Four

26 1 0
                                    

Visit

Tanghali na ng ako'y magising kinabukasan. Wala na ang mga bata sa loob ng kwarto malamang na nasa baba na ang mga ito at nanggugulo. Ngayon ko lang nabistahan ng maigi ang loob ng kwarto na aming inuokupahan. Malaki ito at maaliwalas kulay puti at brown ang pintura. Makapal ang mga kurtinang nakatabing sa mga bintana.

I stiffle a yawn and breathe outloud. Bumangon ako at nagpasyang maligo na lang muna bago lumabas.
Hinalungkat ko ang aking maleta upang maghanap ng maisusuot sa araw na ito, hindi ko na pinagkaabalahan na iayos sa cabinet ang aming mga gamit dahil ilang linggo lang naman kami dito.

Sinipat ko ang aking sarili sa harapan ng salamin bago bumaba. I wore my yellow, flower printed sundress na hanggang tuhod ang haba. Lalong tumingkayad ang kulay ng balat ko. Naglagay lang ako ng lipbalm sa labi upang protektahan ito sa init. Hindi ako naglalagay ng kolorete sa mukha kapag wala akong gig. Naniniwala kasi ako sa kasabihan na beauty comes naturally. O diba lakas ko maka miss universe?!..

Pababa ako ng hagdan ng makasalubong ko si Matt.
"O, mabuti at gising kana. Papunta na sana ako sa kwarto nyo para gisingin ka at ng makakain. Hindi ka pa nakapag agahan. Malamang gutom na iyang mga bulate mo sa tyan!" Sinapak ko nga ng dalawang beses hindi man lang umilag ang loko.
"Ang mga bata, asan?" Nilibot ko ang aking paningin sa kanilang sala dahil wala akong nakitang mga bata o naririnig man lang na ingay.

"Huwag mo na lang silang hanapin at isinama sila ni dad sa manggahan." Naglakad kami papasok sa komedor upang kumain.
"Insakto ang dating natin ngayon at anihan ng mangga.."patuloy niya.

An orderly woman comes in with a bowl of rice in her hands and puts it in the table. And another woman followed with a bowl of hot soup. Pagtingin ko sinigang na baboy. Smells good. I bet it taste good too dahil ang mga lutong bahay ay walang kapantay.

"So, after this were do you wanna go, beach, plaza or sumunod tayo sa manggahan?"pagpatuloy niya sa aming usapan habang nagsisimula na kaming kumain.
"Ikaw, ano ba ang mga plano mo?"tumingin ako sa kanya. He pouted. "Wala ka bang plano?" tanong ko. Umiling lang siya sa akin.
"Kung ganun pwedi ba nating bisitahin si lola Lucia sa bukid?" I suggested.  He smiled.

Pagkatapos namin kumain ay tinawagan ni Matt ang daddy niya na si Don Eduardo para ipaalam na aalis kami mamaya. When the kids heard about it they shouted that they want to come.
Habang naghihintay kami sa mga bata na dumating umakyat na lang muna ako sa itaas para kunin ang isang bag na naglalaman ng pasalubong. Hindi man buo ang loob ko na umuwi dito sa probinsya atleast naghanda na man ako ng pasalubong para sa mga kamag anak ko dito sa bukid.

Bigla akong kinabahan ng maalala ko ang nangyari kagabi. The way he looks at me with too much intensity. Nakakatakot. Nakapanglambot ng tuhod.

May limang baitang na hagdan papasok sa mansyon ng mga Naval. Nakaupo ako sa tuktok nito habang naghihintay sa pagdating ng mga bata. Nakatayo naman si Matt sa tabi ko habang nakahilig sa sementadong hawakan. Walang nagsasalita sa amin. May hawak siya na cellphone at mukhang iritado. Nakapagtataka. Minsan ko lang siya makitaan ng ganyan na expresyon. Something is bothering him. Ano kaya?

Itinuon ko na lang ang aking mga mata sa malaking gate sa harapan. Wala na ang mga upuan at lamesa na ginamit kagabi, ang tanging naiwan nalang ay ang mga munting ilaw na nakasabit parin hanggang ngayon sa katawan ng mga puno na nakakonekta sa bubong ng gazebo. Siguro nagustuhan ni tita ang desenyo kaya hindi nalang pinatanggal.

Bumukas ang gate at pumarada sa aming harapan ang puti na van na ginamit namin kahapon patungo rito sa mansyon. Kumakaway si Heaven sa bintana at malaki ang ngiti nito. Bumaba ako at sinalubong sila.

"Matt mas mainam na itong van na lang ang gamitin ninyo para magkasya kayo at isa pa maganda ang kondisyon nito." sabi ni tito Eduardo nang nakababa siya. "And bring some men para incase na may mangyari sa daan may makatulong sa inyo".
"Yes dad". Matt gestured me to get inside the van dahil hindi na bumaba ang mga bata.

My Beautiful HeartbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon