Chapter 49

210 6 1
                                    

Alex's POV

"ANO BANG MERON BAKIT AYAW MONG MALAMAN KO?!" Napalingon ako sa likod ko, kung asan ang lalaking yun. Napaawang ang bibig ko at galit ko siyang tiningnan sa mata.

"Anong meron? Gusto mo ba talagang malaman yung nangyari saamin 2 years ago?"

Well.. let's see. Tumango siya at napa-ngisi naman ako. "Okay, then." Sabi ko sakanya at matapang ko siyang tiningnan.

"Kinuha ng anak mo, ang girlfriend ko! Inaahas ng kapatid ko, ang girlfriend ko! At inaagaw ng anak mo na kapatid ko ang GIRLFRIEND ko!" Nabasag ang boses ko ng sabihin ko yun, pinunasan ko yung luhang tumulo sa pisngi ko.

"Anong sabi mo?" Naguguluhang tanong niya. Napaawang ulit ang bibig ko dahil sa pag pipigil ko ng hikbi ko.

*Flashback *

Isang taon at isang buwan, bago maging kami ni Yen. Masaya naman, sobrang saya lalo na kung mahal ka ng taong mahal. Sobrang saya, yung parang bang

Siya na lagi ang iniisip mo

Siya na lang ang priority mo

At

Siya na yung mahal ko na minahal din ako.

Pero bakit parang biglang nag bago? Nag bago lahat, simula nung nakaraang buwan. Ang lamig, at pansin na pansin ko yun. Katulad nalang nito...

"Yen, date tayo. Hindi na tayo lumalabas." Nakangusong sabi ko sakanya, habang katabi ko siyang gumagawa ng assignment.

"As you can see, gumagawa ako ng assignment Alex." Sabi niya saakin at sinamaan ako ng tingin, mas lalo tuloy akong napanguso.

"Kahit naman wala kang assignment di tayo lumalabas." Sabi ko sakanya, sinamaan niya ulit ako ng tingin tapos bumalik na ulit sa pag gagawa niya ng assignment niya.

"May thesis din ako." Maikling sabi niya

"May thesis? Pero kasama lagi mong si Kuya." Bulong ko, sinamaan niya ulit ako ng tingin. Animo'y tamang tama sa sinabi eh pano ba naman totoo! Well... mag kaklase kasi sila ni Kuya Asher. 3 or 2 years ang tanda niya saakin, parang 'ate' ko na siya pero.. wala e, tumibok ang tangang puso.

"Nag seselos ka parin ba sa Kuya mo?" Tanong niya saakin, at nakasalubong na yung kilay. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Oo, sino bang hindi mag seselos? Parang siya na nga yung boyfriend mo dahil lagi kayong mag kasama, lagi kayong sabay kakain, lalabas kayo tuwing sabado at linggo, tapos kapag monthsary natin wala ka. Tapos ang kasama mo si Kuya at hin---"

"For the pete's sake! Alex! Palibhasa pa-graduate ka palang ng highschool, kaya hindi mo nararamdaman ang nararamdaman ko, mahirap ang thesis at nag papatulong lang ako sa Kuya mo! At isa pa Isang taon at isang buwan na tayo! Nag seselos ka pa at sa kapatid mo pa talaga ah!" Inis na sigaw niya saakin at nilayasan niya ako. Tapos kinuha niya nalang yung bag niya, hahabulin ko na sana niya ng dinuro niya ako. "Wag mo akong susundan, kapag sinundan mo ako. Alam mo na yung mangyayari!" Galit na sigaw niya saakin, at umalis nalang bigla.

Napaupo nalang tuloy ako, at napa-ngudngod nalang sa lamesa. Nakita ko naman yung assignment na ginagawa niya kanina, tiningnan ko iyon. Napakunot ang noo ko ng 'Dear, Babe' ang nakalagay dun tas parang siyang love letter. Ito ba yung assignment na sinabi niya? Tiningnan ko yung kabuuan ng love letter at binasa ko...

●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●

Dear, Babe

My Innocent Girl: Season 1 & Season 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon