PROLOGUE

1.5K 23 4
                                    

Alex's POV

"Mama, ano ulam natin ngayon?!" Sigaw ko kay Mama, pagkababa ko ng hagdan. Sinalubong naman ako ni Mama ng isang kunot na kilay. Kaya naman napa-face palm ako dahil mukang alam ko na ang dahilan kung bakit ganyan ang kilay niya ngayon.

Nagbugtong hininga siya at pumayweng pa sa bewang niya. "Ang babae mo talaga kumilos ano? Sagutin mo, anong oras kita ginising?" Sarkatikong saakin ni Mama, at pagkatapos niyang sabihin saakin no'n ay bigla siyang napaubo.

Kumunot ang noo ko, at tatanungin ko sana kung bakit siya inubo pero napagtanto ko na, hindi niya lang din ako sasagutin kung hindi ko sasagutin ang tanong niya. Wala naman akong nagawa kun'di sagutin nalang din siya. "6 sakto ng umaga." Sagot ko.

"Anong oras na ngayon?" Sarkastiko parin niyang sabi.

Ngumiti lang ako sakanya at.. "8:30 na." Sagot ko sakanya.

Inirapan niya ako. "Alex, hindi ko talaga alam kung saan ka nagmana nang kabagalan mo sa pagkilos. Ang bagal bagal bagal mo!" Sabi niya saakin habang inuubo siya. Mas lalo tuloy kumunot ang noo ko, may ubo ba siya? "Ta's ngayon, malalate ka nanaman sa school n'yo." Dagdag pa niya.

Umirap nalang ako kay Mama at nilagpasan siya. "I'm the boss, Ma. Kaya wala silang say kung malate man ako. Sa katunyan nga niyan, Mama ay hindi sila nag uumpisa kung wala ako o-- Aray naman! Mama! Magsabi ka naman kung mambabatok ka!" Sigaw ko kay Mama nang bigla niya akong binatukan nang wala manlang paalam at kasabay no'n ang pag-ubo niya ulit. Kaya naman, natitigan ko siya.

"May ubo lang, muk'ang magkakasakit." Ang sabi niya saakin ng makita niya sigurong nag aalala ako para sakanya. Tumango nalang ako sakanya biglang sagot para doon. "Kumain ka na." Dagdag pa niya,

"Ano nga ang ulam?" Tanong ko sakanya.

"Tingnan mo kaya, madami, alangan namang isa-isahin ko pa, ano?" Sarkastikong muling sabi saakin ni Mama. Kaya naman nilagpasan ko nalang siya ng tuluyan at pumunta sa may mga ulam.

Isa isa ko 'yun tiningnan lahat at dahil sa napakaarte kong lalaki, wala akong nagustuhan ni-isa. Actually, masarap naman lahat ng pagkain, talagang wala lang siguro akong gana ngayon. Kaya naman lumingon ako kay Mama ngayon na nakatingin saakin, ngumiti lang ako sakanya.

"Mama, pagaling ha? May ubo ka yata e." Sabi ko na unti unti mag papaalam na. Kita ko ang kunot ng noo niya saakin at muk'ang alam na ang gagawin ko. Kaya naman bago pa niya ako mahablot ay tumakbo na ako palabas ng bahay at agad na sumakay sa motor ko at agad na pinaandar 'yon kahit pa sumisigaw si Mama na kumain ako kahit konti at sigaw pa'y pasaway daw ako. Nag wave lang ako sakanya dahil medyo naguilty nanaman ako sa pagtakas ko sa pagkain ng umagahan.

Nang makarating ako sa school na papasukan ko. Nakita ko ang mga ugok kong kaibigan. Kaya naman lumamig na ang itsura ng muk'a ko.

"Bro, mas pogi naman ako sa'yo pero bakit ikaw lagi ang gusto nila?" Tanong nung isa kong kaibigan. Siya si Ryle ang pinaka childish saamin, pinakagago, at pinakagago. Oo pinakagago.

"Malakas ang appeal niya kaysa sa'yo, Bro." Sagot naman ni Xander kay Ryle. Siya naman si Xander, pinakamatalino saaming lahat at ang pinakamatino. Minsan napakadaldal nito at kadalasan ay tahimik. Pero-- ewan ko lang, pero pwede ko namang masabing.. tahimik talaga siya pero nagiging madaldal lang, kapag napagtripan o kapag may nagugustuhang topic na mapapag-usapan.

"Ni, hindi mo nanaman ako kinampihan, Xander. Mag sama na talaga kayong dalawa, mga walang kwentang kaibigan! Sige, bye na! Here I come Klare My Loves!" Si Ryle, basta mga ganitong salitaan, ang abnormal na si Ryle na 'yon.

"Sige. Bro, maiwan na kita." Sabi saakin ni Xander sabay hawak sa balikat ko at iniwan narin ako. Samantalang ako ay hinanap na ang classroom, nang makita 'yon, pumasok na ako at umupo sa may proper sit ko.

My Innocent Girl: Season 1 & Season 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon