Chapter 6

689 15 0
                                    

Alex' POV

"Pwes, hindi halaman ang hinihigaan natin. KAMA ang tawag dito, KAMA." Poker face na sabi ko sakanya. Pagkatapos ay humarap nalang ako sa pader at pumikit nalang ako para piliting maibalik ang antok na naiwala dahil sa sinabi saakin ni Women.

Saan ba talaga siya galing? Bakit gano'n ang naalala niya? Nag jojoke ba siya?

"Kama pala.." Rinig ko pang sabi niya, bago ko piliting matulog.

Kinabukasan....

"Alex, gising na. May pupuntahan pa tayo, hindi ba?"

"Alex, kanina pa kita ginigising, pero ba't ayaw mong magising?"

"Alex, 'di ba may pupuntahan tayo?"

"Alex, anong oras na, hindi pa ba tayo pupunta, 11 am na."

"Alex, tutuloy ba tayo?"

"Alex, hindi ka ba tutupad sa pangako mo?"

"Alex, bakit ang hirap mo 'atang gisingin ngayon? Nauna ka pa namang natulog saakin."

"Alex, may ginawa ka ba kagabi? Bakit ka puyat ngayon?"

"Alex, hindi ba talaga tayo tuloy? Bat ayaw mong gumisin--*gasp"

"Alex, Patay ka na ba? Kaya ayaw mong gumising."

"Hala? Alex! Patay ka n--"

"Oo na! Tatayo na ako kanina pa ako gising pero talagang inaantok lang ako. May balak akong tumupad ng pangako, kaya 'wag kang mag alala pupunta tayo kahit saan, kahit saan mo gusto. Pupuntahan natin hanggang sa maalala mo lahat ng nakalimutan mo sa buhay mo para makab-- BAKIT GANYAN ANG SUOT MO?!" Tuloy tuloy kong sinabi, pero agad akong napatigil nang makita ko ang suot niya ngayon.

Okay naman ang damit na suot niya, pero sobrang weirdo, lalo't pa na iyon ang suot niya nung unang nag kita kaming dalawa. At kung iyan ang susuotion, aba'y huwag nalang pumunta sa kung saan, dahil nakakahiya masyado.

"Bakit? Namimiss ko lang naman itong damit ko ah. At saka kapag lumalabas kami sa kaharian namin para mamasyal laging gan'to ang suot namin." Sabi niya saakin, kung saan napa face palm nalang akong tumingin sakanya. Inosente naman siyang nag taas ng kilay saakin. "Bakit, Alex may problema ba sa suot ko?" Tanong niya saakin, kung saan mas lalo akong napaface-palm.

Aba't talagang tinanong pa saakin iyon? Kung obvious naman na? Napairap tuloy ako. "At talagang tinanong mo pa saakin kung anong problema ah? Obvious na obvious na nga 'yong tanong mo. Sobrang weird ng damit mong suot ngayon." Komento ko ulit sa suot niya, ta's napaisip naman ako sa huling sinabi niya. "At saka bawas bawas mo nga 'yong pinag sasabi mong kaharian. Nakakaloka na. Pumunta ka kay Mama tapos manghiram ka ulit ng damit." Sabi ko sakanya, pagkatapos ay bumangon na ako at deretso agad sa cabinet ko.

"Kaya nga ito ang isinuot kong damit kasi wala ng sobra si Mama Sarah. At saka nga ito ang isini--"

"---Oo, sinusuot niyo kapag namamasyal kayo sa kaharian niyo. So, dito sa Pilipinas ay iba. Kasi dito kapag 'yan ang suot mo mapag kakamalan kapang naligaw sa parada, mapapagkamalang kapang labas mental." Sabi ko sakanya habang nag hahanap ng damit ko. "Kaya kapag 'yan ang isinuot mo, 'wag nalang tayong pumunta." Sabi ko sakanya habang nag lalakad na ako papuntang banyo.

"Kung gano'n, paano ako mag papalit ng damit kung wala na akong damit?" Tanong niya saakin.

Iritado tuloy ako, dahil parang kailangan ko pang problemahin ang problema niya. Napatingin naman ako sa box na panigurado'y magiging solusyon sa problema niya.

"Wait lang, may damit ako ditong pang extra." Sabi ko sakanya, pagkatapos ay tumingin sakanya. Nakita kong nakangiti saakin, hindi talaga siya nangangawit, kakangiti e? "Labas ka na muna." Sabi ko sakanya, nagtataka siya pero itinulak ko nalang siya palabas.

My Innocent Girl: Season 1 & Season 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon