Chapter 15

430 13 0
                                    

Alex's

Barcelina? Barcelono? Barcelana? Ay! Letche! kung ano mang tawag sa Barce na yan! Train to Busan, Train to Busan, Train to Busan. Yaan! Ang laging sambit ng tao. Mapaloob at mapalabas, mapaCR at mapatindahan. at mapa Mama at mapaWomen. Yung totoo? Di maka move on sa movie?! Napanood na nga kailangan pang ulit ulitin ang nangyari?

"Oh? Anak? hindi mo pa galawin yang pagkain mo? Bahala ka, pag yan ginalaw ng iba, Wala na." sabi saakin ni Mama kung saan narealize ko na parang may ibang meaning ang sinabi niya. Hindi ko lang, mawari kung ano iyon.

"Ma, anong ibig mong sabihin?" Tanong ko kay Mama, nginusuan niya si Women na kumakain na kanina ko pa tinitingnan. "Anong meron diyan?" takang tanong ko ulit sakanya.

"Ang slow mo. Sabi ko kainin mo na yung pagkain mo. Baka mamaya ay kunin yan ni Women at ubusin." Sabi niya saakin tapos nag patuloy na siya sa pagkain ulit. Nandito kami sa Chowking kumakain. Well.. malamang sa alamang. Kakatapos palang namin mag babad sa panonood. Pinanaood naman ay yung Train to busan tsaka yung isa yung Barceli-- yung Barcelo-- Ay! Ewan yung Barce yun ang pinanood namin.

"Ang pogi talaga ni Daniel Padilla ano Mama Sarah?" Tanong ni Women kay Mama habang sila ay kumakain.

"Sinabi mo pa, Anak. Wala na yatang tatalo dun." Nakangising sabi ni Mama, napairap nalang tuloy ako sa hangin. What the! lang talaga 'Wala na yatang tatalo dun' Ano yun? Pero teka? Sino ba si Daniel Padilla?

"Sino ba si Daniel Padilla?" Sali ko sa usapan

"Yung gumanap kay Ely." Sabi ni Women. Kaya naman napa isip ako, Ely? Ah! Yung nasa Barce. Well.. siya pala yon? Ang pangit naman pala e, buragat ang mata. Mas gwapo pa ako.

"May tatalo dun." Sabi ko kaya naman napa-angat sila ng tingin saakin, tsaka curious silang tumingin saakin.

"At sino naman yun?" Curious na tanong nila saakin as in sabay na sabay. Kaya naman nginitian ko sila tapos...

"Ako." Sabi ko sakanila. Yung mukha nilang curious naging poker face. What the? Hindi ba sila naniniwala? What the? Kapag ako nanalo ng Mr. Universe-- pero teka? May Mr. Universe ba?

"Ang hangin. Kapit tayo sa table, Mama Sarah. Baka mamaya hanginin tayo dito." Sabi ni Women na nag aacting pang gumegewang tapos humawak siya sa table at sinabayan naman siya ni Mama sa trip niya pero tumigil rin naman agad si Mama. Sa inis ko ay tinapakan ko yung paa ni Women. Kaya naman napahinto na siya, tapos tiningnan ko siya ng masama.

"Sorry ulit." Sabi niya saakin tapos inakap niya yung braso. Well.. katabi ko kasi siya, tas sa harap namin si Mama.

"Lumayo ka nga, kababae mong tao ang touchy touchy mo." Inis na sabi ko sakanya. Hey, girl. Niloloko mo ako ah. Ngayonn napikon mo ako.

"Bakit? Parehas naman tayong tao ah." Sabi niya saakin. Kung saan familiar na familiar ang na iyon saakin. Kaya naman...

"Pero lalaki----"

"----- ako, babae ka. Oo alam na alam ko yan, paulit ulit mo na yang sinasabi saakin." Sabi niya saakin, kaya naman di ko nalang siya pinansin tapos nag patuloy lang ako sa pagkain ulit. Pero natigilan lang ako ng may tumigil na grupo ng kababaihan sa gilid namin at ngingiti ngiti saakin. What the? Ganon ba ako kagwapo para ngitian ng ganto? Well... sabagay.

"Ikaw di ba si Alex Ramos?" Tanong saakin ng nasa gitnang babae. Hindi ko sila sinagot imbes ay tiningnan ko silang lahat. Mga nakapalda sila at mukhang mag kakaibigan. Halo halo ang itsura nila may black beauty at meron namang black ugly. Meron ding white beauty pero sympre ma ugly. Pero karamihan sakanila ay mukhang.. mga you know.

"Yeah! Girl, siya nga si Alex Ramos." Pagkokompirma ng isang babae na maikli ang buhok. Kaya naman sabay sabay silang napatingin. What the? Sino ba sila? Hindi naman sila mga tiga Young Uni unles nalang kung nakikita nila ako dati sa bar na kumakanta.

My Innocent Girl: Season 1 & Season 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon