Chapter 14

406 7 0
                                    

Alex's POV

Oh everytime I see you
Geudae nuneul bol ttaemyeon
jakku gaseumi tto seolleyeowa
Nae unmyeongijyo sesang kkeutirado
jikyeojugo sipeun dan han saram

Ang ganda ng boses niya at ang ganda dun sa unang line. Pero yung sunod na line. Biglang napakunot ang noo ko. As in. WHAT THE FUCK?! ANONG SALITA YUN?!

Baby oh oh oh oh oh oh

Hindi ko alam kung anong alien words ang kinanta niya. Sayang, ang ganda sana ng boses niya kaya lang ay sumablay sa words. Well.. ang naitindihan ko lang yata ay yung 'everytime I see you' at 'Baby'

oh oh oh oh
Baby oh oh oh

Ang ganda sana talaga ng boses niya. Kaya lang ay hindi ko maitindihan ang lyrics. Mas maganda sana kung naiintindihan yung lyrics pero hindi eh! Pinalibot ko ang paningin ko sa mga tao at mukhang nagustuhan naman nila yung kanta at parang naiitindihan nila yung alien word. So, ako lang talaga? Pero..

PERO ANG NAKAKAPAGTAKA?! ANO YUNG SALITANG YUN?! Ang ganda ganda ng boses tapos? Alien yung words, lenggwahe? Nakakapag taka talaga. Wala akong maitindihan sa pinag sasabi niya ang naiitindihan ko lang sa kanya yung 'Everytime I See You' at yung 'Baby Oh oh.' At ang last yung 'I Love You'. Well.. sinasayang niya ang mala anghel niyang boses.

"Alex, nagustuhan mo ba yung performance ko?"

Kahit hindi saakin yung boses. Ako ang nag hihinayang. Hindi ko alam kung bakit? Dahil sa siguro sa maganda niyang boses at kinanta niya yung alien words. Sayang talaga, nakakapanghina---

"HOY ALEX!" Isang malakas na sigaw ang sabay sabay na narinig ko sa tenga ko. Napatingin ako sa harapan ko nakita sila Xander at Ryle tapos si Women na nakangiti habang nakatingin saakin. Tapos na agad siyang kumanta?

"Alex, bat ka nakanganga?" Tanong saakin ni Women, hinawakan ko yung mukha ko- pero teka? Bat nga nakanganga ako? Narinig kong tumawa yung dalawa sa harapan ko-namin. What the? Pinagtawanan ako.

"Wala." Sabi ko sakanya.

"Alex, maganda ba yung performance ko?" Tanong niya saakin. Kaya naman humarap ako sa kanya at binigyan ko siya ng napakagwapong face-palm kung saan hindi niya malilimutan ang mukhang iyon sa sobrang gwapo.

"Maganda ba yun? Sa lyrics palang nung kanta, wala ng binatbat." Sabi ko sakanya. Gusto ko sanang sabihin sakanya na ang ganda ng boses niya kaya lang baka lumaki yung ulo niya. Baka mamaya this time ay sabihin niya ng 'Ako ang may pinakamaganda boses sa kaharian namin.'

"Sayang deni-dedicate ko pa naman sayo ang kanyang yun." Sabi niya saakin. Kaya naman sinamaan ko siyang tingin. Dedicate? What the!

"Dedicate? Ni-hindi ko nga maitindihan ang kanta mo. Malay ko ba sa bawat sambit mo ng lyrics ay may katumbas ng mura yun saakin. Kanina nga may narinig pa ako 'Gago' at 'Bobo' sa kanta mo." Sabi ko sakanya, pero totoo ngang may gago at bobo siyang minention kanina sa kanta niya.

"Mali ang iniisip mo. Yung sinasabi mong gago at bobo iba ang meaning nun. Pero sana nagustuhan mo ang boses ko." Sabi niya saakin.

Well.. gusto ko ang boses mo, pero ayoko ang lyrics mo.

**
Nakauwi na kami sa bahay. Mga nasa bandang 6pm ng gabi. Hindi na pumunta sila Ryle at Xander dito sa bahay kasi dumeretso na sila agad ng bahay nila. Nandito na ako sa kwarto ko nakaupo sa table at nag cocomputer. As in nag lalaro ako ng Tetris Battle sa Facebook pero hindi ako makapag laro dahil..

"King inang internet na yan oh! Bulok! Ang bagal." Pag reklamo ko dahil ang tagal tagal ng internet halos mag wa-one minute na ng nag loloading yung tetris. Oo, one minute! Bakit ba? Sa ayokong nang hihintay e.

My Innocent Girl: Season 1 & Season 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon