Lusno Falls
Nagising ako sa malakas na katok galing sa labas ng pintuan. Sinipat ko ang orasan na nakapatong sa bedside table at nakita kong alas singko pa lang ng umaga! Arrggh...! Sino ba itong kumakatok!? Ang aga pa! Dinig ko rin na may nagtatalo sa labas.
Nagmadali akong bumangon upang pagbuksan ang kung sino man na nambubulahaw ng tulog, upang matigil at ng hindi magising ang mga bata.
Bumungad sa akin ang nakangisi na mukha ni Kaila. Nag-iisang kapatid na babae ni Matt. Katabi nito ang naka busangot na mukha ni Matt at waring hindi gusto ang ginawa ng kapatid na panggigising."Good morning!" Tatawa-tawa niyang bati sa akin. Nginiwian ko siya at tinaasan ng isang kilay. Lalo lang tumawa ang bruha. Natigil lang siya ng binatukan siya ni Matt.
"Aray kuya! Isusumbong kita kay daddy!" Nakalabing reklamo nito sabay himas ng ulong nasaktan.
"Huwag kang oa brat, Bwesit ka! Ang sarap ng tulog ko inisturbo mo. Nandamay ka pa ng iba!"galit na saad ni Matt.
"Ehh, akala ko ba pupunta kayong lusno kuya! Kaya ginising ko kayo ng maaga. Sasama ako."
"Oo, pupunta kami pero hindi ganito kaaga! Pwedi na man sa tanghali dahil hindi na man iyon masyadong malayo sa atin..brat talaga hindi nag-iisip..!" Nayayamot na turan ni Matt. Hindi ako nagsalita bagkus ay nakinig lang ako sa bangayan nilang dalawa. Natatawa na lang din ako.
"Pero kuya, mainit na kung tanghali pa tayo pupunta. Mabuti ng maaga para malamig pa ang tubig at isa pa parating na si Carlos inimbita ko siya kahapon."
Sumandal ako sa hamba ng pinto bago nagsalita.
"Sige na Matt. Okay nga iyon para mahaba ang oras natin doon. Gisingin ko na lang ang mga bata para makapaghanda na". Tumango lang siya bilang tugon at naghikab.
"Yehey! Ang galing ko talaga mag-isip!" Masayang tili ni Kaila. Isip bata talaga.
Pumasok ako ng kwarto at dahan-dahan kong ginising ang mga bata. Unang nag mulat ng mata si Hu at nagtaka. Hindi kasi sila sanay na ginigising sa kanilang pagtulog. Hinahayaan ko lang na kusa silang magising.
"Nay?" come his groggy voice, tumingin siya sa akin na may inaantok na mga mata.
"Gising na kuya, pupunta tayong falls ngayon. Halika, tulongan mo akong gisingin ang mga kapatid mo."
Niyugyog nito ang mga kapatid upang magising.Isang bag lang na medyo malaki ang dala ko na naglalaman ng bihisan namin ng mga bata habang pababa kami ng hagdan. Tanaw ko ang mga katulong na may binubuhat palabas ng mansyon. Sumunod kami sa kanila.
Nakapark sa harap ang puting van. Nakatayo sa bukas na pinto si Matt at nag-aayos ng kung ano. Si Kaila naman ay nakatayo sa gilid at nakatingin sa nakabukas na gate. Maya-maya lang ay may pumasok na pulang sasakyan na may tatak na bmw. Bumaba ang bintana nito at ngumiti sa aming direksyon.
The guy looks familliar."Oh!, Carlos is here na kuya!" Kaila happily chirped. Huminto ang pulang sasakyan sa aming gilid at bumaba ang lalaking pamilyar ang mukha sa akin. He look at me and I realized that he is the guy I talk with at the night of the party. I smiled at him.
Bumaba din galing sa kanyang kotse ang tatlo pang lalake at isang babae."Oh great, at naisipan mo silang isama Carlos!" Matt said while smilling widely.
"Kumusta pare? Di kayo pumunta sa party!" They do their man hug and Matt kiss the cheek of the girl hesitantly. Napataas ang kilay ko. Weird.
Lumingon si Matt sa direksyon namin ng mga bata."Come here guys ipapakilala ko kayo sa mga kababata ko dito sa probinsya." Inilipat niya muli ang kanyang tingin sa mga bagong dating.
"Guys I want you to meet my girl bestfriend Alexandrea Trias and her children." Tinuro niya ang mga anak ko at isa-isang sinambit ang mga pangalan. He too mention the new comers name and I told them to call me Alex.
First time ko makarating dito sa Lusno falls dahil kahit taga rito ako ni minsan ay hindi ako napadpad dito. Malakas at malaki ang bagsak ng tubig galing sa itaas, at higit sa lahat malinis ang tubig na dumadaloy sa pampang nito. Matt told me that the local goverment was the one who improve the place to attract some tourist since the owner of the land approve. The renovation was immediately made. Since then, marami na ang nagpupunta dito.
At dahil maaga palang, kami lang ang tao sa lugar. My kids took some selfies of the falls. I took my phone too and take stolen pictures of my kids enjoying the place. Ibinaba ko ang cellphone ko ng namataan ko si Carlos na palapit sa akin.
"Di ka pa maliligo?"he ask me.
"Mamaya" Lumingon ako ng marinig ko ang matinis na sigaw ni Heaven kaya pala ay itinulak siya ni Matt sa tubig. Tumawa kami ni Carlos at tinanong niya ako kung marunong ba itong lumangoy and I said yes. From then nag-uusap lang kami ng kung anu-ano. It was a good thing that he never asked about my children's father maybe he sense something or his waiting for me to open up.
He was a good company. He kept on making some crazy remarks that makes me laugh that I almost forgot the time. Matt was shouting at me to take a dip cause were about to go. Kaya naligo na lang din muna ako.Hapon na kami ng magpasyang umahon at maghandang umuwi. Kita ko ang saya sa mukha ng mga anak ko kahit hindi madalas ang pagngiti ng dalawang lalake ay halata na man sa kanilang mga mata.
My kids were sleeping on the way home. Ang mga kasama naman namin ay masayang nag-uusap at tumatawa ng malakas paminsan-minsan.
Hindi kami dumaan sa dinaanan namin kanina. Dumiretso kami sa Larosa dahil may titingnan pa si Matt doon na benibenta na kabayo. Larosa.Tumingin ako sa labas ng bintana insakto naman upang makita ko ang mansyon ng mga Sandoval. Tiningnan ko itong mabuti. Tulad ng dati kita parin ito galing sa labas dahil kalahati lang ng gate ang may takip na gawa sa metal at denisenyohan ng hugis bulaklak pero sa gilid nito ay ang nagtataasang pader. Pero malaki na ang ipinagbago nito ngayon mukha ng moderno. Wala ng bahid ng katandaan. Gawa na sa bato at matingkad na ang kulay. Puti at golden yellow na intrikit ang pagkukulay. Ang tanging palatandaan na naiwan na lang dito ay ang malaking fountain sa harap at ang kulay gintong salita na"MANSION DE SANDOVAL" na nakapatong sa ibabaw ng gate.
Umiwas ako ng tingin dahil biglang sumikip ang aking dibdib. A blaze of memories flashes at the back of my mind which I dont want to entertain.
I wanted to forget.
Pero paano?
Kung bawat pagbaling ko ay mukha niya ang nakikita ko. Kasama ko araw-araw.
Minamahal at inaalagaan.I smiled bitterly.
Moving on is indeed hard. Time and space gave us the chance to process everything. But sometimes, our hearts does'nt cooperate with the bidding. And the only protection we got is our ego who sheilds us from hurting...., again.
BINABASA MO ANG
My Beautiful Heartbreak
RomanceIt took me thirteen years to heal the wounds in my heart and yet it takes you a second to make it bleed again. Anong gagawin ko para matigil ito? Runnaway,....again?