Chapter 73 [S2]

233 11 1
                                    

Adhara/Women's POV

".... anymore." Bulong niya saakin.

"Ale---"

"Teka? Teka? SA SOBRANG GALING NILANG KUMANTA! NGAYON LANG AKO NAKA MOVE ON!" Biglang sabi yata ng isang MC at parang familiar ang babaeng nag salita na yon. Parang kilala ko pero.. hindi ko maisip kung sino. "Si Baighn maka ilan beses na nating narinig kumanta at si Alex hindi pa dahil wala siya ng nga nakaraang araw dahil nga sa isang misyon sa Mindanao. So ngayon, Mr. Ramos? Pwede bang solo mo na muna?" Natatawang tanong ng sabi ng MC.

"ALEX! ALEX! ALEX! ALEX!" Sigaw ng mga tao sa bar.

At sa sobrang tulala ko dahil sa sinabi ni Alex ay hindi ko alam na nasa harap na siya ng mga tao at may hawak na siyang gitara. Kung hindi pa ako hihilahin ni Agilos na umupo sa tabi niya ay baka nag mukha na akong tangang nakatayo dun.

"Women, pasensya na. Hindi ko alam na siya." Sabi saakin ni Agilos. Tumingin lang ako sakanya tsaka ako tumango at ngumiti sakanya ng malungkot. Pag katapos nun ay tiningnan ko si Alex na nasa harap.

Di, di ko inakalang
Darating din sa akin
Nung ako'y nanalangin kay bathala
Naubusan ng bakit

Bakit umalis ng walang sabi?
Bakit 'di siya lumaban kahit konti?
Bakit 'di maitama ang tadhana?

Kung dati ay masaya akong pinapanood siya na kasama ko sila Ryle habang siya ay kumanta. Ngayon naman ay malungkot ko siyang pinapanood. Ang sakit lang... nakakapanghina ng loob na kahit ganon lang ang sinabi niya ay masakit sa pandinig ko.

At nakita kita sa tagpuan ni bathala
May kinang sa mata na di maintindihan
Tumingin kung saan sinubukan kong lumisan
At tumigil ang mundo
Nung ako'y ituro mo
Siya ang panalangin ko

Natapos ang kanta niya ay rinig ko ang palakpakan ng tao. Sa sobrang pag iisip ko sakanya ay nag paalam pala siya sa mga kagrupo niya na may pupuntahan siya.

Ganon lang yun? - halos gusto kong itanong sakanya nang makaalis na siya, nang papalayo na saakin.

"Ah kami din ni Women. Aalis na muna kami, may pupuntahan din kami e." Sabi ni Agilos sa mga kagrupo niya. At hinila nalang ako hanggang sa makapunta kami sa taxi kaya hindi na ako nakapag paalam ng maayos kila Minki.

Nang makarating kami sa condo ay agad agad akong pumasok sa kwarto at humiga agad agad. At inakap ang unan ko at saka ako pumikit ng mariin. Abnong Alex, anong 'I'm not your, Alex... anymore'? Tae mong gago ka. Ang sakit sakit nun.

'I'm not your, Alex..'

'.... anymore'

'.... anymore'

'.... anymore'

Ang sakit. Ang sakit sakit lalo't binulong niya saakin.

Hinigpitan ko ang yakap sa unan ko at ramdam ko ang pagtulo ng luha ko dahil basa ang unan. Bakit, Alex? Hindi nga ba ikaw ang Alex noon? Wala ka na bang nararamdaman saakin? Pero... alam ko, hindi ganon kadali iyon.

Alam mo yung feeling na... ayun na, nakita mo na ang gusto mong makita at masaya ka para doon.. pero biglang.. *snap ang sakit, yung 'sayang' naramdaman biglang naging 'sakit'. May part na parang 'ayaw' mo na pero may part ding 'gusto' mo pa. Kumbaga, nag lalaban yung puso at ang isip. Sa puso ang 'gusto' at sa utak ang 'ayaw'

At kapag pinili mo ang utak ay pipilitin ka naman ng puso na piliiin mo siya. Katulad ngayon, hindi ko alam kung mag papakita pa ba ako kay Alex o ano. Kung 'ayaw' ko na ba siyang makita dahil sa nangyari pero may part saakin na 'gusto' ko siyang makita dahil sa narealize ko na kapag pinili ko ang utak ay parang sumusuko na ako agad kay Alex dahil sa 'ayaw' ko na siyang makita dahil sa nararamdaman kong sakit.

My Innocent Girl: Season 1 & Season 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon