Getting to know him
"Trina." Tawag nya. Naalerto naman ako bigla.
"Seff." Kalmado pa rin ang itsura ko pero kinakabahan na ako deep inside.
"Wala." Tumawa siya. Ang gwapo pa rin. Parang devil na natutuwa kasi nakagawa ako ng kasalanan. Damn!
"Ah ganun ba." Walang emosyon kong sabi. Napansin nya siguro kaya nagsalita ulit siya.
"Trina so ilang months, taon na kayo ni Ken? Kakalipat ko lang kasi sa condo ko kaya hindi ko pa gaanong close si Ken. Is that the first time he did it?" Kuryoso nyang tanong.
"3 years. Ngayon lang nya yun nagawa. Nirererespeto niya ko at alam ko yun. Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit nya nagawa yun." Sagot ko.
Tumango tango siya. "Is he... Is he a good boyfriend to you?" Agran nyang tanong.
"Yes. He is. Mahal nya ko. At nararamdaman ko yun sakanya."
Nakatingin pa rin siya na parang hindi kumbinsido. Magsasalita sana siya ngunit dumating na ang waiter.
"Let's eat." Tinanguan ko siya.
Kumakain lang kami ng kumakain.
"Trina, if you have any problems you can call me if you want to share or comfort you. Im here for you. Always." Ngiti nya. Puro. Walang halong pangamba. Kaya napangiti na rin ako.
Naglakad lakad muna kami.
"So dalawa lang pala kayong magkapatid at wala ka ng tatay?" Yup. Yun na ang pinag uusapan namin. Personal questions.
"Oo. Iniwan kasi kami bata palang ako ni papa para sa isang babae." Tumawa ako.
"Ow. Im sorry, ako kasi. Ang tatay ko nangaliwa sa mommy ko at nadepress siya. Nawala tuloy si mommy. Kaya galit ako sa tatay ko." Hindi ko alam may ganyan pala siyang kwento.
"Sorry. Wala ka bang kapatid?" Tanong ko.
"Wala." Simple nyang sagot. Napatango nalang ako.
Bumalik na ako sa trabaho at ilang oras nalang ay out ko na. Nagprisinta siyang siya na ang maghahatid saakin pauwi.
Mabilis lumipas ang oras. At alas tres na. Hindi ko na din inaasahan si Ken na magsundo saakin. Hinayaan ko nalang.
Pababalikin ko pa din siya saakin soon. I-eenjoy ko nalang muna ang company ni Seff saakin. Mahal ko pa rin siya at mapapatawad pa. Kailangan ko lang ng kausap ngayon. Kung si Faith ay wala naman akong maasahang matinong sagot doon."Trina?" Tanong ni Joseff habang nadadrive.
"Can we go like, coffee?" Tanong nya. Napapadalas na ang yaya nito saakin ahh.
"Sure." Inayos ko muna ang mga gamit ko. Gulo kasi. Nakita ko ang picture ni papa doon. Mahal ko pa rin siya kahit na nagawa nya yun saamin ni mama. Kahit magbalik baliktad ang mundo. Papa ko pa rin siya.
Tumingin si Seff saakin. At sa hawak ko. Tinago ko agad iyon. Ngumiti siya at ibinalik ang tingin sa kalsada.
BINABASA MO ANG
To My Dearest Boyfriend
Short StoryMahal na mahal naman ni Ken at Trina ang isa't-isa. Ngunit sila ba ang magakakatuluyan sa bandang huli? O may darating pa para hadlangan sila? Tignan natin kung sila ba o mawawala ang pagtingin nila sa isa't-isa.