Happy
Pagkapasok ko sa trabaho ay wala si Faith. May sakit siya. Bibisitahin ko nalang siya siguro mamaya pag out ko.
"Seff."
"Yes, sweetheart?" Sabay halik nya saakin sa kung saan saan.
"Pwedeng kay na Faith mo ako ihatid? May sakit kasi siya. Bibisitahin ko lang." Tumigil siya sa paghalik."Okay pero hihintayin kita." Pinaandar na niya ang kotse patungo kay Faith.
"Magandang Hapon po. Nandyan po ba si Faith?" Tanong ko kay tita. Mama ni Faith. Nag paiwan si Seff sa kotse. Bilisan ko lang daw.
"Oh Trina ikaw pala. Tara pasok. Nandun sa kwarto nya. Tinatrangkaso. Anong gusto mong inumin?" Kilala din ako ng mama nya.
"Ay tita wag na po. Saglit lang po ako." Tanggi ko.
"Oh sge. Labas muna ako ha."
"Opo tita."
At pumunta na ako sa kwarto ni Faith.
"Achooo!" Nagtakip ako ng bibig.
"Trina? Bakit ka nandito? Baka mahawa ka." Sabi ni Faith.
"I'm okay. I just wanna check on you. Kamusta?" Sabi ko.
"Sakit ng katawan ko. Hindi pa rin ata ako makakapasok bukas." Sabi nya.
Nagusap kami ng konti at nagpaalam na ako. Baka naiinip na si Seff.
"Sige Faith pagaling ka ah? Kailangan ko ng umalis." Paalam ko.
Ngumiti lang si Faith.
Pagbalil ko ng sala nandun na si tita. "Tita salamat po. Dito na po ako."
"Oh sige mag iingat ka ha." At umalis na ako.Pumasok na ako ng kotse. "Sorry nainip ka ba?" Ngumisi lang siya ay pinaharurot ang kotse.
Nandito kami sa condo nya. Sa kwarto. Kanina pa kami dito at naka ilan na kami. Ang sakit ng katawan ko. Pero worth it na napasaya ko siya.
Lumipas ang araw at ganun ang palagi naming ginagawa. Sana ay hindi ako mabuntis.
"Happy Monthsarry!" Aba na kikuntsaba pa sa mga katrabaho ko dito.
Lahat sila ay may hawak na letra. Yung iba cake. Mga regalo. Nakakatuwa."Nagustuhan mo ba?" Sabay hapit nya sa bewang ko.
Tumawa ako."Oo naman! Ano ka ba Seff. Sobrang ganda. Ang effort mo! Ikaw na." At tumawa ako.
Nagsikain lang kami duon kasama ang mga katrabaho ko. Ang saya saya ko.
"Seff? Sama ka sa bahay mamaya? Ipapakilala kita sa magulang ko."
"Okay." Buti pumayag siya.
Pagkatapos ng kainan ang daming bumati sakin.
"Congrats!"
"Haba ng hair mo girl."
"Kainggit ka Trina."
"Stay strong girl."Ang dami nila.
Pag kauwi namin naabutan ko si mama na nagluluto sa kusina. Hinalikan ko siya sa pisngi.
"Hi Ma. May ipapakilala ako sayo." Dumiretso kami sa sala. Nakaupo na doon si Seff.
Tumayo si Seff at nagmano kay Mama.
"Ma si Seff po, boyfriend ko. Seff, ang mama ko."
"Magandang gabi po." Sabi ni Seff.
Tinitigan ni mama si Seff tapos balik sakin. Kunot ang noo.
"Trina mag usap tayo." Nagtaka naman ako kay mama. Tinignan ko si Seff para mag paalam. Tumango lang siya.
"Boyfriend mo?" Tanong ni mama ng makalayo kami.
"Ma bakit po?" Di ko maintindihan ehh.
"Ewan ko. Basta! Iba ang pakiramdam ko sakanya." Akala ko naman kung ano na.
"Wag ka mag alala ma. Okay lang ako. Mabait siya ma." Tumango nalang siya at bumalik sa pagluluto.
"Dito ka na kumain." Sabi ko kay Seff.
Pag kakain namin ay kwento ng kwento si Harold sakanya. Si mama naman ay ngumingiti na. Ang sayo ko.
"Ay ma si papa pala?" Naalala ko si papa.
"May inasikaso lang. Uuwi din yun mamaya." Tumango ako.
Sayang kung nandito lang sana siya. Pero okay pa rin ako. Masaya pa rin. Sana ganito palagi.
Umuwi din si Seff pagkatapos. Dahi tumawag daddy niya. Nasa condo niya. Hinalikan niya ko bago umalis.
BINABASA MO ANG
To My Dearest Boyfriend
Short StoryMahal na mahal naman ni Ken at Trina ang isa't-isa. Ngunit sila ba ang magakakatuluyan sa bandang huli? O may darating pa para hadlangan sila? Tignan natin kung sila ba o mawawala ang pagtingin nila sa isa't-isa.