Chapter Seventeen

67.3K 1.4K 17
                                    

The Prize

Naramdaman ko ang isang labing lumapat sa noo ko, then sa labi ko na dahilan para magising ako at imulat ang mga mata ko. Nakita ko si Damon na mukhang nakaligo na at handa na sa pag alis.

"Aalis ka na?" I asked.

"Yup." He kissed my lips, softly. "See you on weekend, at my place?" He asked in confirmation. I nodded my head.

"Replyan mo ko sa mga text ko ah?" He asked smirking.  I nodded chuckling. He kissed my lips again, this time i respond. We kissed without lusting feelings, that's very new, rare to us. Even at waking up with fully clothes, bago din. Hmm.. naka survive kami ng isang araw na di nag sesex? Wow!!

"Wag mo na ko ihatid, matulog ka pa." He kissed my forehead. "Bye, baby."

"Bye, sexy voice." Pinanuod ko lang siyang makalabas ng kwarto ko. I glace at my ceiling, thinking nothing but Damon. Hindi pa nga siya matagal na umaalis iniisip ko na agad siya.

Malamang dahil buong araw kaming magkasama, kahit naman siguro sino pag nakasama mo buong araw iisipin mo.

Kinuha ko yung cellphone ko sa bag para itext siya.

*** Ingat sexy voice. *** Inilagay ko lang sa dibdib ko yung cellphone habang hinihintay ang reply niya.

*** I will, baby. Think of me always and be ready dahil papakiligin padin kita kahit na nasa malayo ako. ***

*** As i always says, goodluck. ;) ***

*** May prize ba ko pag napakilig kita? ***

*** Your choice. *** Wala naman kasi akong alam sa mga prizes na yan maliban sa mga trophy alangan namang bigyan ko siya ng trophy dahil napakilig niya ko o kaya medal na nakalagay, best in pagpapakilig.

*** How about dancing in front of me, naked? *** Whaaat?? Seriously? Bakit ba gustong gusto niyang makita akong naked? Ganun ba ko kasexy? Haha!

*** Okay, deal. ***

*** Don't cheat! Dapat honest kang kinikilig ka. ***

*** Oo na, Oo na! (rolling eyes) ***

*** I can't wait to watch you dancing naked, baby. :) *** Halata nga!

*** Dream on, sexy voice. :p ***

*** I always dreamed of you naked. *** He texted making me laughed.

*** Pervert! ***

*** Sleep more, baby. *** He orders. Napatingin tuloy ako sa orasan dahil sa text niya, quarter to five palang. Tama siya, baka antuking na naman ako nito sa office tulad ng nangyari nung nakaraan.

*** Okay, be safe. *** Itinabi ko na yung cellphone ko at baka makatulog pa ko.

Nagising ako mula sa alarm sa cellphone ko. Pinatay ko naman agad yun tsaka tumayo para mag ready sa pagtakbo ko at pagkatapos nun, kakain tsaka mag reready sa pag pasok.

Hmm.. another normal boring day dahil wala si Damon.

Sinimulan ko na ang byahe papunta sa trabaho ko at nakita ko na si Maj na nasa table niya at busy sa cellphone.

"Anong meron sa cellphone mo at nakafocus ka diyan?" Tanong ko.

"Katext ko si Boyfriend. How's your weekend?" Pagbabago niya ng topic.

"Good."

"Good?" She asked surprised. "Not delicious?"

I laughed. "Kasama yun. Anong ginawa niyo this weekend maliban sa pangiistorbo sakin sa Apartment?"

"Well si Luisa, kasama si Justin. Ako kasama si Mario, yun lang."

"Taray, si Lulu may Justin?"

"Mmm..hmm!"

"Are they together?"

"I don't know, asked her." Gagawin ko talaga yun! Nabangit niya palang birthday kahapon ni Justin, at mukhang nag pasama to sakanya. Mukhang mag lelevel up ang one night stand ng dalawang yun ah.

Nasa kalagitnaan na kami ng araw pero wala pang masyadong kliyenteng pumupunta, kaya puro internet nalang muna kami at nag fofocus sa pag aadvertise sa Social Media or Blog.

"Amber, delivery for you." Miva said, she's one of our co-worker. May pumasok na isang lalake na may bitbit na isang bouquet of flowers.

"Miss Amber Tuazon?" Tanong nung delivery man.

"Ako nga."

"Delivery po para sainyo." Seriously??? Bulaklak para sakin? Aba't sino namang may lakas ng loob na mag padeliver ng bulaklak sakin?

Nagpalakpakan ang mga katrabaho ko nung pagkakuha ko ng bulaklak siguro dahil ngayon lang may gumawa nito. May pinirmahan ako bago tuluyang umalis yung nag deliver.

"Magaasawa ka na ba niyan?" Birong tanong nung katrabaho ko.

"Ha.ha! Shut up!" Sarkastiko kong sabi.

"Kanino galing?" Maj asked. I shrugged. "Baka may card." Tama! So hinanap ko yung card at nung makita ko to.. binasa ko agad.

Kinilig ka nu? - D.

Tumawa ako ng malakas ng mabasa ko yung card. Ngayon alam ko na kung kanino to galing. So nagpadala siya ng bulaklak dahil baka kiligin ako?? Ayaw talaga niyang sumuko ah.

"Bakit?? Galing kanino?" Maj asked.

"Kay Damon." Kinuha ko yung cellphone ko para itext si Damon.

*** Nice try, but try your luck next time. :p Anyways, nice flowers. Though binigyan mo lang ako ng dahilan para magisip kung saan ko to ilalagay. ***

FLIRTY TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon