Chapter 104 [S2]

109 6 1
                                    

Women/Adhara’s POV

□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□
From: Agilos

Sorry, HAAHHAHA. Love you na nga.
□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□

Ang sarap sumigaw. Pero laking swerte lang ni Agilos ngayon dahil sa kausap ko si Alex sa kabilang linya.

Napapikit nalang tuloy ako dahil sa hindi ko alam ang dapat kong sabihin sakanya. Nahihiya ako. Nahihiya ako sa mga pinagsasabi ko doon sa voice record. Bwesit na, Agilos kasi. Sinabi niya saakin na kakampi ko siya, pero ba’t ganto ha?

Naloko nanaman ako ng abnormal na si Agilos.

“Are you still there?” Biglang nag salita si Alex sa kabilang linya na siguro’y naghihintay ng isasagot ko sakanya. “.. o baka naman inaantok ka na?” dagdag nitong sabi.

Napakamot ako ng ulo ko dahil sa hindi ko alam kung ano ba ang idadahilan ko. Paano kung sabihin ko nalang na iaantok ako? Para makaiwas sa topic? Pero ito yata ang dahilan niya kung siya napatawag? Kaya paano ako makakaiwas pa ulit kung iiwas ako ngayon?

Ang tanga ko nama kasi, bakit ako nag paniwala kay Agilos? Tsaka bakit ko kasi sinabi ‘yung gano’ng bagay? Pero totoo naman kasi, parang wala sa bokabularyo niya. Ang tagal na simula nung magkaayos kami.. pero hindi ko naman hinihiling.

“Ahm..” Sabi ko at naghahanap talaga ng sasabihin.

Rinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya niya. “Nahihiya ka.” Patapos na sabi niya at hindi ‘yon.

“E kasi naman. Sinabi ko lang naman ‘yon kay Agilos kasi..” Sabi ko na hindi itinuloy dahil sa nahihiya talaga ako sa sinabi ko do’n sa record.

Natatawa parin siya. “Kasi?” Sabi niya.

“Kasi ano….” Sabi ko namann. Sasabihin ko kaya? Natinatanong ni Agilos kung nag kiss daw ba kami kaya ko nasabi ‘yon? “Basta. ‘yon na ‘yon. Kalimutan mo nalang iyon.” Sabi ko sakanya

Natawa parin siya. “Okay.” Sabi niya saakin.

“Nasa bahay ka na?” Tanong ko sakanya.

“Yup. Nakahiga nadin at plano na sanang matulog kung hindi lang sana ako nakareceive ng voice record.” dagdag pa niya. Bigla nanaman tuloy akong napatahimik, kaya naman natawa siya ulit. “Ikaw? Why are you still up?” Tanong niya saakin.

“Hindi lang makatulog.” Sabi ko sakanya.

“Bakit? May iniisip ka?” Tanong niya saakin. Sasabihin ko sanang ‘siguro’ pero bigla siyang nagsalita agad. “I see, iniisip mo ‘yung mga sinasabi ko sa’yo kanina.” Seryosong sabi niya saakin. “Don’t think too much, okay? I will help you and Agilos.” dagdag niyang sabi saakin kung saan doon ko mas lalong nakumpirma. Kailangan niya na talagang mahawakan ang itim na bato para mas lalong makumpirma pa ito.

“Pag-uusapan natin ulit bukas para mas malinaw. Susunduin nalang kita sa bandang hapon.” Sabi niya saakin.

“Sige,” Sabi ko.

“Goodnight and I love you, Women.” Sabi niya.

“Goodnight din, Alex.” sabi ko bago niya patayin ang linya naming dalawa at dahil sa sinabi niya saakin, nakatulog na ako ng matiwasay at wala nang iniisip.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Kaya naman ako narin ang nagluto at naghanda sa umagahan namin ni Agilos. Tsaka mabuti narin maaga akong nagising para makapahiganti na din ako sa ginagawa niyang kagaguhan saakin kagabi.

My Innocent Girl: Season 1 & Season 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon