Chapter 4

889 25 0
                                    

Alex's POV

"Teka lang, teka lang, teka lang, teka lang mayroon akong nakita, Xander ko Xander ko Xander ko, oh? Kay sweet na mag Syota --" sabi pa ni Ryle pero sinamaan ko na talaga siya ng tingin para tumigil, ang kulit niya talaga, kay tanda tanda ng itsura pero ang isip o kaya ang utak ay hindi makaintindi ng maayos. Sabihin na, na sobrang hard ako kay Ryle pero gano'n talaga.

Nawala ang sama ng tingin ko kay Ryle, nang bigla akong kinalabit ng weirdong babae. Kita ko ang pagkunot ng noo niya, at tinuro ang dalawang lalaki na bagong mukha para sakanya."Alex, sino ang dalawang 'yan?" Tanong saakin ni Weirdong babae.

"Mga kaibigan ko." Sagot ko naman sa tanong niya. Pagkatapos ay tumingin ako sa dalawa, at tumango sakanila hudyat na mag pakilala silang dalawa.

Agad namang inabot ni Ryle ang kamay niya sa weirdong babae, at tinanggap naman iyon."Ako nga pala si Ryle Mendez, ang pinakapoging baby face sa buong mundo. Asawa ako nina Klare Montefalco, Carmela Isabela, at marami pang iba. Pero hayaan mo, hindi naman kita papatulan para dagdagan ang aking asawa dahil alam ko kay Alex ka na." Pagpapakilala ni Ryle na may halong kalokohan, kaya naman bahagya ko siyang sinapak sa braso niya dahil sa huling narinig.

"Ako naman si Xander Alonzo." Maikling pag papakilala ni Xander kay Weirdong babae.

"Ikaw, Ryle." Sabi ni Weirdong babae habang nakatingin sa kay Ryle. "At ikaw naman si Xander." Sabi niya at bumaling ang tingin niya sa kay Xander. "Ako naman si Women." Pagpapakilala naman niya sa sarili niya sa dalawang nalaglag ang panga.

Nang napagtanto kung ano ang narinig na pangalan, ay bigla silang natawang dalawa.
Kita ko ang pagkunot ng noo ni Weirdong babae. "Bakit kayo natatawa?" Takang takang tanong niya. Halos mapairap naman ako doon, at gustong sigawan niya na.. 'hindi ba obvious na nang dahil sa pangalan mong weirdo?!'

"Women? Nag bibiro ka ba?" Natatawang tanong ni Ryle, kung saan nakita ko na sumama ang timpla ng mukha ni Weirdong Babae. Holo.

"Hiling ko na sana'y mapaso kayo! Ang pangalan ng isang tayo ay dapat nirerespeto at hinid binabastos!" Sumbat niya kila Ryle at Xander, pagkatapos ay umalis ito sa harap naming tatlo at muk'ang bumaba na ito.

Natahimik tuloy kaming tatlo. Dahil hindi ko inaasahan na maiinis pala siya gano'n, ilang beses kong pinag tatawanan ang pangalan niya at mabuti nalang laging sa isip ko lang iyon ginagawa. Dahil kung hindi, maiinis siya saakin.

"Naramdaman n'yo 'yon?" Tanong saamin ni Xander, habang hawak niya yung kamay niyang namumula? Saan niya galing yun? Napakunot tuloy ang noo ko sa pagtataka.

"Oo, naramdaman ko, parang nag init na ewan e? Mukha nga akong napaso eh." Sabi naman ni Ryle while holding his hand din.

Samantalang ako, kunot noo lang sakanila. Anong nangyari sakanila? Tiningnan ko ang kamay nilang dalawa. Pero teka? Bakit namumula? "Ikaw ba, Alex hindi ba parang napaso 'yang kamay mo?" Tanong niya saakin. Umiling ako dahil wala naman talaga akong naramdaman.

"Hindi kaya...... MAY MULTO SA BAHAY MO!?" Pasigaw na tanong nila saakin, kaya naman agad agad ko silang pinag babatukan. At tinaasan sila ng kilay.

"Bakit sino bang namatay saamin dito ha?" Tanong ko sakanila.

"'to naman! Kung makabatok walang bukas! Masakit ah!' Pag iinda ni Ryle sa pagbatok ko sakanya. Pero maya't maya ay may biglang nanlaki ang mata niya sa hindi ko malamang dahilan. "Kwento mo kung paano kayo nagkakilala nung babae mo!" Sigaw niya saakin kung saan napairap ko.
-----------------

"So ayon nga, iniwas ko do'n sa track pero hindi ko alam na nando'n 'yung babae. Then, naramdaman ko nalang na natumba 'yung motor dahilan para matama 'yung ulo ko sa pader at doon na ako nawalan ng malay." Pagkukwento ko sakanila sa una.

My Innocent Girl: Season 1 & Season 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon