Supervisor
Tinext ako ni Ken bandang alas otso ng gabi.
Mahal:
Im sorry Trina. Babawi ako. Pauwi na kami. Goodnight. I love you.
Hindi ko na nireplyan. Hinayaan ko na. Tutal hindi naman sakin umiikot buong mundo nya. Baka masakal siya sakin kaya hinayaan ko na kung ano ang gusto nya.
Pag pasok ko sinalubong agad ako ni Faith.
"Hi. Goodmorning Trina." Sabay halik sa pisngi ko.
"Goodmorning Faith." Beso ko din.
"Mukhang wala atang bulaklak ngayon si loverboy mo ah." Si Faith.
"Ikaw talaga, okay lang. Saka gastos lang yun kakatanggap lang nya sa trabaho." Sagot ko.
"Walang chocolate." Malungkot nyang turan.
Loka loka talaga.
"Ay Trina, alam mo bang may bago tayong supervisor? Sinasante na yung matandang hukluban na walang kasing sungit. Gwapo daw yung bago at bata pa." Kinikilig pa siya.
"Alam mo Faith, okay na umalis yung matandang yon. Pero wala akong pakialam sa bago may Ken na ako." Katwiran ko.
Tumawa siya. "Alam ko. Akin na yung isang yon. Shinishare ko lang." Sabay hampas sa braso ko. Aba ang loka, tumatawa nalang may hampas pa.
So yun, nag kanya kanya na kaming punta sa assign place namin.
"Goodmorning Ma'am. Stroller for baby boy po ba?" Bati ko sa customer.
"Girl." Sabay himas niya tiyan niyang medyo malaki na din.
"Ah girl, this way po Ma'am, may pink po, at may ibang ibang designs. May 30% discount po kami ngayon." Ngiti ko.
"I like this one, Im gonna get this. I'll just wait for my husband here."
"Okay Ma'am."
Ayun nakabenta din. Biglang may sumulpot na lalaki sa harapan ko. Malaki ang mga braso, matangkad, makinis ang mukha, gwapo, ang ganda ng shape ng jawline nya at magulo ang buhok na maayos ang pagkakaayos.
"Sir, Baby Girl or Boy po ba? Meron po kami dit-"
"You are?" Maawtoridad nyang tanong.
"Sir?" Naguguluhan ako.
"By the way, I'm Joseff. Your new supervisor. Lahat kilala ko na. You are?" Pakilala nya. Tama nga si Faith gwapo.
"Im Trina po. Dito po ako sa Baby section naka assign. Morning shift po." Diretso sa mata nya kong sabi. He looks familiar. Parang gusto ko syang kilalanin. May kung ano saakin na gusto ko siyang kaibiganin. Okay lang naman siguro yun? Kaibigan lang naman. Ken is still my boyfriend.
"Okay. Trina. Back to work."
Umalis na siya. Tinanaw ko nalang ang gwapo nyang likod habang unti unting naglalaho. Okay lang to. Kaibigan. This wont hurt anyone.
BINABASA MO ANG
To My Dearest Boyfriend
Short StoryMahal na mahal naman ni Ken at Trina ang isa't-isa. Ngunit sila ba ang magakakatuluyan sa bandang huli? O may darating pa para hadlangan sila? Tignan natin kung sila ba o mawawala ang pagtingin nila sa isa't-isa.