SIXTEEN

2.9K 98 18
                                    

Kris POV

One week akong naka tengga sa ospital.. Haaaay nakakaboring ang ganun.. Andito ako sa school ngayon. Medyo okay na ako. Patuloy pa rin sa pag iimbestiga sina Nik, Hideo at Miguel sa nangyari..

"Okay kalang ba? May gusto kabang ipabili?" sabi ni Miguel

"Ano kaba Migs? Okay nako kaya ko na sarili ko." pagbaling ko sakanya.

"Sus, ano kaba? Mabuti na sigurado.. Okay lang naman siguro kung bine-BABY kita diba?" sagot nya.

Pagdinig na pagdinig ko sa salitang BABY ay iba pumasok sa utak ko.. Nako crush ko sya pero di dapat ako paapekto. -_-

"Baliw!" sagot ko nalang at tumayo paalis..

Sa paglalakad ko ay inalala ko ang mga nangyari noong nakaraang linggo.. Ang hindi pagpasok ni Ace dahil sakin.. Ang suspect nila sa pagkaka aksidente sakin.. Sa pag tatapat ni Ace.. Kaya naman iniiwasan ko sya..

Sa pag lalakad ko ay bigla akong nahilo.. Eto na naman. Matutumba na sana ako ng biglang may sumalo sakin..

"Ayos kalang ba? Muntikan kanang matumba ah?"

Tug-dug.. tug-dug.. tug-dug..
Ang boses na 'yon.

"A-ayos lang ako. K-kaya ko sarili ko." Pinilit kong maglakad pero hindi talaga kaya..

"Kris.. hanggang kailan mo ba ako iiwasan? Hanggang kailan ako maghihintay? Wala kaba talagang nararamdaman para saakin?" Tuloy tuloy nyang sabi na tila hindi na proseso ng utak ko..

"A-ace.." tanging nasabi ko nalang..

"Pero kahit pa gaano katagal at iwasan mo ako ng iwasan maghihintay ako.. Pangako.." tsaka nya ako inupo sa bench.. tsaka sya umalis palayo..

Bat ba nagagawa kong pahirapan ang taong tulad ni Ace.. Haaaay..

Ace POV

Isang linggo na nga buhat nung na ospital si Kris. Bat ganun nagbantay naman ako pero bat lalo atang mas naging close yung hinayupak na Miguel at si Kris? May nagawa ba ako?

"Okay class, are you excited? Its our school anniversary. So class, I want you to suggest a theme for our booth.. Or if you want katulad ng last year tayo ulit ang hahawak ng marriage booth."

Madaming nag agree at madaming nag suggest basta ako lutang utak ko kakaisip kay Kris..

"Are you with us Mr. EVANS?" pagtatanong sakin ni Mrs. Valdez

"Na C-CR ata maam" pagsagot ng kilalang boses na hinahanap hanap ko.. Nananaginip ba ako? Pero hindi pwedeng ipahiya ako neto.. Just like the old times

"Oo nga maam eh, pwede bang pasamahan moko kay Miss-ter Fernandez since naman nung bago palang ako dito maam sya nang nakakasama ko." pagsagot ko din

"Okay then mukhang close nga kayo.. Then Yuri samahan mo na si Mr Evans."

"May I go out too Ma'am?" si Miguel

"Uhmm, Im sorry Mr DelaCruz. Pwede bang hintayin naten matapos si Mr Evans? Baka kase if I let you gumaya yung iba."

"Okay then Ma'am"

Hihirit pa tong DelaCruz na to eh..

Habang naglalakad sa hallway ay wala akong marinig kundi katahimikan..

Hanggang sa makadating kami sa may comfort room.. Nakapagtataka lang na hindi sya pumalag na samahan ako dito sa CR..

"Bat hindi ka pumalag na wag ako samahan?" pagtatanong ko

Hindi sya sumasagot..
That was for 3minutes bago sya nag salita.

"Ace, bat moko minahal? Bakit ako?" pagtatanong nya din..

Bakit nga ba? Ang tanging alam ko biglaan lang ang lahat.. Naramdaman ko lang agad..

"Hindi ko alam, pero alam kong mahal kita." tanging nasagot ko..

At may katahimikan ulit..
Tinititigan ko lang sya habang tila pinoproseso pa ng utak nya bakit sya ang mahal ko.. Totoo naman kase hindi ko alam..

"Ehh ako ba? Mahal mo ba ako Kris?" pambasag ko sa katahimikan..

"A-ace.. Sinabi ko na sayo hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko." pag sagot nya sa katanungan ko..

pagkatapos nyang sabihin na hindi sya sigurado ay awtomatiko ko syang hinila at hinalikan.. hindi naman sya pumalag.. nararamdaman ko na naman ang puso ko na parang milya milya ang tinatakbo.. Ang utak kong nakatuon lang kay Kris.. Ang katawan kong kahit gaano katigas ay lumalambot dahil sa taong kaharap ko ngayon... Ang sarap sa pakiramdam..

Naputol ang pangyayaring yon ng walang pumapalag at walang nagrereklamo..

"Hindi kapa din ba sigurado?" Pagtatanong ko ulit.

Pero imbis na sumagot si Kris ay sya naman ang nanghila saakin at hinalikan ako..

Kris POV

Mukhang mababaliw na talaga ako.. Alam mo yung tipong ayaw ng utak mo pero alam na alam na ng puso mo ang sagot? Waaaaaaaa!

Anyways andito ako sa may ministop.. Sabado ngayon. Hinihintay ko si Nik.. Pupunta kame ng Marquee Mall para mag unwind. Haaaaay stressssssssss!

"Beksssss!" sigaw neto kahit nasa labas palang sya ay dinig na dinig mo na.

Guess what guys? Kasama nya si Hideo.. Nako naman.. Usapan eh kaming dalawa lang. Pero wala naman ako magagawa eh andyan na yung BOYFRIEND nya.. Talagang nagawa pakong lihiman ng dalawang to..

Matagal na pala nila akong niloloko dear Charo.. Kaya naman ng makalapit sya saakin ay dali dali akong tumayo..

"Ano bang usapan naten Nik? Magmumukha akong kawawa nyan sa gawa nyo eh." sasabihin ko sana kaso ayoko maging mataray ngayon..

"Tara na?" tanging yan nalang ang nasabi ko Charo..

"Wait lang naman beks may hinihintay pa tayo.. And hindi tayo sa Marquee pupunta.. change place tayo.. And Im so excited.." sabi nito habang patalon talon pa..

"Sino na naman bang sinabihan mo? Sabi ko sayo tayo lang eh" at ayun Charo hindi ko na napigilang mag taray.. Naghintay ka na nga ng matagal kanina may mga isasama pa sya.. Nako Charo i-tag mo ang mga kaibigan mong ganyan..

"Sorry Am I late?" sabi ng gwapo sa likod ko..

"Ikaw? Kasama ka?" nasambit ko nalang.

"Ayaw mo ba Yuri?" sagot ni Miguel

"Hindi na----" pagsagot ko sana

"Late na ba ako? Tara na.." sabi ng mokong sa tabi nila Nik

Haaay at di na nga po ako nakapalag mga kaibigan.. Pinagsamantalahan nila ang kabaitan ko..

"First location, Skyranch here we come!" sabi ni Nik.. na patalon talon ulit. Pinaglihi ata sa kangaroo tong si Nik eh. O feeling nya araw araw bagong taon.

Pagbigyan na naten wag natin alisan ng pag aasang tumangkad pa sya. Hahaha.

"Tara na nga." sambit ko nalang..

To be continued.

Bitin diba? Malamang alangan namang ituloy tuloy ko na hanggang ending. Hahahaha..

20 votes
And please comment down!
Para alam kong hindi kayo silent reader. :) Labyuuuuu!

*AyssBeybe

ACE [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon