Boras
Palabas pa lamang kami ng airport ng biglang sumigaw at tumakbo ang anak kong si Heaven " Granny! Were here I miss you so much!" sabay yakap sa may katandaang babae na malaki ang ngiti sa mukha. Banaag ang saya nito.
"I miss you too baby" and kiss Heaven on the cheeks without breaking their hugs. "Where are the others?" narinig kong tanong nito. Heaven pointed us a few steps from them. Hawak ko sa kamay si Hannah at sa kabilang kamay ay ang stroller bag. Sa likod ko ay si Matt na nakaakbay kay Hunt at mukhang hindi pa napapansin ang mommy nito. Si Hu naman ay nakaagapay lang sa dalawa. Bawat isa sa kanila ay may suot na backpack.
Nag angat ng mukha si Matt at lumaki ang ngisi nito ng makita si Doña Stella na nag aabang."Mommy! Akala ko ba si brat ang susundo sa amin? he hug and kiss his mom.
"Ay naku ang batang yun, andoon sa mansyon tinamad napagod siguro sa pagluluto. Kaya ako nalang ang sumundo sa inyo total andito na naman din ako sa Metro at may inasikaso. Kaya okay lang." Lumapit ang mga bata sa kanya at nagmano, isa isa niya itong yinakap at hinalikan.
"Ay, na miss ko talaga kayo, sige na sumakay na kayo at ng hindi tayo gabihin sa daan, malayo-layo pa ang bibiyahiin natin.
I settled at the back seat of the van with my kids while Matt sat beside his mom in the middle. Three bodyguards are with us in the car and four more in the other vehicle. Matt's family are into business not just business, bigtime businesses kaya kailangan ng maraming tagabantay dahil mahirap ng malingat. Uso pa naman ang mga ambush lalo na tahimik ang daan patungo sa probinsya.
Tahimik ang byahe maliban nalang sa mga panakanakang tanong ni tita Stella sa amin ni Matt. Tulog ang mga bata sa tabi ko dahil na rin siguro sa haba ng byahe at jetlag.
Tumingin ako sa labas ng bintana at nakita kong maghahapon na pala hindi ko naman lang namalayan. Nilipat ko ang aking paningin sa unahan ng daan at nabanaag ko na ang malaking arko na nagsisimbolo sa bayan. "WELCOME TO THE MUNICIPALITY OF BORAS" basa ko. Mukhang bago pa lang itong pininturahan dahil sa pagkaalala ko bago ako umalis sa lugar na ito hindi na iyon mabasa at halos kulang na ang mga letra. Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa mawala ito sa aking paningin. Napabuntong hinga ako ng malakas dahil nakakaramdam na naman ako ng takot at pangamba.
Bakit hindi?, we were breathing the same air now at malamang were both looking at the same scene.
Pinikit ko ang mga mata ko at nagdasal na sana dinggin ng Diyos ang panalangin ko. Na huwag sana magkrus ang mga landas namin.
Sana.

BINABASA MO ANG
My Beautiful Heartbreak
RomanceIt took me thirteen years to heal the wounds in my heart and yet it takes you a second to make it bleed again. Anong gagawin ko para matigil ito? Runnaway,....again?