Chapter 11: Payback Time

8.6K 241 29
                                    

(White card at the multimedia.)


Celestine's POV :

Pagkabukas ko ng locker ko nagulat ako ng may nakita akong nakasabit na white card na may angel wings sa gitna na color black at may nakasulat na "Sinner" sa taas habang sa baba naman ay may nakalagay na "I'm watching you" then may initials sa baba na DAG.



What the fvck? Last week red card ngayon naman white card?



Seriuosly? So tulad ni King naisipan na din pala niya ako na bigyan ng cheap na card ng grupo nila? Magsama sama sila, pare-parehas sila na walang originality. Lumingon ako sa buong paligid and as i expected nagbubulungan na lahat ng mga students na nandito sa locker room.




"O-M-G!! May white card na din siya so ibig sabihin ay pati DAG kalaban na din niya."



"Oh my!! Kakagaling niya lang ng hospital pero mukhang babalik na naman siya dun."



"Sinabi mo pa, Sis! I'm sure mas matinding pambubully pa ang gagawin sa kanya ngayon."



"Waaaah!! I'm so happy! Buti nga sa kanya."



"She's not belong here naman kasi talaga e kaya tama lang sa kanya yan para umalis na siya dito."



"Yeah, right!!! Bumalik na lang siya sa basurahang pinanggalingan niya."




Tss!! Dami nilang sinasabi paulit ulit lang naman kakasura.



So Cobra, you really want to play, huh? Fine!! Your wish is my command. Get ready for my wonderful and precious pay back!!



I took the white card and crumpled it up and i threw it in the trash can where it belongs. Sinamaan ko naman ng tingin ang lahat ng nandito sa locker room kaya natahimik sila at napaatras sa takot.


After kong kunin sa locker yung damit ko ay lumabas din agad ako at pumunta na ng CR dito sa dulo ng second floor para magpalit. Habang naglalakad ako dito sa hallway as usual all eyes on me. Yung totoo, Ngayon lang ba talaga sila nakakita ng tunay na DYOSA at PERFECT na nilalang na katulad ko? O sadyang sobrang insecure talaga sila sa akin at hindi nila matanggap sa sarili nila na mga hipon at garapata lang sila kung ikukumpara sa akin?



Dukutin ko mga mata nila dyan e.



Most of the girls na nadadaanan ko ay halos patayin na ako sa sama ng tingin and take note kung tignan nila ako mula ulo hanggang paa pa kaya napapailing na lang ako saka ako nagflip hair sa kanila para lalo silang mainis. Masyado na silamg nilamon ng pagiging insecure nila.



Hays! What if tawagan ko na kaya si Mrs. Cruz ngayon para ipa-expel silang lahat dito sa school ko?



Si Mrs. Cruz ang dean ng L.U since then because Dad can't do that. He was very busy with our companies and businesses kaya nag hired na lang siya ng dean na magaasikaso ng lahat but of course kapag may mga kailangang pirmahan or aprubahan ay pumupunta siya dito. He's still the owner and president of this university kaya siya pa din dapat ang pumirma sa mga yon but that was before because I am now the new owner and president of this university.


Anyway, alam na din ni Mrs. Cruz na ako at si Ms. Tine ay iisa. Nagkausap na kami dahil inutusan ko siyang ilipat si Nicole sa klase ko pati na din yung limang impaktang clown ni Cobra. Pinagsabihan ko na din siya na wag ipagsabi sa iba ang lahat ng nalalaman niya tungkol sa akin dahil kundi malilintikan siya at mawawalan siya ng trabaho. Nagkausap kami but through skype lang.




Lee University: Gangster's Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon