Sorry"Nasan ako?" Wala sa sarili kong sabi.
Puti yung kwarto, pero yung gamit puro black. Yung bed sheets, comforter, unan, frames pati kurtina.
Ano nga ulit nangyari."Gising ka napala. Kumain na tayo, naghanda ako ng almusal."
Pumasok si Sir Joseff. Huh?
Sisigaw na sana ako, nang maalala ko si Ken. Tinulungan pala ako ni Sir Joseff.Lumabas siya at sumunod ako. Naghanda siya ng bacon and egg tapos japanese style na fried rice.
"Uhm.. Sir Sorry po sa abala. Saka aabsent po muna ako ngayon, bukas na lang ako papasok nabigla kasi ako sa mga nangya-" pinutol nya ang sasabihin ko.
"It's okay Trina. You rest. After this let me drive you home." Pormal nyang sagot. Nakakaintimidate siya. Ewan ko pero gusto ko pa siyan kausapin. Ano pang sasabihin ko. Isip, isip, isip.
"Sir Jo-"
"Joseff nalang." Sa wakas ngumiti na siya. Kaso ang hilig mamputol ng sasabihin.
"Nasan po ako? Paano po kayo nakarating sa unit ni Ken?" Tanong ko. Bangitin ko palang yung pangalan ni Ken, natatakot ako. Ayoko ng maulit yun.
"Kapitbahay ko lang siya. Your still at the same building. Wag kang mag alala. So.. boyfriend mo pala iyon?" Nagtataka nyang tanong.
Nagkibit balikat ako "Hindi ko alam na magagawa niya yun."
"Sa susunod mag ingat ka. Kagabi nandun siya sa labas hinihintay ka. Baka nandun na yun ngayon." Kinabahan ako bigla. Nakakainis ayoko pang umuwi pero..
"Si-uhm Joseff pwedeng umuwi na tayo?" Ayoko na kasi dito.Tumayo na siya at nag punas ng bibig. "Let's go."
Sumunod ako. Pagkalabas namin. Nandun si Ken tulog sa pintuan. Nakatulog ako.
Kahit maingat akong naglakad, nakita kong dumilat ang kanyang mga mata. Nagising ata. Oops."Trina!!" Sigaw nya.
"Trina, let's go. Uuwi ka na." Si Joseff naman.Gusto kong makausap si Ken pero natatakot ako pag iniwan na kaming mag isa ni Joseff. Ayoko siyang mawala sa tabi ko.
"Trina, wait!" Humabol siya.
Biglang humarang si Joseff.
"Leave her alone." Madiin nyang sabi.
"Girlfriend ko siya. Wag kang makialam! Trina please...kausapin mo ko." Halos magmakaawa na si Ken saakin.Nag isip ako. "Just not today. I'm tired." Walang emosyong kong sabi.
Nagkatitigan kami. "Pagod? Bakit anong ginawa niyo ha? What the fuck?!" Galit nyang sabi.
Ewan ko kung nagtatanga tangahan tong si Ken. Nakalimutan na yata yung ginawa nya nakakabwisit.
"Please Ken, I'm sorry." Yun lamang at umalis na kami.
Pagkarating namin sa gate ng bahay ay lumabas agad ako sa kotse nya. "Salamat Joseff. Una na ako. Ingat ka." Ngiti kong sabi.
Tumango siya at umalis na.
Pagkapasok ko wala si mama at Harold. Humiga agad ako sa kama ko. Hayy! Nakakapagod talaga. Biglang nagring yung phone ko."Hello?" Sinagot ko ito kahit di ko pa kilala ang caller.
"Mahal please kausapin mo ko. Trina hindi ko sinasadya yun. Trina please!!" Ano ba yan.
"Damn Ken! Can you let me rest just for today?! Fvck! I hate you!" Bulyaw ko.
Ibaba ko na sana pero narinig ko siya "Sorry Trina, pahinga ka na. I love you." At binaba na nya ang tawag.
Nag muni muni muna ako saglit hanggang sa mapagod ang isip ko at nakatulog ako.
BINABASA MO ANG
To My Dearest Boyfriend
Short StoryMahal na mahal naman ni Ken at Trina ang isa't-isa. Ngunit sila ba ang magakakatuluyan sa bandang huli? O may darating pa para hadlangan sila? Tignan natin kung sila ba o mawawala ang pagtingin nila sa isa't-isa.