Memories2
Second year high school ako ng umuwi sa Boras ang anak ni Don Severeno na si señorita Roxanne kasama ang kanyang pamilya. Tatlo ang kanyang anak na puro lalake. Si Miguel Riel na panganay, Renz Sebastian na pangalawa at John Micheal na bunso.
Mababait ang mga anak ni señorita Roxanne maliban na lang kay señorito Renz. Hindi siya madalas nagsasalita at hindi rin ngumingiti. Madalas din siyang nagdadabog.
Dinig ko sa usap-usapan ng kanilang mga katulong na hindi daw gusto ni señorito Renz na bumalik dito sa probinsya dahil sanay na ito sa Maynila pero dahil matanda na ang Don kailangan ng pumirmi nila dito.Ng minsan kaming gumala ni Matt sa isang malawak na lupain malapit sa mansyon ng mga Sandoval sa Larosa upang manguha ng tutubi para sa project ko sa science nakita ko siya na nakasakay sa itim na kabayo at naka sando ng puti hawak ang kanyang selpon sa tenga at mukhang galit. Itinuro ko siya kay Matt dahilan para lumapit kami sa kanya.
Namangha ako ng magtanguan silang dalawa lalo na ng bumaba siya sa kabayo at nagyakapan. Magkababata at magbestfriend din daw sila. Nagkalayo lang sila ng magpunta ng Maynila ang pamilya ni Renz. Pero hindi naman daw naputol ang kanilang kumunikasyon lalo na at miminsan ding pumupunta si Matt sa Maynila tuwing may delivery sila doon.
Ipinakilala din ako ni Matt sa kanya.Doon kami nagsimula na maging magkaibigan, hindi iyong tipo na close at nag-uusap kumbaga sa amin tango lang ay sapat na para masabing magkakilala kami. Dyahe din kasi kung maging feeling close ako ehh amo ko siya.
Simula ng magkita silang muli lage na siyang sumasama sa amin sa lakaran na dapat ay kami lang ni Matt at Kaila,dahil minsan ay hindi nakakasama si Kaila dahil pasaway. Si Renz ang nagiging pamalit tuwing wala siyang lakad o binabagot siya sa mansyon nila.
Nagbago lang ang lahat ng magkaroon ng nililigawan si Matt na taga karatig bayan medyo hindi na kami madalas na nagkakasama at iyon ang naging dahilan upang maging mas madalas ako sa manyon ng mga Sandoval dahil kay Renz.
Nakikipag-usap na siya sa akin at natuwa pa siya ng malaman niya na nagtatrabaho ang nanay ko sa kanila. Kaya tuwing naglalaba si nanay sa kanila inaaya niya akong gumala. Una sa loob ng kagubatan na sakop ng kanilang lupain hanggang sa umaabot na kami sa ibang baryo para makiligo sa pampublikong dagat. Kadalasan ay kami lang dalawa dahil hindi niya masyadong kasundo ang kanyang mga kapatid hindi ko pweding maaya at isa pa wala din siyang kaibigan dito. Kung hindi dahil kay Matt ay hindi ko siya makikilala.
Dati ay palagi lang siya sa kanyang kwarto o di kaya nangangabayo mag-isa. Hindi rin siya namamansin sa katunayan tuwing pumupunta kami sa isang lugar at maraming tao lalo na't babae ay nag-aaya na siyang umalis. Hindi niya gusto ang atensyon.
Noong nag third year ako sa high school ay nagsimula akong magka crush sa kanya. Sabi ni nanay natural naman daw iyon at dapat daw ay hindi na ako masyadong sumasama sa kanya dahil dalaga na ako at baka ano daw ang sasabihin ng mga tao sa akin. Sinunod ko naman ang sinabi ni nanay pero madalas ay hindi, ayaw kasi ni Renz na inaayawan ko ang pag-aanyaya niya at isa pa gusto ko rin naman. Gusto kong mapalapit sa kanya.
Isang araw inaya niya akong sumama sa kanya sa dulong baryo ng Boras kung saan nakatirik ang kanilang villa maliligo daw kami at dahil Sabado, walang pasok ay pumayag ako.
Hindi ko alam ang lugar dahil first time ko dito. Napapansin ko na medyo tulala siya at parang may dinaramdam. Hindi siya madalas nagsasalita na hindi naman bago sa akin kaya lang sobrang layo ng kanyang paningin at madalas mag buntong hininga.
Tinanong ko siya kung may problema ba siya pero sabi niya ay wala naman kaya hindi ko siya pinipilit.
Maganda ang lugar. Kaya ini enjoy ko na lang ang pagpunta ko dito.Nasundan pa ang pagpunta namin doon sa villa para lang maligo sa dagat at ewan ko sa kanya kung para sa ano. Basta ako masaya at nakagala ako at nakasama ko pa siya.
Hanggang sa isang araw na pagpunta namin doon ay nagdala siya ng alak hindi naman niya ako bininigyan at siya lang ang umiinom at mukhang sanay na sanay na siya.
Umupo ako sa tabi niya at nakatingin noon sa malawak na dagat ng bigla niya akong kabigin at halikan. Hindi ako nakahuma. Masarap ang halik niya kaya kahit hindi ako marunong ay tumugon ako.Ilang beses pang nangyayari iyon tuwing magkasama kami. Naghahalikan. Simula iyon para tawagin ko siyang Seb, para naiiba ako sa karamihan ng tumatawag sa kanya. Para sa akin espesyal iyon kahit wala kaming relasyon.
Iyon na yon!Isang taon ang lumipas at ganun parin kami nasa fourth year high school na ako at excited si nanay na magtatapos na ako dahil mag-aaral na ako sa kolehiyo sagot ng foundation.
Noong gabi ng birthday niya at kasagsagan ng party sa mansyon para sa kanya ay inaya niya akong pumunta sa villa dahil masakit daw ang ulo niya at naiingayan siya. Kahit may kaba sa akin ay sumama pa rin ako sa kanya.
Doon nangyari ang lahat. Ang pagsuko ko sa aking murang katawan para sa kanya. Masaya ako kahit hindi ko alam kung ano kami. Basta masaya ako.Nauulit pa ito ng maraming beses. Minsan sa loob mismo sa kwarto niya sa mansyon tuwing sumasama ako kay nanay. Tuwing pumupunta kami sa karatig baryo hindi na ang pagliligo sa dagat ang dahilan kundi ang gumawa na ng makamundong bagay. Minsan sa gubat o kung saan siya naaabutan ng pangangailan. Tanga lang din siguro ako dahil hindi ako tumatanggi. Paano ako tatanggi kung ako mismo ay gusto ang nangyayari?
Pero isang araw bigla siyang nagbago at madalas na siyang umaalis ng Boras para bumiyahe pa Maynila. Dalawang linggo muna ang bibilangin bago siya bumabalik.
At hindi na siya masyadong namamansin sa akin.
Tumatango lang bilang respeto na nakikita niya ako.Apat na buwan bago ang graduation ko ng makumpirma ko na buntis ako dahil hindi na ako dinatnan.
Hindi ako makapaniwala. Fifteen pa lang ako at buntis na. Natatakot ako para sa magiging reaksyon ni nanay at sa magiging kinabukasan ko.Kaya napag di-desyunan ko noon na sabihin sa kanya.Pero hindi na nangyari iyon dahil bigla siyang nawala at di na bumalik. Dinig ko sa ina niya na nagkaayos na daw sila ng girlfriend niya sa Maynila at plano ng dalawa na magpakasal sa America. Gumuho ang mundo ko noon ng malaman ko ito. Ginamit niya lang pala ako para makalimutan niya ang sakit sa kanyang puso. Kaya pala ayaw na ayaw niya dito dahil may girlfriend siya.
Tatlong buwan ang tyan ko ng grumaduate ako at hindi pa halata. Pero dalawang buwan ang tiyan ko ng malaman ni nanay dahil sa madalas kung pagsusuka at takaw sa tulog. Hindi ako sinaktan o sinabihan ng masasamang salita ni nanay na lalong nag pahirap sa akin bagkus ay umiyak siya kasama ako. Hindi rin siya nagtanong kung sino ang ama.
Alam kung may alam siya kaya nananahimik na lang ako at hindi na nagsalita tungkol dito. Ang payo niya lang ay huwag gumawa ng isa pang kasalanan iyon ay ang ipalaglag ang bata. Hindi ko rin gusto iyon kay nag desisyon si nanay na pagkatapos ng graduation ay uuwi kami sa probinsya nila sa Aurora.
Nalaman lang ni Matt ang kondisyon ko ng minsan siyang bumisita sa akin sa Aurora nagulat siya at nagalit na rin dahil sa nangyari. Pinakiusapan ko na lang siya na huwag nang ipaalam kay Seb este Renz kung sakali man na magkita sila pero ang sabi niya umalis na daw ito patungo sa ibang bansa.
Bago umabot ng limang buwan ang aking tyan ay namatay si nanay. Nabangga ang kanyang sinasakyan na bus pauwi sa Aurora galing Maynila kasama ang kanyang pinsan at swerti naman at nakaligtas ang anak nito.
Si Matt ang naging karamay ko at ang nag-asikaso sa libing ni nanay pinacremate niya ito. Siya rin ang nagdala sa abo nito sa Boras upang isama sa labi ni tatay.Brokenhearted si Matt ng dinala niya ako sa Europe. Hindi ko alam kung anong ginawa niya para maisama niya ako doon. Connection iyon ang sabi niya.
Ang Europe ang naging bagong tahanan ko lalo na sa Ibiza kung saan kami naninirahan hanggang sa nakapanganak ako.Hinilom ng panahon at lugar ang sakit sa puso ko. Nagkaroon ako ng kapayapaan.
Pero ngayon nagbabadya na itong mabasag.

BINABASA MO ANG
My Beautiful Heartbreak
RomanceIt took me thirteen years to heal the wounds in my heart and yet it takes you a second to make it bleed again. Anong gagawin ko para matigil ito? Runnaway,....again?