TMDB: Fifthteen

7 3 2
                                    


Revelation

Kahit di ko alam ay ramdam ko ang problema ni Seff.
"Seff. Ano ba talagang problema?" Kinakabahan talaga ako sa kanya.


"Kasi si papa nandun na ulit sa babae nya." Madiin sa galit na tonong sabi nya.

Tinapik ko nalang siya. Pag nalungkot siya ay ako na ang iinitiate na pumunta sa condo nya para pasayahin siya.

"Trina. Mahal na mahal kita." Sabay halik nya sakin.
"Mas mahal kita." Hindi ako nagsasawang sabihin sakanya yun.


Pumasok na ako sa Trabaho at ganun din si Faith. Sabay kaming maglulunch kasi may inaasikaso pa si Seff sa trabaho nya.

"Trina? Tara na." Aya ni Faith.



Sa Jollibee lang kami kakain. "Trina alam mo. Kahit alam kong kayo na ni Sir, parang may mali." Sabi ni Faith.
Anong mali? Ewan ko.
Nagkibit balikat ako at pinagpatuloy ang pagkain.

Narinig ko siyang nagbuntong hininga. "Trina sagutin mo ko. May nangyari na ba sainyo?"

Napatingin ako sakanya.
"Faith boyfriend ko siya, hindi ako nagsisising ibinigay ko--"

"Kahit na Trina! Nag aalala ako sayo. Basta ha? Pag problema ka sabihin mo sakin."

Nakakahawa ang kapraningan ni Faith. "Sige." Sagot ko. Nakita ko siyang nangangamba pa rin.

"Yung sundae mo oh. Tunaw na." Sabi ko nalang.
Kinain na din nya.

Bumalik na kami sa trabaho ngunit walang Seff ang nagpaparamdam sa akin.
Nasan na kaya yun?

Tinext ko siya.

Joseff:

Seff? Nasan ka. Kumain ka na. Ilove you.

5 minutes

10 minutes

30 minutes

1 hour

Ngunit wala pa ring reply. Malapit na ko mag out.
Bigla syang tumawag.

"Seff!" Miss ko siya damn!

"Oh easy sweetheart." Tumawa siya.
"Di kita masusundo ngayon, may pupuntahn kami ni Daddy. I'm sorry hope you understand. Babawi ako okay? I love more. Bye."

Hindi na nya ko pinagsalita pa.

"Trina!" Si Faith.

"Uuwi ka na?" Tanong nya. Ayoko pa sana.

"Gala tayo?" Suggest ko.

"Tara! Saan?" Sabi nya.

Pumunta muna ako sa bahay ni Faith para manghiram ng damit. Pupunta kami sa bar para malibang. "Ayos ba ito?" Suot ko ang mini skirt at backless nyang damit at heels.

"Damn sexy Trina." Yun lang ang nasagot nya.

Siya naman ay nakadress na hapit na hapit sa katawan nya. Kulay pula iyon at ang ganda nya.


Pag kapunta namin sa bar ay may nakita agad kaming kakilala.

"Trina! Faith!" Mga college classmates namin.

"Kamusta kayo?" Tanong ni Faith sakanila.
Ngumiti lang ako sakanila. At nag shot. Wala pa masyadong tao kasi maaga pa.


Mga bandang alas siyete ay dumami ang tao. Si Faith ay sumasayaw na. Hindi naman siya umiinom. Nag juice lang siya kanina. Hyper lang talag siya.

Mag nagtext sakin.

Mama:

Trina? Nasan ka. Umuwi ka na. Ngayon na.

Hindi naman nagtetext si mama saakin para lang pauwiin ako.
Sinenyasan ko si Faith. Agad naman siyang lumapit.

"Faith nagtext si mama. Uwi na daw ako!" Sigaw ko sakanya. Maingay kasi dito.

"Okay sige uwi na tayo."
"Bye. Pinapauwi na kami. Sa susunod nalang." Paalam nya.

Ramdam ko ang panghihinayang ng iba pero hinayaan nalang namin yun.

Dumiretso na ko sa bahay kahit suot ko ang damit ni Faith.

Pagbaba ko ng taxi nakita kong nakaparada yung kotse ni Seff kaya nagmadali ako.

"Manong bayad po."

Pumunta ako sa bahay. Pagpasok ko nakatingin lahat sila sakin. Sinalubong ko ang galit na mata nilang lahat. Wala si Harold dun. Si mama, papa at Joseff ang nandon. Anong ibig sabihin nito.

"Trina. Ngayon sana ipapakilala saatin ng papa mo ang anak nya. Mukhang di na kailangan dahil kilala na natin siya." Malungkot na sabi ni mama.

"Pa?" Sabi ko.
"Trina I'm sorry. Hindi ko alam na--"

"Si Joseff ang kapatid ko?" Buo ang boses ko.

Tumango silang dalawa nakayuko si Joseff.

"Anak, patawad." Huminga ako ng malalim at lumabas.

Nandito ako ngayon sa upuan sa labas. Nabigla ako sa nangyari. Hindi ko magawang umiyak.

"Trina." Narinig ko ang boses ni Seff.

Napamura siya. Napaiyak na ako.

"Damn Trina! Magkapatid tayo. Fvck it!"

Lumakas ang iyak ko. Niyakap niya ko. Pero bago yun tinulak ko na siya.

"Lumayo ka. Nakakadiri! Nandidiri ako!" Narealize ko lahat ng ginawa namin. Damnit! Ginawa ko yun sa sarili kong kapatid! Fuck!

"Trina hindi ko alam. Hindi ko alam na ikaw ang kapatid ko." Kalmado nyang sabi.

"Ngayon alam mo na? Lumayo ka na. Nakakadiri!" Aalis na sana ako ngunit hinawakan nya ang braso ko. Nagkatitigan kami ngunit umiwas agad ako ng tingin. Malungkot ang mga mata nya. Binawi ko ang kamay ko saka pumunta sa kwarto ko.

Umiyak ako magdamag. Tatawagan ko sana si Faith ngunit ayokong makaistorbo.

May nakita ako papel at ballpen sa study table ko at nagsimulang magsulat.

To My Dearest BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon