap muna si Damon na kanina pa tahimik pero di pinapahalatang wala siya sa mood. Humakbang siya papalapit sakin at niyakap ako, naramdaman ko ang pag halik niya sa leeg ko.

"Tama ka sa sinabi mo kanina, sorry." Bulong niya.

"Damon ilang beses na tayong nag sama sa kama, may nabuo na ngang bata, tingin mo ba hindi padin kita kilala?"

"I know, im sorry. Akala ko kasi yun na ang dapat gawin."

Bumitaw ako sa pagkakayakap niya at hinawakan siya sa mag kabilang pisnge. "Siguro ang dapat mo munang gawin, tangapin na tatay ka na talaga."

"Tama ka." He seriously said.

He slowly bends down his face and kisses my lips. I curl my hands on his neck and kisses him back. Siguro ito ang kulang kaya kanina pa kami seryoso, kulang lang kami sa paglalambingan.

"Mag sama nalang muna tayo, tsaka na yung kasal." He said after our not-so-long kiss.

"Uh.. sigurado ka ba dyan?"

"Oo. Actually mula nung nagkaayos tayo gusto kong ioffer yun sayo, ngayon lang nabigyan ng pagkakataon."

I smile. "Okay sige, magsama na tayo." He finally smiled. Sa wakas, bumalik na sa good mood ang mukha niya.

He was about to kiss me again pero hindi natuloy dahil tinawag kami ni Luisa.

"Hoy kayong dalawa ano ba, masama pag hintayin yung pagkain mamaya na yang katamisan pag wala na kami." Grabe ang dami niyang sinabi.

"Oo na, susunod na!" Hinawakan ko na sa kamay si Damon at yung mga ngiti namin di na maalis.

--

Vote po.

FLIRTY TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon