Chapter 35

244 8 0
                                    

Alex's POV

"Kung pinag sasabihan mo kasi yang anak mo. Hindi niya gagantuhin ang alaga ko. Eto ang tatandaan niyo! Wala kayong karapatan saktan ang alaga ko! Wala kayong Ka-ra-pa-tan." Matigas na sabi ni Mama sa mga Nanay ng nambully kay Women, kanina pa kami nandito. Kanina pa sila sigaw ng sigaw ni hindi nga manlang kumalma. Pinipigilan sila ng Principal pero ultimong Principal ay hindi mapigil

"Kung makapag sabi ka saamin, parang ang alaga mo lang ang aping api ah. Tingnan mo nga tong anak kong toh! Tingnan mo ang mukha mukhang sabog! Dahil sa sapak ng Anak mo!" Galit na sigaw ng Nanay nung lalaking sinuntok ko.

"Kung HINDI niya naman kasi sinuntok ang alaga ko, hindi niya mararanasan yan." Seryosong sabi naman ni Mama, natigilan tuloy ang babaeng kausap ni Mama. Gulat namang humarap yung babae dun sa anak niya.

"Ginawa mo yun?" Nag pipigil na galit na tanong ng Nanay niya sa lalaking sinuntok ko.

"Mom---"

"Ginawa niya yun Tita dahil saakin, dahil ako talaga ang kaaway ng babaeng yan." Sabi nung babaeng nang bully kay Women.

"Pero ginawa mo yun?" Still paring tanong nung Nanay nung lalaki, tumango nalang yung lalaki. Agad namang napahilamos ng mukha yung Nanay niya. "Jusko ka, Jethro! Kahit saang dahilan mali ang ginawa mo. Kahit ipagtanggol mo man ang girlfriend kahit saang anggulo. Mali ang ginawa mo!" Sigaw ng Nanay niya. Lumingon naman yung Nanay niya saamin.

"I'm sorry, dapat hindi muna ako nag salita bago ko malaman ang laha--"

"Hindi ko kailangan ng sorry. Ang kailangan ko ay pangako, pangako na walang sino man ang mananakit sa alaga ko. Yun lang gusto ko, payag ba kayo?" Sabi ni Mama sa mga Nanay nung nang bully kay Women

"Pangako." Sabi nung Nanay nung Lalaking sinuntok. Napangiti tuloy ako.

"Mabuti pa talaga ay yung tumahimik ako? Kanina kasing nag sisigawan kayo at pinag babawalan ko kayo, nag aaway na talaga kayo. Pero ngayong tumahimik ako sa isang iglap, nagkaintindihan ang dalawa." Sabi nung Principal.

"Ayoko lang sanang maulit ito, kaya kung pwede pag sabihan niyo ang anak niyo. Mrs. Caballero. Once na na-suspension ang anak niyo, alam niyo naman na kung ano sunod ng suspension hindi ba? At Ms. Caballero babae ka, at hindi ka lalaki para mang buyo ng kaklase mo. Mrs. Leaf, maraming salamat at naitindihan mo ang gusto ni Mrs. Ramos at Mr. Leaf, hindi ko nagustuhan na suntukin mo si Ms. Ramos. At Mr. Ramos, hindi ko rin nagustuhan ang pag suntok mo kay Mr. Leaf, hindi naman tama na ganyanin mo siya sa harap ng schoolmate niyo, tandaan niyo hindi lang kayo ang nasa campus na ito, mayroon paring mas bata sa inyo at yun ang 1st Year College." Sabi nung Principal. "Maari na kayong umuwi Mrs. Ramos, Mrs. Leaf, at Mrs. Cabellero." Sabi ng Principal, kaya naman nag si alisan na sila Mama.

"Ingat ka, Ma." Sabi ko sakanya at hinalikan niya sa Pisngi.

"Ingatan mo yan Alex, kapag talaga may uwi yang pasa. Ibibigay ko sayo kung ano yung natamo niyan. Sige Ingat rin ka Anak, Women ingat ka rin." Sabi ni Mama, kaya naman naiwan kaming apat.

"Mr. Ramos, Mr. Leaf, Ms. Ramos, Ms. Cabellero at pati narin ang kaibigan mo at mamaya ay ipapatawag ko kayo at kakausapin kung saan nag umpisa ang lahat ng toh. Sige umalis na kayo, at exam niyo pa. Goodluck!" Sabi ng Principal habang nakangiti saamin, kaya naman bilis bilis kami ni Women na umalis dun.

"Akala ko papagalitan na ng Principal si Mama Sarah." Sabi ni Women saakin, habang nag lalakad papunta dun sa bulletin board para makita namin kung saan kami mga naka aasign na room. Exam kasi ngayon kaya paniguradong ni-random ang second year college ngayon, kaya may pag asang makasama ko si Women sa isang room.

My Innocent Girl: Season 1 & Season 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon