Twenty Seven

56.3K 1.1K 21
                                    

Hello, again

It's Saturday finally..

I'm nervous, excited at the same time sa muling pagkikita namin ni Damon Lawrence/Sexy Voice. Sana hindi ako mag mukhang ewan sa harap niya, sana hindi ko siya sungaban agad dahil sa sobrang pagkamiss sakanya. Baka kasi pagtawanan niya ko, desisyon ko naman ang maglaylo muna pero ako tong si timang na nakakamiss sakanya.

He texted me this morning na after lunch niya planong bumyahe papunta sa Apartment. Nung mabasa ko palang yun nag hanap na agad ako ng pwedeng suotin, yung parang conservative lang ang peg pero may pagkasexy pa din. So naisip kong isuot ang backless dress kong regalo pa ni Luisa sakin last year nung birthday ko.

Aaminin ko, gusto ko siyang akitin.. dahil sa kagagahan kong pagpapalaylo samin syempre di ko magagawang pumirst move kaya aakitin ko nalang siya para alam na. Haha! Almost two weeks din kaming di nagkita eh, sana naman makaramdam siya.

Dumating na ang oras na sa tingin ko ang nalalapit na pag dating ni Damon. Nakapag bihis na din ako, siya nalang talaga hinihintay ko, so habang naghihintay nakaupo lang ako sa couch ko habang hawak yung cellphone ko at naghihintay ng text niya. Ayaw ko namang itext siya kung nasaan na siya baka kasi isipin niyang masyado akong excited kahit na totoo naman.

Narinig ko ang doorbell mula sa labas kaya napatayo ako sa gulat, siguro dapat bawas bawasan ko na ang pagkakape dahil masyado na kong nerbyosa. Tumingin muna ko sandali sa salamin kung maayos yung itsura ko dahil paniguradong si Damon na yun.

Naglakad na ko papunta sa pintuan tsaka huminga ng malalim bago tuluyang buksan yung pinto.

It's like a slow motion as i finally saw him standing, in front of me. Our eyes locked at each other, we don't say anything, just staring. Yah! I do miss him. I want to hug him tightly, pero tila na paralyzed ang katawan ko dahil hindi ako makagalaw. But then ayaw ko namang mag mukhang ewan sa harap niya.

I cleared my throat. "H'Hi." I greeted.

"Hi." His sexy voice makes me feel wanting him more to hug him and kiss him. Damn it Amber!! Bakit mo pa kasi iniisip yang laylo na yan eh!! "Shall we go?" He asked.

"Uh.. yah, s'sure. I'll get my things. Do you want to-"

"No, I'll stay here." Di ko pa nga natatapos sasabihin ko may sagot na agad siya. Tumalikod na ko sakanya para ipakita ang sexy back ko, pero ang pinaka dahilan talaga ay kukunin ko yung bag ko sa Sala.

Pinuntahan ko din naman agad siya pag kakuha ko ng bag ko. Nakatayo pa din siya sa tapat ng pinto kung saan ko siya iniwan at nakatingin lang sa kawalan. "Tara na?" I asked making him look at me. He just nodded.

Pinagbuksan niya ko ng pinto sa kotse kaya sumakay nalang ako kahit na gusto ko muna siyang yakapin. Pagkasakay niya ng kotse nakaramdam na ako ng awkwardness saming dalawa. Grabe, talaga bang nangyayari to?

Sinimulan na namin ang byahe pero ni isa samin walang nagsasalita. Buti pa siya nakakatulong ang pagmamaneho sa pagfofocus niya sa iba, samantalang ako sakanya nakafocus. Isip Amber, isip ka ng pag uusapan.

"Kamusta ka na?"

"How are you?"

Sabay kaming nagsalita kaya di naman mapigilang matawa ng mahina. Finally! medyo nawala na kunti ang awkward moment.

"Kamusta ka na?" Tanong niya.

"Ayos lang, busy sa work as always." Sagot ko. "Ikaw?"

"Same as you." Same as me? So.. miss mo din ako? Sige nga kiss mo nga ko.

"Uh.. pwedeng bili muna tayo ng pangregalo sa Mama mo? Wala kasi akong alam na pwedeng iregalo kasi di ko naman alam hilig niya o gusto niya."

"You don't have to give her a gift, she's not very materialistic."

"How about, cake?"

"I already buy her." Oh! Ano nang ireregalo ko? Haay! Malay ko ba kasi sa mga gift gift na yan, di naman din kasi ako materialistic eh.

"If you really want to buy her a gift, try to give her a cook book.. mahilig siya magluto eh."

Oh thank god! "Perfect! Thanks!" I said smiling.

"Welcome." He smiled back. Don't smile baka bigla kitang patungan dyan at tadtarin ng halik. Haay! Pambihira kung ano ano ng iniisip ko.

Dumaan kami ni Damon sa isang book store para nga bumili ng gift ko for his Mom, sinabihan ko siyang mag stay nalang sa kotse kasi sandali lang naman ako. Sumunod naman siya kasi masunurin siya, sumunod nga siyang mag laylo muna kami eh, mag stay pa kaya sa kotse niya.

Bumalik na ko sa kotse niya after kong makabili. Kaya nung nagsimula na ulit kami sa byahe, katahimikan na naman ang bumalot samin. So, i decided na matulog nalang muna, kesa ang manahimik ng ganito sa kotse niya.

FLIRTY TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon