Chapter 51

271 9 1
                                    

3rd' Person POV

"Siya ang itinakda, Prinsesa Adhara. Si Prinsipe Agilos." Nakangiting sabi ng Reyna. Gulat namang napatingin si Prinsesa Adhara kay Prinsipe Agilos.

"Oo nga, nararamdaman ko." Medyo bigong sabi ni Prinsesa Adhara. "Kung ganon, Ama't Ina hindi si Alex ang itinakda." Dagdag na tanong nito.

"Bakit? Nag hinala ka ba sakanya Prinsesa?" Tanong ng Hari sa kanyang Anak. Tumango naman ang Prinsesa.

"Opo, dahil nakikita ko po yung mata niya tuwing iniisip ko po kung ano ang itsura ng itinakda." Sabi ng Prinsesa, pero agad namang ngumiti ito. "Pero masaya ako, kasi nakita niyo na ang itinakda. Magandang gabi Prinsipe Agilos, ikinagagalak kitang makilala ng buong puso." Masayang bati ng Prinsesa sa Prinsipe Agilos.

"O-oh ah. Magandang gabi din Prinsesa Admira? Ikinagagalak din kitang makilala." Sabi naman ng Prinsipe Agilos na bahagya pang yumuko para mag bigay galang sa Prinsesa.

"Adhara, hindi Admira." Nakangiting sabi ng Prinsesa. Kaya naman habang nakayuko ang Prinsipe, napakagat nalang ng labi dahil sa sobrang hiya.

"Pasensya na, Adhara pala at hindi Admira." Nakangiwing sabi ng Prinsipe

"Okay lang yun, lahat naman tayo nag kakamali." Nakangiting sabi ulit ng Prinsesa tsaka siya tumingin sa mga magulang niya. "Matutulog na ako Ama't Ina. Inaantok na ako." Maikling pag paalam niya tsaka siya bumaling ulit sa Prinsipe.

"Ngayong ikaw ang isang itinakda ng kabutihan, gusto ko habang wala ako diyan. Ikaw ang tumingin saaking Ama't Ina at sa aking Tiya na iyong ina." Sabi ng Prinsesa

"Huh? Bakit? Paanong mong nalaman na ang iyong Tiya ang aking Ina? Hindi ba't kakausap palang natin?" Naguguluhang tanong ng Prinsipe na agad namang ikinatawa ng Prinsesa na umiiling iling pa.

"Dahil ramdam ko." Maikling sagot nito.

Alex's POV

Nagising ako ng naramdaman kong wala akong katabi, napatingin ako sa tabi ko. Wala nga akong katabi, kaya naman napaupo ako. Asan ang babaeng yun? Hindi ba dapat, tulog na siya?

Tapos naalala ko, hindi ko nga pala siya pinag buksan ng pinto. Tiningnan ko yung orasan nakita kong 2:32 am na, kaya naman tumayo ako at lumabas ng kwarto. Hinanap ko siya at tiningnan ko pa sa isang kwarto pero wala siya doon.

Agad akong bumaba pero habang pababa ako nakita ko naman siyang paakyat habang nag kukusot ng mata.

"Bakit hindi ka pa natutulog?" Tanong ko sakanya, kaya naman gulat niyang napatingin saakin.

"Hindi pa ako inaantok eh pero inaantok na ako ngayon." Sabi niya saakin, tiningnan ko siya parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi.

"Ano yun?" Tanong ko sakanya, kaya naman napaangat ang tingin niya saakin

"Ah, ahm. Ano... ano... Okay ka na ba? Ayos ka na ba?" Tanong niya saakin, ngumiti ako sakanya at tumango ako.

"Kung iniisip mo yung kaninang nangyari. Don't worry I'm okay. Okay na okay na ako ngayon." Sabi ko sakanya

"Totoo ba yang sinasabi mo?" Naniniguradong sabi niya saakin.

"Oo nga." Sabi ko sakanya, kaya naman tumango siya ng tumango. Bigla nalang akong nagulat ng bigla niyang hawakan yung leeg ko at noo ko.

"Oo nga, okay ka na. Wala ka nang lagnat eh." Nakangiti niyang sabi saakin.

"Kita mo, sabi ko sayo eh. Okay na ako." Sabi ko sakanya, tsaka ko siya inakbayan. "Tara, tulog na tayo." Sabi ko sakanya at sabay kaming tumaas. Pag ka taas namin tsaka ko siya binitawan at pumasok na ng kwarto at agad na nahiga.

My Innocent Girl: Season 1 & Season 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon