Forty Four

53K 1.4K 56
                                    

Missing Him.

Two weeks after..

Two weeks without Damon in my life was sucks. Para akong patay na gumagalaw hindi para sa sarili ko kundi para sa anak ko. Wala na nga akong social life eh, bahay at trabaho lang ako.

Pero salamat nalang din dalawa kong kaibigan na sina Majah at Luisa paano kasi simula nang mag hiwalay kami ni Damon salitan silang nag babantay sakin at nag papatawa kahit papaano. Ayaw kasi nila akong iwan mag isa sa Apartment eh, hindi parin naman kasi alam ni Mama ang tungkol sa pag hihiwalay namin ni Damon. Maliban sa ayaw ko siyang mag alala sakin, hindi ko pa alam kung paano sasabihin sakanya.

Haay! Sana lang lumabas na tong baby ko para naman mapawi na tong lungkot at sakit na binigay ng tatay niya.

"Amber anong gusto mong kainin? Libre ko." Maj said making me look at her. Nasa office kasi kami ngayon at lunch break.

"Mmm.. kahit ano nalang, di naman na pihikan si Baby."

"Pizza?"

"Hmm.. sounds good." Bago pa kami makatayo ni Majah sa mga silya namin bigla naman akong tinawag ni Miva.

"Amber may bisita ka." Hindi ko maiwasang mabigla na makita si Miva na kasama ang Mama ni Damon. Oh Shocks!! I stand panicking, what to do? What to do? What to do? What is she doing here?

"M'Ma? Ano pong ginagawa niyo dito?" Nauutal kong tanong.

"Pasensya ka na hija kung biglaan ang pag punta ko, pwede ba kitang makausap?"

I cleared my throat. "Opo." Tumingin ako kay Majah. "Uh.. sasama muna ko kay Mama."

"Okay sige."

Nag simula na kaming maglakad ni Mama at lumabas ng office ko hanggang sa makarating kami sa isang malapit na Cafe. Medyo nakakailang tong pakiramdam na to paano naman kasi wala na kami nung anak niya at simula nung mag hiwalay kami ni Damon hindi naman na kami nag uusap o nagtetext manlang. Shit! Di kaya may nangyari kay Damon kaya siya biglang napabisita? Fuck! Biglang kumabog yung dibdib ko sa kaba.

"Kamusta ka na, hija?" Mama asked, nicely wearing a.. i dont know, sad eyes?

"Ayos naman po Ma, bakit po pala biglaan yung pag bisita mo?"

"Nabalitaan ko kasing wala na kayo ni Damon. Hindi niya sinasabi samin yun hanggang sa madulas at mabangit yun ni James samin. Alam ko yung nararamdaman mo dahil napag daanan ko yan sa Papa nila kaya hindi ko ipipilit na mag kaayos kayo, kaya lang hija kailangan ka kasi ngayon ni Damon eh. Sana kausapin mo siya kahit ngayon lang, itext or tawagan mo siya kasi nasa hospital ngayon ang Papa niya at si Damon ang pinaka naapektuhan, alam kong ikaw lang ang makakapag pagaan ng loob niya."

Shit!

"A'ano pong nangyari sa Papa ni Damon?" Pagaalala ko.

"Inatake sa puso ang Papa niya at until now hindi pa din to nagigising." Hinawakan niya yung kamay ko. "Nakikiusap ako sayo hija, kahit ngayon lang."

"Si'sige po." Pero di ko alam kung kaya ko ng makausap si Damon masyado pa ding masakit yung ginawa niya sakin, hanggang ngayon nga kumikirot padin yung puso ko pag naalala ko siya, makausap pa kaya?

"Maraming salamat." Ngiti lang ang sagot ko, dahil hindi ko alam ang sasabihin. Magagawa ko nga kayang itext or tawagan si Damon?

Nang matapos kaming nag usap ni Mama, she decided na umuwi na din agad kasi pupunta pa daw siyang hospital para bisitahin ang dati niyang asawa.

Bumalik din naman agad ako ng office at wala pa yung mga katrabaho ko dahil hindi pa naman tapos ang break time kaya ako lang ang mag isa dito. Kinuha ko nalang muna yung cellphone ko, pero wala akong ginawa kundi titigan lang to.

FLIRTY TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon