I like you
Maga ang mata ko pag kagising ko. Mukha na akong zombie. Di ko pa rin matanggap na binaliwala ni Ken yung tatlong taon na naming samahan. Pero wala na kong magagawa, madali lang akong makamove-on lalo na't malaki ang kasalanan niya. Fvck! Ginago lang naman ako. Damn it!
Dinaan ko nalang sa make up. Kinapalan ko ang concealer at press powder para magpantay ang kulay. Kinapalan ko din yung eyeliner ko. Pati maskara. At maroon lipsick ang nilagay ko.
Pagbaba ko. May kausap si Mama. Isang lalaki. As usual si Harold nasa kwarto pa niya.
"Trina anak.." What? Anak?
"Ako ito anak. Natatandaan mo ako? Ako ang tatay mo..." Di ko ako makapagsalita agad.
"Ma.." Si mama ang pinansin ko. Ano ito?
"Anak. Humingi na ng tawad ang tatay mo. Sana mapatawad mo siya." Sabi ni mama.
Hindi naman ako galit kasi wala naman siyang ginawa saking masama bata pa naman ako nun at bumalik siya. Hahayaan ko siyang pumasok ulit sa buhay namin.
"Papa." Tawag ko. At tumakbo siya sakin para yakapin ako.
Niyakap ko siya pabalik."Ma, ate ano bang-" si Harold na baba palang sana. Nakita nya ang papa.
"Harold? Ikaw na ba yan anak.." Sabi ni papa.
Tumakbo lang si Harold pabalik sa kwrto nya.
"Hayaan na muna natin siya." Sabi ni mama.
"Pa. Papasok muna ako sa trabaho. Ikaw muna ang bahala kay mama at Harold. I'm glad youre here." Paalam ko at lumabas na ako.
Pagpasok ko sa trabaho. May rosas na naman sa locker ko. Imposibleng kay Ken galing yun. Tinuldukan na nya ang relasyon naming dalawa. Napagtanto kong totoo talaga ang balita ni Faith saakin kahapon.
"Faith.." Ang dami kong gustong sabihin.
Tumitig siya saakin na nagtataka.
"May problema ka. Alam ko yun. Ano bang nangyari? Bakit hindi ka na nagkukwento saakin?" Sabi nya.
"I'm sorry Faith. Nahuli ko si Ken na may babae sa condo nya. Dumating din si Papa sa bahay kanina. At yung bulaklak na galing kay Sir. Masyado nang pre-occupied yung isip ko. I can't think straight. I-i-" Pumiyok ang boses ko. Niyakap ako ni Faith pero walang sinasabi.
Ramdam ko ang pakikinig nya at pag iintindi nya. Kahit di ko man nasabi hindi siya nagtampo.
"I'ts okay Trina. I'm here. Shh." Di pa naman ako umiiyak pero napahagulgol ako sa sinabi nya. Nakaka depress.
Saglit lang iyon. Buti waterproof ang make up ko.
"Ikaw talaga ang panget mo umiyak. Umayos ka na nga jan." Tumawa si Faith. Sinira pa yun moment. Sinamaan ko siya ng tingin. Ni-pat nya lang ang ulo ko.
Nag ayos na ako ng sarili at sabay na kaming nagpunta sa kanya kanyang assign places.
Lunch na. Sinalubong naman ako ni Seff. Ngumiti ako. Oo nga pala kailangan ko siyang makausap kaya sumama ako.
Pumunta ulit kami sa Maxes."Trina? Mukang iba ang aura mo ngayon. Is there anything wrong?" Tanong niya.
"Nothing I'ts j-just.. Break na kami at dumating si Papa sa bahay kanina. Bumalik siya saamin at.." Huminga ako ng malalim.
"Yung mga bulaklak? Bakit? Anong ibig sabihin nun?" Tuloy ko.
Napatigil siya sa pagkain. Tumingin siya sa akin at parang nahihiya.
"Trina.." Parang kinakabahan siya.
"Kanino mo nalaman iyon?" Tanong niya.
"Hindi na mahalaga iyon. Gusto kong malaman. Bakit?"
"Trina kasi.." Natawa siya saglit. Siguro para mawala yung kaba niya. Ngunit nananatili akong seryoso.
"I like you." Seryoso nya ding sabi. Ewan ko kung maniniwala ako. Pero kita ko sa mata nya na hindi siya nagsisinungaling.
BINABASA MO ANG
To My Dearest Boyfriend
Short StoryMahal na mahal naman ni Ken at Trina ang isa't-isa. Ngunit sila ba ang magakakatuluyan sa bandang huli? O may darating pa para hadlangan sila? Tignan natin kung sila ba o mawawala ang pagtingin nila sa isa't-isa.