TMDB: Thirteen

6 2 0
                                    

Boyfriend

Palaging ganun. Aalis kami tapos pag uuwi hindi ko naaabutan si Mama at papa kaya hindi ko siya mapakilala. Siya naman ay hindi nya kasama ang papa nya. Di nya rin alam kung nasaan.

Sweet siya palagi halos limang buwan na kaming ganito at nakalimutan ko na si Ken. Wala na akong nararamdamang iba para sakanya. Ang mahalaga ngayon saakin ay si Seff.

Katulad ngayon nandito kami sa sala nya. Nakasandal ako sa balikat niya habang nanunuod na movie. Di ako nanunuod. Inanaway ko lang siya dahil ang bango niya. Seryoso siyang nanunuod. Nag gi-giyera na ata sa palabas. Kumain ako ng pizza na nasa center table.



Tumingin siya saakin. "Bakit?" Tanong ko.

"Takaw mo po." Tawa niya sabay gulo sa buhok ko. Sumimangot ako. Ngunit patuloy lang siyang nanunuod.

Tinapos ko muna ang pagkain at nagpunas ng bibig.

"Uhmm.. Joseff?" Tawag ko. Patapos na din ang palabas kaya okay lang na istorbohin ko siya.

Tumingin siya. "Pag magiging tayo ba hindi mo ako lolokohin? Hindi mo ba ako iiwan-"

Sumeryoso siya. "Trina kung inaakala mong katulad ako ng magaling mong ex. Nagkakamali ka. May isa akong salita. At yun ay mamahalin kita at hindi kita iiwan. Alam kong mahirap magtiwala pero ako? Handa akong ibuwis ang buhay ko para sayo. Mahal kita Trina." Diretso sa mata ko ang tingin nya habang sinasabi nya yun.

Hinalikan ko siya. "Then I am your girlfriend." Nagulat yata siya at natulak ako ng bahagya.

"Your my what?" Nanlalaki ang mata nya.

"Girlfriend." Natawa ako. "Your my boyfriend now. Damn! Just kiss me or else break na tayo." Banta ko pero syempre hindi yun totoo.

He kissed me napasandal na ako sa sofa habang siya ay nasa harap ko. Naghahalikan lang kami hindi ko namalayan ay nasa kwarto na niya ako.

"Ayokong pagsisihan mo to Trina." Sabi nya.

"No. Ever." Pagkasabi ko nun ay nangyari na ang dapat mangyari.



Nagising nalang ako na masakit ang katawan. Nakita ko si Seff na tulog pa. Kaya niyakap ko muna siya. Niyakap ko ang boyfriend ko.


Nagising siya bigla. "Goodmorning sweetheart." Sabay halik niya sa noo ko.

"Goodmorning." Sabay siksik ko sakanya.

"Easy girl. Maghahanda muna ako ng almusal natin. Okay?" Umalis na siya. Saka ko naalala na wala pala akong damit dito. Sinuot ko nalang ang damit ko at tinext na nakatulog ako sa kila Faith. Nahihiya pa ako. Una sa lahat kasi hindi ako lasing at naiilang pa ako. Hindi ko muna siya ipapakilala.


Pagkatapos kumain ay lumabas na kami. Nakita namin si Ken kaya nakasabay namin siya sa elevator pababa. Wala siyang sinabi tila hindi yata kami magkakilala. Pinisil ni Seff ang kamay ko at nakita iyon ni Ken. Pero ganun pa rin siya. Walang imik. Lumabas kami ng elevator ng walang lingunan.

Okay lang. I'm happy now.

"Hatid na kita pauwi." Tumango nalang ako.
Di pa nag-iistart yung sasakyan ay may tumawag sakanya.

"Dad."
"Why?...You what? Okay I'll be there. Bye." Ramdam ko ang galit niya.

"Hatid nalang kita sainyo." Sabi nya.

Pagkarating sa gate ay hinalikan nya ko. "I'm sorry okay? May gagawin lang ako. I'll call you later. I love you."

"Okay lang Seff. I love you too." Sagot ko.

Pagpasok ko ng bahay ay umalis na siya nakita ko si mama at Harold sa sala nanunuod.

"Anak? Kumain kana ba?" Tanong ni mama.

"Opo. San si papa?" Tanong ko. Medyo okay na sila ni Harold.

Tumingin si mama sakin. "Trina. Pinuntahan nya yung anak nya. Sasabihin nya na may anak siya sa iba. Nang sa ganun ay matanggap na nya tayo."



Tumango nalang ako. Naligo ako nagbihis at bumaba. Tumabi ako kay Harold na kumakain ng chips.

To My Dearest BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon