Crush
Kakagising ko palang. Linggo ngayon. "Harold ano ba!"
"Gumising ka na nga Ate! Nandito si Faith." Sigaw pabalik ng kapatid ko.
"Oo na!" Sabay takip ng unan sa tenga. Ngunit ilang sandali lang ay bumangon na ako. Naligo at nabihis ng maayos.
Pagbaba ko nakita ko si Faith na kausap si Mama.
"Oh Trina, kanina oa nandito si Faith. Ikaw talagang bata ka. Faith, may gagawin muna ako. Ikaw nang bahala kay Trina." Paalam ni mama.
"Yes tita." Sagot ni Faith.
Okay. Anong kayang meron at nakataas ang kilay ni Faith saakin.
"Bakit kayo palaging magkasama ni Sir Joseff?" Nakataas pa rin kilay nyang tanong."Kaibigan ko na siya." Simple kong sagot.
Umayos na siya. "Naku Trina. Okay lang naman di ka lang kasi nagkukwento. Ikaw yata yung bali-balitang crush ni Sir! Sikat ka na kaya." Exagge talaga to.
"Paano pala si Ken?" Tamo. Nakalimutan nya pa si Ken."Cool off kami ngayon."
"Huh? Bakit anong nangyari?" Curious nyang tanong.
"Basta Faith mahabang kwento saka ko na ikukwento sayo." Tumango lang siya. Nagkwentuhan lang kami hanggan sa magtanghali at dito na din kumain.
"Sarap talaga ng luto niyo tita." Puri ni Faith sa luto ni mama.
"Naku ikaw talaga. Hayaan mo at pagbalik mo dito eh magluluto ulit ako."
"Sige po ba." Sabay kain ulit. Si Faith talaga eh, inuto pa si mama. Napailing nalang ako.
"Trina? Mag problema ba?" Tanong ni mama.
"Wala po."
Tumawa silang dalawa.
Lunes at papasok na ulit ako. May bulaklak sa locker ko isang pulang rosas. Hinanap ko kaagad si Faith.
"Nasan si Faith?" Tanong ko sa mga co-workers ko.
Nagkibit balikat lang sila.
Nag reretouch ako nang dumating si Faith.
"Late ka ata ngayon? Itatanong ko sana sayo kung kanino galing yung mga bulaklak." Bungad ko."Bulaklak? Baka kay Ken. Diba nag away kayo? Siya lang naman nag bibigay ng bulaklak sayo. Im sure sinusuyo ka nun. Naks naman." Sabay kalabit sa tagiliran ko.
"Faith ano ba." Suway ko at tumawa lang siya.Siguro kay Ken. Hindi malabo. Namimiss ko na din siya. Hindi din siya nagpaparamdam. Siguro dinamdam yung paghingi ko ng cool off? Napailing nalang ako. Ken talaga. Tinabi ko yung rosas at nag trabaho na.
As usual sabay kami palagi ni Seff mag lunch. Hindi na nga ako naiilang sakanya ehh. Palagi na din nya akong hinahatid pauwi. Nawawala na ang pagkailang ko sakanya.
"Seff oh may babae!" Sabay tingin sa magandang babae. Tumawa ako. Ayaw nya kasing mag-girlfriend.
Ngumiti lang siya ng labas ngipin. Tumawa ulit ako "Oh bakit?"
Nakatingin lang ako sakanya at naghihintay ng sagot. "May gusto na akong iba." Sabay hila nya saakin palakad."Sino kaya yun? Hmm" sabi ko. Pinarinig ko talaga iyon sakanya.
"You dont wanna know Trina." Ngumuso nalang ako at ginulo nya ang buhok ko.
Ganun lang kami pag nag uusap. Close na kami at gusto ko yun.
Araw araw may nagpapadala saaking red rose na isang piraso. Siguro mga pang 17 na itong hawak ko. Napangiti ako. Ken.
Pupuntahan ko siya mamayang out ko sa condo nya. Magsosorry na ako. Tatanggapin ko na ulit siya.Hinanda ko ang sarili ko at ang mga sasabihin ko sakanya.
BINABASA MO ANG
To My Dearest Boyfriend
लघु कहानीMahal na mahal naman ni Ken at Trina ang isa't-isa. Ngunit sila ba ang magakakatuluyan sa bandang huli? O may darating pa para hadlangan sila? Tignan natin kung sila ba o mawawala ang pagtingin nila sa isa't-isa.