Chapter 12: Payback Time (Part II)

9K 242 68
                                    

Celestine's POV :



Minutes passed.....



Finally, tumigil na din siya sa pagkakalabit sa akin. Akala ko hanggang matapos ang klase siya mangangalabit e. Maybe narealize niya na mukha lang siyang tanga dahil dedma siya sa akin. Matutulog na sana talaga ako pero hindi pa man ako nakakapikit ng may bigla naman may tumawag sa akin.




"MS. EMPHS!! WHO TOLD YOU TO SLEEP HERE DURING MY CLASS?" Sigaw ng prof namin.



Luh? Kailangan i-emphasize talaga? Pssh!! Wala akong pake sa sinasabi niya. Wala siyang kwentang professor. Boring siyang magturo at nakaantok pa. Hindi ko siya pinansin at nanatili lang akong nakatungo sa desk ko. Nakita ko naman sa peripheral vision ko na lahat ng walang kwentang classmates ko ay nakatingin na din sa akin. Yeah! Wala silang kwentang lahat including DDG, BDG at DAG except lang kay Jhun and Nicole.



Bakit ba ang hilig nila akong tignan o pagusapan? Hindi pa din sila maka move on sa ganda ko ganern?



Masyado silang inggit sa akin kasi ako DYOSA ng KAGANDAHAN sila DYOSA ng KAPANGITAN. Kakapal ng mga make ups. Sing kapal ng dictionary at libro ng history. Seriously? Sa school ba sila pumapasok o sa club? Pipikit na sana ulit ako ng bigla na namang sumigaw yung impaktong professor namin.




"MS. EMPHS!!!" He said out loud.



Punyeta!! Hindi ako makatulog ng dahil sa ingay niya. Bading yata itong panot na ito kaya ang ingay e!!




"YOU SHUT UP!!! I REALLY WANT TO SLEEP NOW BECAUSE YOUR CLASS IS SO DAMN BORING!!!!" I yelled at him kaya nanlaki ang mata niya at galit na dinuro ako.



"HOW DARE YOU SHOUT AT ME? I'M STILL YOUR PROFESSOR SO YOU BETTER RESPECT ME!! MY CLASS IS BORING? REALLY? BAKIT MASYADO KANA BANG MAGALING PARA SABIHIN MONG BORING ANG KLASE KO? MASYADO KANA BANG MATALINO PARA TULUGAN ANG KLASE KO? HA, MS. EMPHS?" Hiyaw din niya sa akin na halos ikapatid na ng mga ugat na naglalabasan sa leeg niya.



Blablabla!! Nyenyenyenye!! He's talking nonsense.




"Are you done? Yes, you're my professor but you're not my parents so you don't have the rights to shout at me especially in front of other people!! Binabayaran kayo dito para magturo at hindi para sigawan ang estudyante and yeah, Masyado na akong matalino kaya lahat ng tinuturo mo wala ng kwenta." Singhal ko sa kanya.



All the students in the room were just looking at the two of us and none of them wanted to interfere with us. Am I rude? Tss!! Don't blame me because I'm just stating the fact. Wala siyang karapatan para sigaw sigawan ako. Professor lang siya pero ako ang mayari ng paaralan na to kaya wag siyang epal. Maiintindihan ko sana siya kung bakit niya ako sinisigawan at kung bakit siya nagagalit sa akin kung mabuti at patas siyang professor e ang kaso hindi e. Paano ba naman ako hindi maiimbyerna sa kanya e hindi lang naman ako yung natutulog sa klase niya pero ako lang yung sinisita niya like what the fvck diba?



Anu ito may favoritism?



Porket ba hindi niya kilala yung Emphs na nakadugtong sa pangalan ko ay gaganituhin na niya ako? At porket ba hindi niya alam kung saang pamilya ako nabibilang e mamatahin at kakayan kayanin na niya ako? He's being unfair and that's what makes me angry. I know how to respect the professor and to be honest I think highly of people like them but I only give respect to people who deserve to be respected and he doesn't belong there because he's not fair to his students.



Lee University: Gangster's Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon