Close
Hindi ako nakapagsalita agad. Damn. Nagbara ang lalamunan ko. Hindi ko alam ang sasabihin.
Kakabreak ko lang kasi at hindko alam ang gagawin ko."Kakabreak lang namin ni Ken.." Buti nalang at nahanap ko na ang boses ko.
Ngumiti siya. "Mas mabuti. I will make you forget that asshole. Please just let me. Hindi ko kayang itago ang nararamdaman ko. Trina, hindi kita minamadali at di kita pinipilit. Just let me love you. I will let you feel how to be love." Speech nya. Mygod.
Siguro kailangan ko rin ng ganun, nang makakausap. I will take risk. Kung mahulog man ako sakanya edi mahulog. Basta ang alam ko hindi ko ikukulong ang sarili ko sa issue namin ni Ken.
Tinignan ko siya at mukhang dissapointed. "Okay." Sabi ko.
Nagliwanag ang mata nya. "Thank you Trina. You will never regrets this." Sabay hawak sa kamay ko na nasa ibabaw ng table. Kinilabutan ako pero bigla ding nawala iyon.
Bumalik na ako sa trabaho. Balak ko sanang umuwi agad.
Pag ka out ko nakita ko si Seff sa pintuan ng locker namin. May dala siyang bouquet. Na puro pulang rosas.
Napangiti ako. Parang nawala yung bigat sa dibdib ko."Trina can we go out? I'ts okay if you don-" pinutol ko siya.
"Okay lang. Ikaw naman, uuwi muna ako sa bahay para magpalit." Sabay kuha ko sa bulaklak.
Hinatid nya ako sa bahay. Wala si Mama at Papa. Si Harold lang na sala nanunuod ng TV.
"Tara pasok ka." Sabi ko kay Seff na nasa labas.
Sumunod siya. Tinanguan nya si Harold at umupo sa sofa. "Magapapalit lang ako."
Nagpalit ako ng dress. Isang white dress at wedge. Simple lang.
Paglabas ko ng kwarto naka abang si Harold. "Ate sino siya?" Curious naman siya.
"Si Joseff. Bakit?"
"Magaan loob ko sakanya." At dumiretso na siya sa kwarto niya.
Nagkibit balikat nalang ako.Nakita ko siya sa baba. Tumitig siya. Kumunot ang noo ko. "Lets go?" Sabi nya.
Kaya bumaba nalang ako.
Pumunta kami sa mamahaling restaurant. Nag order na siya. Nagsalita siya ng nagsalita. At nagkwento ng kung ano ano. Bago dumating yung waiter.
Nakakatuwa siya. Napapatawa ako minsan.
"Ang ganda mo." Sabi nya ng walang kurap ang mata habang nakatitig saakin.
Ngumiti ako. "Ikaw talaga Seff." At nagkwentuhan pa kami. Ang gaan ng loob ko sakanya. Ganito siguro yung naramdaman ni Harold kanina.
Pag alis namin sa resto ay pumunta kami sa sinehan. Since ala siyete palang ay manunuod muna kami.
Love story yung pinili kong kwento. Hindi siya umangal.
Magkatabi kami sa upuan. Nanunuod akong seryoso pero pag tinignan ko siya nakatingin siya saakin. Pero iniiwas niya ang tingin niya at ngumingiti. Napailing nalang ako.Nandun na sa part yung movie yung naghalikan na yung dalawang bida. Tinignan ko siya. Sabay kaming nagkatinginan. Hinawakan nya yung kamay ko. Unti unti nawawala ang espasyo sa pagitan ng aming mukha. Pumikit nalang ako at naramdaman ko ang labi nya sa labi ko. Saglit lang iyon. Pero tinulak ko siya padiin sa labi ko. Bigla akong nasilaw at bumitaw ako sakanya. Nakatutok saamin ang flash light ng guard at nakatingin saamin lahat at nakangisi. Damn! Nakakahiya.
Hinila ko siya papaalis doon.
Pagkalabas namin ay tumatawa siya."Damn youre blushing." Kita ko ang puti ng ngipin nya.
"Oo at kasalanan mo. Umuwi na tayo." Sabi ko. Nakakhiya talaga. Sa tanang pagsasama namin ni Ken eh hindi pa nangyayari ito. Naalala ko na naman. Fvck Ken!
"I'm sorry Trina." Malungkot siya. Akala nya siguro nagalit ako. Hah!
"Its okay. Gabi na rin baka hinahanap na ako. Okay?" Ngumiti ako para mawala ang pangamba nya. Ngumiti din siya at inakbayan ako habang palabas ng mall na iyon.
Kahit nakakahiya atleast I'm enjoyed. Damn!
BINABASA MO ANG
To My Dearest Boyfriend
Short StoryMahal na mahal naman ni Ken at Trina ang isa't-isa. Ngunit sila ba ang magakakatuluyan sa bandang huli? O may darating pa para hadlangan sila? Tignan natin kung sila ba o mawawala ang pagtingin nila sa isa't-isa.