LIST
Papunta na kami ngayon ni Damon sa bahay nila, kita sa mukha niya ang kaba habang nasa byahe kami. Hindi ko alam kung bakit siya kinakabahan samantalang ako tong buntis, ako yung babae at ako yung pupunta sa pamilya niya. Mga lalake talaga, minsan mas unpredictable pa sila.
"Baby, ayoko ng madala ulit sa hospital dahil sa car accident so please, calm yourself okay?" I said.
"I uh.. just don't kung paano sasabihin kay Mama."
"Tell her.. Mom, nabuntis ko si Amber, so maliban sa magiging apo niyo kay Daniella at James.. magkakaapo ka din samin ni Amber. Simple as that."
He laughed. "Sige, susubukan ko yang advice mo." Hinawakan niya ko at hinalikan yung kamay ko ng di inaalis ang tingin sa kalsada. "Salamat dahil nagagawa mo kong pasayahin sa kabila ng nerbyos ko."
"What am i, clown?" I joke.
He laughed again. "What i mean is, you know how to lighten my mood. Isa yun sa mga nagustuhan ko sayo."
"Isa sa mga nagustuhan mo sakin? Bakit madami ka bang nagustuhan sakin?"
"Yah, you want a list?" He asked grinning.
"There's a list?" I asked amused.
He nods grinning widely. "You're pretty, sexy, honest, good in bed, good cook, easy to be with, the list is endless."
I giggle. "The best yung good in bed." I comment making him laughed. Edi nawala nerbyos niya, siguro nga minsan clown ako. Pero ayoko ng make up nila!
And nang finally makarating kami sa bahay nila, nandun pa din yung kaba sa mukha niya pero di na tulad kanina. Ngayon pati ako kinabahan na, matatangap kaya nila tong bata? Haay! Pareho na kami ngayong kabado.
Pinag buksan na ko ng pinto sa kotse ni Damon tsaka inalalayang bumaba. "Ready?" He asked.
"You? Are you ready?" I asked trying to hide my nervous.
"Unti nalang."
Sinimulan na namin ang maglakad papasok ng bahay nila at naabutan namin si Daniella na nag babasa sa sala, i think pang buntis na book ang binabasa. I think kailangan ko din nun.
Tumingin siya sa direksyon namin ng mapansin kami. "Kuya, biglaan ata pag bisita niyo?" Tanong nito habang lumalapit samin. Bumeso siya samin ng Kuya niya pag kalapit niya.
"Nasaan si Mama?" Damon asked.
"Nasa kusina, nagluluto ng lunch tatawagin ko lang."
"Okay."
Umupo nalang muna kami sa couch, habang tinatawag pa ni Daniella si Tita. Hawak hawak lang niya yung kamay ko at parang wala siyang planong bitawan to.
Tumayo lang kami sa pag kakaupo sa couch nang makita namin sila Tita na papalapit na samin.
"Hello hija, buti at nakabalik ka." Tita said as we hugged.
"May sasabihin po kasi kami sayo kaya napabisita kami." Damon said.
"Osige, maupo muna tayo." Umupo kami ulit at ngayon nakapwesto na si Tita sa harap namin. Habang si Daniella nasa separate chair.
"Ano yung sasabihin niyo?" Tita asked.
"Kayo na ba?" Excited na tanong ni Daniella.
I chuckled. "Uh.. yah, part of it." I answered.
"Oh my God! I knew it, noon pa alam kong magiging kayo." Laking ngiti ni Daniella.
"Daniella, hindi lang yun ang sasabihin namin." Damon said.
"Ano yun?"
"Ma, nabuntis ko si Amber, so maliban sa magiging apo niyo kay Daniella at James, magkakaapo ka din samin ni Amber." I bite my lower lips, trying to stop my smile. Sinasabi niya talaga yung inadvice ko sakanya. Para talaga siyang baliw.
Tumingin sakin si Tita at Daniella na halatang nabigla sa nabalitaan nila. Bigla tuloy akong nakaramdama ng kaba, na naman!
"Kung ganun should we say, welcome to our family Amber?" Tita asked smiling nicely.
"T'thank you po, Tita." I shyly said.
"Congrats Ate Amber, kung gusto mo ng advice about sa pagiging pregy, mag tanong ka lang sakin.. medyo may mga alam na ko." Daniella said making me laughed softly.
"Okay, sige."
"Gusto ko rin po ipaalam na, nagsasama na kami ngayon ni Amber." Damon said.
"Kung ganun, kailan tayo pupunta sa parents ni Amber para mamanhikan? Nagsasama na kayo dapat, sumunod tayo sa tradisyon." Tita asked.
Nagkatinginan kami ni Damon sa sinabi ni Tita, hindi pa namin napaguusapan ang tungkol dun. Pareho na naming nameet ang pamilya ng bawat isa pero di pa nag mimeet ang both family namin.
"Uh.. tatawagan ko nalang po kayo, tungkol dyan."
"Okay, dito na kayo kumain ng lunch." Tita said. We just nodded our heads to her.
"Baby, dun na muna tayo sa dati kong kwarto para makapag pahinga ka." Damon told me nang makaalis si Tita.
"I'm fine baby, don't worry."
"I uh.. want to talk to you too."
"Oh!! Uh.. okay, sige." Sabay kaming tumayo at nagpaalam muna sandali kay Daniella at sinimulan na naming pumunta sa dating kwarto ni Damon.
Dumiretso ako sa kama niya para umupo habang siya nakatayo lang sa harap ko.
"Ano yung sasabihin mo?" Tanong ko.
"Tungkol sa pamamanhikan, ayos lang ba yun sayo?"
"Oo naman." He seat besides me, sighing. "May problema ba?" Tanong ko.
"Si Papa, dapat ko ba siyang papuntahin?"
"Uh.." I don't know what to say. "Mmm.. It's up to you, i uh.. honestly don't know. Ask, Tita.. maybe?"
"Okay." Binagsak niya yung katawan niya sa kama. He tapped his bed. "Lay beside me." He orders. I do as i told. Ginamit kong unan ang braso niya, at niyakap sakanya ang kamay.
"I love you." He whispered. I looked up at him, shockingly. Shocks! Okay that's a unexpected. Yun ang first time na narinig ko yun sakanya. Kung iisipin at aalalahanin din namang mabuti, siya lang ang lalakeng nag sabing mahal niya ko.
I position myself on top him, smiling shyly. "I love you too." Shocks! Nasabi ko ng diretso! Parang noon lang never kong naimagine na sasabihin ko to, pero kita mo nga naman diretsong diretso kong nasabi ngayon.
BINABASA MO ANG
FLIRTY Text
RomanceIsang Playgirl si Amber Tuazon, at isang di inaasahang tawag mula sa isang unknown number ang mas magpapainit ng bawat gabi niya. --- Matured po to! Okay?