Chapter 82 [S2]

226 12 2
                                    

Women/Adhara's POV

□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□
From: Alex

Sa lahat ng ayoko yung hinalikan ng iba ang babaeng
akin lang.
□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□

Kunot noo kong binasa yun. Di ko alam kung tuwa o inis ba ang mararamdaman ko sa text niyang yun, hindi ko alam kung kailangan ko bang magalit o ano. Pero dahil tanga na yata kay Alex ang puso ko ay nangingibabaw parin ang kilig ko. Kaya feeling ko ay ang laki laki ng ngisi ko.

Kaya naman tumingin ako kay Agilos na nasa malayo na, nakatingin siya saakin at kunot ang noo niya. Nag tataka yata siya dahil sa hindi na ako tumatakbo, kaya naman sumenyas ako na 'sandali lang' sa simpleng pag taas ng kamay.

Pag katapos ay tumakbo ako pabalik ng kompanya at sa opisina ni Alex. Hindi ko alam pero gusto kong iexplain niya ang text niya saaking to. Text lang to, hindi ko sure kung totoo ba tong text ni Alex. Pero sana totoo. Sana totoo na, ako parin ay sakanya, na sakanya parin ako. Na sana, ay ayaw niyang mahalikan ako ng iba.

Nang makatungtong na ako sa floor kung saan ang opisina ni Alex, ay tumakbo na ako sa opisina niya. Binuksan ko ang pinto at ang bungad agad sa tenga ko ay ang mga mura ni Alex.

"Damn you, Eze! Damn you! Putang ina mong bumalik ka pang gago ka! Tang ina kang hayop ka mapunta ka sana sa impyernong gago ka! Gago ka Eze!" Badtrip na sigaw ni Alex sa isang lalaking kaharap niyang humahalgapak ng tawa.

"Easy, Bro. Masyado ka namang highblood! Kararating ko palang, mura agad ang salubong mo saakin? Wala bang I love you at I miss you diyan?" Malambing na natatawa ng isang lalaki na Eze yata ang pangalan.

"Tanga ina! I love you? I miss you? Saksak mo sa baga mo yan! Tang ina mo! Dat di ka bumalik kasama ni Sha! Panira kang gago ka! May pinto, may pinto! Di ka kumatok! Nagulat ako sa sigaw mong puta ka! May nangyar--!" Natigilan si Alex ng bumaling siya sa pinto kung saan nandon ako, ngumiti lang ako sakanya. At kita ko naman ang pag pula ng pisngi niya at panlalaki ng mata niya ng makita ako. "Oh, shit." Bulong niya yata?

"Uyy, Miss!" Sigaw ng lalaking kasama niya. At doon ko nakita ang perpekto niyang mukha. At kamukha niya ang asawa kong si Lee Min Ho, kaya lang ay may pagkamedyo pandak ito. Pero keri lang ang tangkad niya pero parang may pagkamedyo pandak.

Ngumiti siya saakin at doon lumabas ang dimple niya, pag katapos ay nag lahad siya ng kamay. "Hi! Bestfriend ni Alex slash punching box at murahan. Eli Zeikka Mata, Eze for short. And you are?" Pag papakilala niya at tanong niya. Kaya naman nakipag kamayan na din ako.

"Women." Tipid na sabi ko sakanya tas ngumiti ako. Mas lalong ngumiti si Eze saakin kaya ramdam ko ang pag pula ng pisngi ko. Tiningnan ko ang mag kahawak naming kamay, at tatanggalin ko nasa ng mas hinigpitan niya iyon. Bigla tuloy akong nahiya.

"Ugh a--"

"Let go, Eze!" Rinig kong mariing sabi ni Alex sa kay Eze. Kaya naman napatingin si Eze kay Alex at ngumisi.

"Alright!" Sabi ni Eze at agad na bumitaw sa kamay ko. Kaya naman napahinga ako ng maluwag. At agad akong lumapit kay Alex. Tsaka ko tinaas ang cellphone ko.

"Ano yung text mo? Bumalik ako para doon! Sinasabi ko na nga ba, nag seselos ka!" Sigaw ko sakanya ng makalapit ako sakanya. Mag sasakita na sana si Alex ng tumawa nanaman ang kaibigan ni Alex na si Eze.

"Selos? The fuck, Bro! So, siya nga itong sina--"

"Fuck off! Get lost, Eze! Ang pangit mo, lumayas ka dito!" Naiiratang sabi ni Alex kay Eze kaya mas lalong tumawa si Eze agad naman siyang sinamaan ng tingin ni Alex.

My Innocent Girl: Season 1 & Season 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon