TMDB: Seven

10 3 0
                                    


Cool off

Pumasok ako sa trabaho. Okay na ko. At gusto kong makita si Joseff. Sinalubong agad ako ni Faith.

"Girl OMG! Nandito si Loverboy! Kakausapin ka daw. Mygod. Ganda mo." Kung minamalas ka nga naman.

Pinuntahan ko agad si Ken.

"Ken."

"Trina!" Niyakap nya ko. Hindi ko siya niyakap pabalik.

"Im sorry." Sabi nya sabay bitaw. Tinitigan ko siya, ngunit nag iwas siya ng tingin.

"Ken bakit? Dahil hindi ko maibigay sayo ay pipilitin mo ako? Ken naman! Kung pinaabot mo ang relasyong to ng tatlong taon para dyan sa binabalak mo eh pasensya pero di kita-"

"Trina, hindi ganun yun. Nainpluwensyahan lang ako. Pero hindi ko intensyon yun. Please maniwala ka." Paliwanag nya.

"Pipilitin kong maniwala. For now cool off muna tayo. Leave me for weeks. I'll just find my love for you, because I dont feel it anymore. Hindi na ikaw ang Ken na minahal ko. You may now leave. Excuse me." Sabay talikod sakanya at naglakad palayo.

Hindi nya ko hinabol o ano. Hinayaan nya kong umalis.

Nakatayo ako habang nakatitig sa damit at mga gamit ng baby. Nang dumating si Joseff.

"You fine?" Tanong nya.
"Yup." Sagot ko.

Ilang saglit na katahimikan. At bigla siyang nagtanong. "Can we lunch together? I want to know you."

" Of course. Yun lang pala Seff." Ngiti ko sakanya. Ang gwapo kasi ehh.

"Okay then." Tumangi siya at umalis na.

Nakangiti ko siyang pinagmasdan. Magkaibang magkaiba sila ni Ken. Ewan ko pero gusto ko ding makilala siya. Buti nalang at inaya nya ko. Hindi na ako mahihirapan makipag kaibigan sakanya.
Sana bumilis ang oras. Gusto nang mag lunch!

9:30

9:45

10:01

10:15

Bakit ang tagal mag 11:30? Tagal. Tagal. Tagal. Kainis!
Nagtrabaho nalang ako at inaskaso ang mga costumer.

"Eto na po madam. Thank you. Balik po kayo ulit ha?" Sabay ngiti.

"Oo naman. Hehe. Bibili pa ako ng gamit ni baby pag labas niya." Sabi ng ginang.

"Mommy? Until when? Let her out. I want to marry her mommy!" Sabi ng batang lalaki sabay hawak sa tiyan ng mommy nya.

"It's your sister baby. Bawal kayong magpakasal." Sabi ng ginang sa batang lalaki.

Kinilabutan ako sa sinabi ng batang lalaki. Paano nya kaya naisip yun? Anyway, tumingin ako sa relo ko at nakita kong 11:45 na! Omg. Late na ko!

Paalis na ko sa baby section at nakasalubong ko si Joseff.

"Seff!" Sigaw ko.
"Im sorry na late ako. Hindi ko namalayan yung oras." Dugtong ko.

"It's okay. Im here to fetch you. Shall we?" Sabi nya sabay alok ng braso nya. Kumapit ako at nakangiting naglalakad. Pinagtitinginan kami ng tao. Siguro iniisip nila saleslady ako tapos hindi nagtatrabaho, o dahil sa gwapo ng kasama ko? He's a greekgod! And I'm his goddess!

Nagtungo kami sa Maxes. Umupo kami sa bakanteng upuan.
Lumapit samin yung waiter at ibinigay ang menu. Nang mavigay na yung order umalis na yung waiter. Nilagay nya ang kamay nya sa ilalim ng baba nya, habang nakatitig sakin. Nailang naman ako kaya hinawi ko ang buhok ko palikod sa tenga ko.

To My Dearest BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon