Junior
Nagising ako sa pag tulog dahil sa tulong ng alarm ko at ang una agad na pumasok sa utak ko ay ang lalakeng nasa guest room. Nandito pa kaya siya? Kasi paniguradong maaga yung aalis dahil baka may pasok pa siya sa trabaho.
Naglakad na ko palabas ng kwarto ko at tumingin sa direksyon ng guest room, naglakad ako papunta sa tapat ng pinto nito at plano ko sanang kumatok pero nag dadalawang isip ako.
Siguro nga nakauwi na siya.
Nung aakma na sana ako sa paglalakad nalang sana palayo ng guest room nang biglang nag bukas yung pinto kaya napalingon ako. As always he looks hot, with his kagigising lang na face and shirtless body.
"Morning." He greeted.
"A'akala ko umuwi ka na."
"Napahaba yung tulog ko, ilang araw na kasing kulang yung tulog ko at mukhang nabawi ko na yun ngayon."
"Oh! I see.. uh.. gagawa lang ako ng breakfast."
"Okay." Nag simula na kong mag lakad papunta sa kitchen bago ko pa makalimutang hiwalay na kami at itulak ko siya papasok ng guest room at enjoyin ang kama dun.
Nag simula na kong magluto ng pancakes, yun naman lagi ang breakfast ko.
"Amber.." He called, making me jumped in surprised. Hindi ko alam kung bakit ako nagulat.
I slowly face him. "Y'yes?"
"Are you okay?" He asked amused.
"Yah!" No!! Go away!! Baka halikan na kita!
"Pwede ba kong makigamit ulit ng bathroom mo? Didiretso na kasi ako sa hospital ngayon."
"Uh.. o'okay sure."
"Okay salamat, pero kakainin ko muna yang niluluto mo."
"Okay.." Nag focus nalang ulit ako sa pagluluto at di na muna kinausap yung gwapong nilalang sa likod ko.
Natapos akong magluto at sunod ko namang ginawa ay mag nag timpla ng coffee para samin. I admit, itong pag gawa ko ng breakfast para samin ang mas lalong nagpapa alala sakin nung mga ginagawa namin noon at mas lalo ko tuloy nararamdaman na namimiss ko siya.
Nakakainis dahil nararamdaman ko sakabila ng pananakit niya sakin.
Sinimulan na namin ang pagkain ng tahimik again, this time ayokong mag open ng topic parang bigla akong nawalan ng mood mag salita. Baka kasi pag nagsalita pa ko masabi ko na kung gaano ko siya namimiss at naiinis sa sarili ko dahil nararamdaman ko pa din to. Well hindi naman siguro maiiwasan yun dahil mag ex kami, pero sakanya ko lang to naramdaman.
Nang natapos ang tahimik naming breakfast. He offered na siya na ang mag huhugas para daw makapag ready na ko sa pag pasok sa trabaho.
So, sinunod ko yung gusto niya. Nag shower na ko ng mabilisan dahil alam kong gagamitin din niya tong bathroom. Nang matapos akong mag shower, nag bihis din naman agad ako then lumabas na sa kwarto ko at naglakad papunta sa sala kung saan nakita ko si Damon na nakayuko at tila umiiyak.
Dali dali akong lumapit sakanya. "Damon, are you okay? What happen?" I asked, concerned.
He looked up at me. "Tumawag sakin si Daniella, si Papa daw huminto yung heartbeat."
Fuck!
I hold his both cheeks to wiped his tears. "Okay, uh.. calm yourself pumunta tayo ng hospital para alamin kung ano na talagang nangyayari." I calmly said.
Tumango lang siya. "Magbihis ka na, para maka alis na tayo." Utos ko.
Tumayo siya hinalikan ako sa noo. "Thank you." He sincerely said. Pagkasabi niya nun nag lakad na siya papunta sa kwarto ko ako naman umupo sa couch ko para mag text sa office na hindi ako makakapasok ngayon. I texted Majah too, para di na siya mag alala baka kasi mag O.A na naman yun at puntahan pa ko kaya pinaalam ko sakanya yung rason kung bakit ako di makakapasok.
BINABASA MO ANG
FLIRTY Text
RomanceIsang Playgirl si Amber Tuazon, at isang di inaasahang tawag mula sa isang unknown number ang mas magpapainit ng bawat gabi niya. --- Matured po to! Okay?