Seven

13 1 0
                                    

Memories 1

Grade six ako ng mag simulang manglabada si nanay sa mansyon ng mga Sandoval dalawang beses sa isang linggo. Kilala sila dito sa probinsya ng Boras dahil sa kanilang kabutihang loob at mga naiambag para sa kaunlaran ng lugar na mula pa sa kanilang mga ninuno.

Nakapagpatayo sila ng isang ospital na may dalawang palapag hindi man kalakihan maganda naman ang serbisyo at maayos ang pasilidad. Makabago na din ang kagamitan at teknolohiya na gamit. Meron din silang naitayo na paaralan para sa high school. Mayroon din silang foundation na tumutulong sa mga  mahihirap upang makapag-aral sa kolehiyo.
Isa na ako doon.

Pagtungtong ko ng unang taon sa high school ay inako na ng foundation ang pagpapa-aral sa akin. Dahil sa kabaitan ng Donya Celestena binigyan niya ako ng prebilihiyo na mapasama sa kanyang foundation. Bilang ganti sa kanyang kabaitan tuwing pumupunta si nanay sa kanilang mansyon ay sumasama ako upang  tumulong sa kahit anong gawain na nangangailangan ng tulong.

Dahil sa lakas ng tunog ng kanilang apilyedo hinikayat si Don Severeno ng mga tao na tumakbo bilang alkalde ng probinsya. Sa kabutihang palad ay nanalo naman siya sa natapos na eleksyon.

Medyo umayos na naman ang pamumuhay namin ni nanay simula ng mawala si tatay Benjo, dalawang taon na ang nakaraan. Namatay siya dahil sa pagkahulog sa bangin. Maulan noon at pauwi na siya galing sa pagtatanim sa tuktok ng bukid akay ang aming kalabaw. Ayon sa mga sabi-sabi ng aming mga kapitbahay ay malamang natakot daw ang kalabaw sa malakas na tunog ng kulog at pagkidlat kaya tumakbo ng mabilis at hinabol ito ni tatay na hindi na namalayan ang kanyang tinatahak na daan at dumiretso na ito sa ibaba ng bangin.

Si tatay Benjo ay hindi ko tunay na ama pero sobra ang kabaitan niya sa akin na hindi mo makikitaan ng butas ang kanyang pagmamahal na ipinapakita sa akin at sa nanay ko. Ni minsan ay hindi ko siya naririnig na nagtataas ng boses o di kaya'y nanunumbat kay nanay. Hindi nga lang siya pinalad na magkaroon ng sariling anak kay nanay dahil ang sabi ni nanay Lucia na nanay ni tatay Benjo ay binata pa lang daw si tatay ng magkaroon ng deperensya sa ibabang bahagi ng katawan dahil sa nasangkutan na aksidente.

Buntis si nanay sa akin ng dinala siya ni tatay dito sa probinsya ng Boras pero sa maynila sila nagkita na dalawa. Yaya ang nanay ko sa isang mayaman na pamilya sa edad na bente dos. Tubong Batanes si nanay at delivery boy naman si tatay Benjo sa pagawaan ng tsinelas malapit sa pinapasukan ni nanay.
Matagal na raw na may gusto kay nanay si tatay pero dahil mailap daw si nanay ay hindi siya agad nagkaroon ng pagkakataon na mapalapit kay nanay.

Pero nagbago daw ang lahat ng minsan niyang nakita si nanay na umiiyak nilapitan niya ito at kinausap.
Nalaman ni tatay na buntis si nanay at ayaw sabihin kung kanino. Iyon ang nakitang pagkakataon ni tatay. Sinabi niya kay nanay na aakuin niya ang bata sa loob ng tiyan nito pero hindi pumayag si nanay dahil malaking kalokohan daw ang mga pinagsasabi nito. Todo ligaw ang ginawa ni tatay para kay nanay. Nagbunga naman lahat ng kanyang ginawa. Noong medyo halata na ang tiyan ni nanay at pinaalis siya ng kanyang amo inaya siya ni tatay na sumama sa kanya sa probinsya at dahil sa takot ni nanay na umuwi ng Aurora na buntis tinanggap niya ang alok ni tatay at hindi nagdalawang isip na sumama.  At iyon ang lage niyang sinasabi sa akin na bagay na hinding-hindi niya pinagsisihan.

Dahil ang pag ibig daw ay natututuhan at ang sakit ay nalilimutan.

Wala akong naging mga kaibigan simula ng bumaba kami ng bundok pagkatapos ng libing noon ni tatay. Dahil medyo kakaiba ang mga kabataan sa lungsod.  Mayayaman. Maaarte at snob.

Naging kaibigan ko si Matt dahil anak siya sa isa pang mansyon na pinaglalabadahan ni nanay dito sa lungsod. Dati ay tinatawag ko siyang kuya dahil mas matanda siya sa akin ng pitong taon pero nagagalit siya pagtinatawag ko siya ng ganun dahil 'tunog katulong daw ako' at tuwing sinasabi niya iyon ay tinatawanan niya ako.

Hindi matapobre ang pamilya ni Matt kahit kabilang sila sa matataas na antas dito sa Boras.
Sa katunayan ng malaman ng kanyang mga magulang ang sitwasyon namin ay pinalipat nila kami sa isang desenting bahay mula sa aming maliit na inuupahan.
minsan kapag walang labada si nanay ay inuutusan nila ito ng kung anu-ano para lang may kita si nanay sa isang araw.

Naging mas malapit kami ni Matt ng magsimula ako sa high school dahil sa kanya ako madalas nagpapatulong sa mga assignment at kakatapos lang din niya sa kolehiyo.

Matt is very friendly kaya madami siyang mga kaibigan pero ako ang palagi niyang kasakasama ika nga niya ay alalay niya ako. Ganun na nga ang nangyari.
Dahil sa labis naming pagkalapit sa isat-isa ay napagkakamalan pa akong nobya niya ng kanyang mga kaibigan. Hindi rin niya tinatanggi iyon at tumatawa lang. Pero kapag kami na lang ay sinsabi na man niya sa akin na mas mabuti iyon para walang manligaw sa akin ng sa ganun makapagtapos ako ng pag-aaral.
Tama na man siya doon.

Bata pa ako kung edad ang pagbabasihan pero ang tindig at pangangatawan ko ay parang sa mga tunay na dalaga.
Kaya siguro madalas akong mapagkamalan na kaidad lang ni Matt.
Mataas ako kaysa pangkaraniwang dose anyos kahit payat ako ay may kurba naman ang katawan ko wala nga lang akong umbok sa dibdib.
Masyado din akong maputi at kita sa buong panglabas na kaanyuan ko ang pagiging foreigner lalo na at brown ang buhok at mga mata ko. Ganun pa man hindi parin sinasabi ni nanay sa akin kung sino ang tatay ko.

Noong ni regla ako ay napuno ako ng kantyaw mula kay Matt dahil siya ang nakakita ng pulang marka sa likod ko. Nangangabayo siya noon sa hacienda nila at ako naman ay nangunguha ng mangga habang nag aantay kay nanay na matapos sa paglalaba. Malakas pa siyang tumawa at tinakot pa akong mamamatay na dahil senyales daw ito. Iyak ako ng iyak na tumatakbo noon kay nanay habang nakasunod naman siya na halos mamamatay na sa kakatawa. Pinagtawanan din ako ni nanay.

Dalawang linggo akong hindi nagpapakita kay Matt o kung magkita man kami ay hindi ko siya pinapansin.
Nawala lang ang galit ko sa kanya ng dumating si Kaila ang kanyang kapatid galing america. Mula noon tatlo na kaming gumagala dahil palaging sumasama sa amin si Kaila.
Nag nonosebleed nga lang ako palagi....






















My Beautiful HeartbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon