Who is She?Hindi ko sinabi kay Ken ang tungkol sa bago naming supervisor. Ganun parin. Busy si Ken, pero sinusundo nya pa rin ako pag out na namin. Di ko nga alam kung anong schedule nya pero hinayaan ko nalang. He's my boyfriend. He owns me. At dapat nya kong pangalagaan.
Day off ko. Pumunta si Faith sa bahay.
"Trina?" Sabay kain ng chips.
"Sa tingin mo may nililigawan si Sir Joseff? Hindi ako pinapansin ehh." Dugtong nya."Minsan ko lang yun makita eh. Nagpapansin ka? Mygod Faith. Babae ka, hindi dapat sayo yung first move." Sagot ko. Nababaliw na yata siya.
Ngumuso siya. "OA mo naman, nagtanong lang. Pag may nililigawan yun, ewan ko nalang."
"Hay nako Faith. Umayos ka nga jan. Lokaret ka talaga" Tawa ko. Para kasing bata eh.
Nanunuod kami ng movie Everyday I Love You. Kain ng kain si Faith ng nag-ring cellphone ko.
"Ken?"
Sinagot ko.
"Hello?"
"Mahal. Miss na kita can we go out?" Tanong nya na may tonong pangungulila.
"Now? I mean. Right now?" I ask.
"Yup, nandito na ako sa labas ng bahay nyo."
Tumingin ako sa labas. Nandun siya may hawak na bouquet. Kumaway siya.
I ended the call. Lumabas ako at pinagbuksan siya ng gate. Hinalikan niya ko. Damn I missed him."Pasok ka muna sa loob, nandun si Faith. Magbibihis lang ako."
Pagpasok namin dumiretso na ako sa taas para maligo at magbihis, narinig ko pa si Faith na nagsalita.
"Oh Ken? Tara kain."
Nasalubong ko si Harold. Kakalabas ng kwarto nya.
"Ate? Sinong nasa baba?" Tanong nya. Nag aaral siguro.
"Si Faith at Ken, wag mo nalang intindihin. Aalis din kami." Sagot ko.
"Kayong tatlo?"
"Kami lang ni Ken, ihahatid namin si Faith pauwi pag alis dito. Teka mag aral ka kaya muna." Chismoso din pala to.
"Ate ingat ka ha? Pag umuwi ka lang talaga na umiiyak dito..." Banta nya. At bakit ako iiyak?
"Nako Harold. Hayaan mo na ko. Okay lang ako, hindi ako iiyak. Dyan ka na muna at mag bibihis pa ko. Okay?" At tuluyang na akong nagtungo sa kwarto ko.
Naligo ako ng mabilisan at nagbihis. Isang sleeveles na maroon dress at stilleto ang suot ko. Alam kong dinner lang ito.
Lumabas ako at kumatok sa kwarto ni Harold.
"Harold? Pakisabi kay mama, baka magdinner na kami ni Ken sa labas. Wag nyo nakong hintayin." Paalam ko.
"K."
Pagbaba ko nagtatawanan ang dalawa.
"Tara na." Napatingin sila sakin.
"Ang ganda mo Trina." Bati ni Ken na nakanganga pa. Parang di na siya nasanay ah.a
"Ano ka ba, tara na. Hahatid ka pa namin Faith." Yaya ko ulit.
Pag alis namin sumakay na kami sa kotse ni Ken. Nasa front seat ako, nasa likod si Faith. Pag kahatid namin kay Faith. Tahimik parin sa kotse. Ng biglang tumunog ang cellphone ni Ken na nasa dashboard.
Hindi nya sinagot. Nag ring ulit."Sagutin mo kaya?" Suggest ko, well.
"Ikaw sumagot."
Kinuha ko tapos nakita ko yung caller.
"Marielle? Who is she?" Curious tuloy ako.
Napreno nya yung sasakyan buti nakaseatbelt ako.
BINABASA MO ANG
To My Dearest Boyfriend
Short StoryMahal na mahal naman ni Ken at Trina ang isa't-isa. Ngunit sila ba ang magakakatuluyan sa bandang huli? O may darating pa para hadlangan sila? Tignan natin kung sila ba o mawawala ang pagtingin nila sa isa't-isa.