Out
Nagising ako ng alas siyete. At naligo na agad. Sigurado ako may hinanda ng almusal si mama. As usual.
Tulad ng hinala ko, nagkahanda na ang pagkain at mga plato.
"Goodmorning Ma!" Sabay halik sa pisngi.
"Oh Trina, kumain ka na ha? Aalis muna ako, mamalengke para mamayang tanghalian. Pumasok na si Harold. Ingat ka anak."
"Sige ma. Ingat"
Wala na akong papa. He left us for another girl. I was 5 years old that time si Harold naman ay baby pa. Nag aaway sila ni mama. Sobrang away na nauwi sa hiwalayan. All I know is may anak na pala si papa sa labas. He's 3 years older than me. I dont know his name. Mama is so devastated when papa left. Bakit kaya may ganong mga lalaki. Nakakainis sila. Ayokong mangyari sakin yun.
Isang jeep lang ang sakay nandun na ako sa Mall kung san ako nagtatrabaho.
"Trina!!! Bakit ang tagal mo? May flowers para sayo dito. Dali tignan mo." She's Faith. May co-worker and dearly bestfriend.
"Di ako matagal, maaga ka lang."
Natatawa ako sakanya."Oo na. Tignan mo na kasi, may tatlo pang ferrero rocher. Pahingi ako isa mamaya huh?" Ngumisi siya sakin.
"Tss. Oo na Faith, tara dun na tayo marami pa tayong gagawin." Tawa ko.
"Basta yung chocolate ah."
Kulit talaga. Kay Ken pala galing yung flowers. Of course. I dont expect anyone except him.
So yun. Pumunta na kami sa department store kung saan ako naka assign, si Faith naman ay sa Ladies Wear pumunta. Sa baby section ako. Naiisip ko palang na may little Ken at Trina sa bahay na nagtatakbuhan ang saya saya ko na. Kaso marami pa kong pangarap na gustong matupad. Hindi pa ko handang magpakasal at magkaanak.Lunch time na. Alas tres kasi ay out ko na. Yung next shift naman. Habang kumakain tumawag si Ken.
"Hello?"
"Mahal! Natanggap ako. Makakaipon ako para sa kasal natin!" Masaya nyang bungad.
"Sabi na. I know you can do it" ngumiti ako kahit di naman nya kita.
"Mahal.."
"Bakit Mahal?"
"Lalabas kami ng kasabayang kong natanggap. Magkakakilala na kami since nag-aaply. I cant fetch you. Aalis na kami ngayon kahit maaga pa. Malayo kasi yung bar, at matatatraffic kami."
Okay.Nadisappoint ako. Hindi ako ang pinili nyang makasama magcelebrate. Pero pinagbigyan ko nalang siya.
"Sure, Ken."
"Thank you, Mahal."
"I love y-" pinutol na nya ang tawag.
Ken talaga oo. Siguro sabay nalang kami ni Faith mamaya uuwi.
BINABASA MO ANG
To My Dearest Boyfriend
Short StoryMahal na mahal naman ni Ken at Trina ang isa't-isa. Ngunit sila ba ang magakakatuluyan sa bandang huli? O may darating pa para hadlangan sila? Tignan natin kung sila ba o mawawala ang pagtingin nila sa isa't-isa.