Chapter 50

265 6 1
                                    

Alex's POV

"Sa nangyaring yun, nakipag landian rin ako sa ibang babae. Pero ano lang ang nagiging resulta? Naalala ko lang ang girlfriend ko at si Kuya. Ang dami kong tanong sa isip ko at naipon lahat yun sa isip ko. At dahil dun, na depress ako. Sa sobrang depress, at dahil dun nabaliw ako at isa mga dahilan kung bakit ako nabaliw ay ikaw." Pag kasabi ko nun, pumatak nanaman ang luha ko. Kita ko sa mata ni Papa ang pag kagulat niya nung sinabi kong nabaliw ako.

"Yun ang nangyari 2 years ago, nabaliw ako. Kung saan pinagtangka ko nang patayin ang sarili ko ng makailang beses na." Sabi ko sakanya habang nakatingin sakanya. Rinig ko ang pag hagulgol ni Mama, dahil narin siguro sa naalala niya kung paano ako pigilan mag pakamatay noon.

"Sinisisi kita sa lahat na nangyari saakin. Kasi kung hindi mo kami iniwan hindi kami mag kakaganto ganto at hindi ako mababaliw. Hindi sana ako mababaliw kung andiyan ka at dinadamayan mo ako. Hindi mo alam kung gaano kita kailangan noon, kasi wala ka dito. Lagi nalang si Mama, hindi mo ba naisip na kailangan ko rin ng Ama na mag cocomfort saakin? Na kailangan ko ng Ama na mag pipigil saakin?" Emotional na sabi ko sakanya.

"Sinisisi kita, dahil ikaw ang punot dulo ng lahat ng to. Dahil sa mga ginagawang mali mo noon, ako ang naging kabayaran ang lahat ng yon. Ako ang sumapo ng kaparusahan mo, na dapat ikaw ang sumalo. Dahil sa pang babae mo, ako ang nakaramdaman ng 'sakit' na sakit na binigay mo sakanila." Sabi ko sakanya, pinunasan ko yung luha ko.

"Ano pa ang gusto mong malaman? Gusto mo din bang malaman kung paano kaming mag hintay sayo noon at kung paano ako mag maka-awa sa isang matanda na wag isara ang pinto ng simbahan dahil sa ikakasal kayo ni Mama? at kung gaano ako nag hintay sayo ng ilang taon at umaasa na bumalik ka saamin. Nababalik ang dating pamilya na dinatnan ko noon?" Sabi ko sakanya, pinunasan ko ang pisngi ko para mawala yung mga luhang nag si walaan sa mata ko.

"Ngayong alam mo na, aakyat na ako. Masakit pa ang ulo ko, hanggang ngayon." Sabi ko sakanya, at umalis na doon. Agad akong umakyat sa kwarto ko at sinara ko ang pinto.

"Alex?" Narinig kong sabi ni Women habang kumatok ng isa.

"Alam mo na din, alam mo na din ang nakaraan ko." Sabi ko sakanya habang nakasandal ako sa pinto. "Mag iiba narin ang tingin mo saakin ngayong alam mo ng nabaliw ako." Sabi ko sakanya.

"Hindi, hindi Alex. Kung ano ang tingin ko sayo ngayon ganun parin hanggang ngayon." Sabi niya saakin. Hindi ako nag salita, mas pinili ko nalang na tumititig sa isang bagay.

"Alex? Anong ginagawa mo ngayon? Pwede mo bang buksan yung pinto?" Tanong niya saakin ng mga nakaraang minuto.

"Sino kasama mo diyan? Nandiyan ba si Mama?" Tanong ko.

"W-wala." Sabi niya, ngumisi ako.

"Wag kang mag sinungaling. Sabihin mo kay Mama, hindi ako gagawa ng ikapapahamak ko. Hindi ko na papatayin ang sarili ko katulad ng ginagawa ko noon. Magaling na ako. Kung iniisip niya ngayon na gagawin ko yun, ay gagawin ko talaga yun." Sabi ko sakanya,

"Alex naman eh." Narinig kong sabi niya.

"De joke lang." Sabi ko sakanya. "Pero Women, pwede bang.. iwanan mo muna ako mag isa?" Tanong ko sakanya tsaka ako pumikit at pinatong ang ulo ko sa tuhod ko. "Pwede bang iwanan mo ako, kahit ngayon lang." Dagdag na sabi ko pa sakanya.

"Sige, basta kapag kailangan mo ako. Tawagin mo lang ako." Sabi niya at narinig ko ang yapak niya na paalis na siguro.

3rd' Person POV

"Ngayon, ngayon ka mag sasanay na makipag digma." Sabi ng Hari sa Prinsipe Agilos, agad namang nangatog ang tuhod ng Prinsipe at yun ang naging dahilan ang ng pag hagikgik ng Hari at Reyna.

My Innocent Girl: Season 1 & Season 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon