Chapter 86 [S2]

215 11 0
                                    

Adhara/Women's POV

"Uyyy, si Pareng Alex. Naiingit saamin ni Women, palibhasa hindi mahal ng taong mahal niya! Tas yung may mahal sakanya, pinabayaan. Edi ayun! Sumuko! Hashtag #parengalexissokawawa!" Natatawang sabi ni Agilos.

Baliw na, Agilos. Kaya naman tiningnan ko nalang si Alex, hindi ko alam pero mukang dumaan ang sakit sa mga mata niya at parang biglang lumungkot na ewan kaya siya umiwas ng tingin.

Nagkibit balikat nalang ako at tiningnan na sila Kuya Asher, Kuya Manong Driver, at si Agilos kung hindi na ba nakatingin saakin. Kaya naman nung hindi na sila nakatingin ay sumakay na ako sa kolong-kolong at tsaka doon na pinaandar ang motor at umalis na dun.

"Mahulog ka, Agilos. Wag kang mag ano ano diyan." Pag babawal ko kay Agilos. Pano ba naman kasi, habang tumatakbo yung motor, nilalabas niya yung paa niya sa harap. 

"Ang sarap ng hangin e." Sabi niya lang saakin kaya naman napairap nalang ako.

"Parang ikaw lang nung una ka naming nakasama." Natatawang sabi ni Mama Sarah. Kaya naman napalingon ako sakanya, kasi nasa likod ko siya at parang magkatabi kami. (Gets ba?) Hinawakan ko naman ang buhok kong napupunta sa mukha ni Mama Sarah dahil sa lakas ng hampas ng hangin habang tumatakbo yung motor.

"Si Agilos po ba?" Tanong ko.

"Oo. Parang inosente." Natatawang sabi ni Mama Sarah kaya naman ngumiti lang ako. Pero maya maya ay nawala na ang tawa niya at napalitan na ng isang ngiting malungkot. Bigla tuloy kumunot ang noo ko dahil sa ipinakita niya saaking ngiti.

"Bakit po?" Nag tatakang tanong ko.

Umiling lang siya saakin. "Katulad sa sinabi ni Agilos. Gusto kong marinig mismo mo sayo na, suko ka na ba kay Alex? Suko ka na sa anak ko, Women?" Malungkot na tanong saakin ni Mama Sarah. Tiningnan ko sila Kuya Asher at Agilos at muka namang hindi nila narinig yung tanong saakin ni Mama Sarah.

Kaya naman humarap ako kay Mama Sarah. "Masakit at nakakapagod na po e." Sabi ko. Pero ako mismo ay nasasaktan sa sinabi ko. Ewan ko.. di ko rin alam.

"Hindi ko alam na mahal mo pala si Alex. Hindi ko alam na gusto mo palang mahalin ka ulit ni Alex." Sabi saakin ni Mama Sarah pag katapos ay hinawakan niya yung kamay ko. "Dapat pinaalam mo saakin para hindi ka mahirapan. Dapat alam ko. Edi sana, hindi ka sumuko ngayon." Dagdag ni Mama Sarah.

"Okay lang naman, Mama Sarah e. Tsaka tapos naman na, di naman na ako lalaban ulit. May mahal na siyang iba kaya dapat maging masaya nalang ako... o kaya mag mahal nalang din ako ng iba para mas masaya. Pero mas masaya kung siya yun." Sabi ko nalang kay Mama Sarah.

"Paano kung hindi niya talaga mahal si Cassandra? Paano kung palabas lang nila yun para yun ang paniwalaan ng mga tao?" Tanong saakin ni Mama Sarah.

Nagbugtong hininga naman ako. "Ano naman po ang rason kung bakit kailangan ni Alex ipalabas sa mga tao na mahal niya si Cass? At ano naman po ang rason ni Cass para ipakitang hindi niya mahal si Alex? Kung may rason man po, hindi naman po sobrang mababaw si Alex para mag higanti saakin o ipinag seselos niya lang ako? Hindi po e. Wala po akong nakikitang rason, kasi totoo po lahat." Pag papaliwanag ko kay Mama Sarah.

"Paano kung misyon nila yun?" Tanong saakin ni Mama kung saan natigilan ako. Paano kung misyon? Anong klaseng misyon?

"Ano pong misyon? Hindi ko po maitindihan." Naguguluhan na sabi ko kay Mama Sarah.

"Ah.. basta! Wag ka na munang sumuko. Kahit galit sayo yun, mahal ka pa ni A--"

"Mama! Kakausapin ka daw ni Mommy!" Biglang sabi ni Alex kay Mama Sarah sabay abot nung cellphone kay Mama Sarah. "Mama.." Sabi ni Alex kay Mama Sarah at kunot na kunot yung kilay niya. Ngumisi lang si Mama Sarah kay Alex at kinuha na yung cellphone.

My Innocent Girl: Season 1 & Season 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon