TASK 9: Accidental Kiss
I woke up feeling revived again. Hindi na ako giniginaw. Sa katunayan pinagpapawisan na ako ng husto. Hindi na rin mabigat ang pakiramdam ko at wala na ang sakit ng ulo ko. I'm renewd again!
Nag-iinat muna ako bago ko idinilat ang mata ko. Umupo ako kaagad sa kama at nag pray (my morning routine). Aalis na sana ako ng kama ng may nasagi akong... Nico? Katabi ko siya at natutulog? Nakaupo lang siya at nakasandal sa headboard ng kama (with unan) at may hawak pang thermometer sa kamay.
I'm so touched! Inalagaan ako ng amo ko. I'm a special maid indeed.
Pinagmasdan ko siya. He's not frowning this time nor serious, natutulog lang siya at napaka-peaceful tingnan. Kung ganito lagi ang mukha niya, maniniwala na ako sa pinagsasabi sa TV na gwapong gwapong gwapo siya. Like an angel. Pwede siyang magkaroon ng role na angel, San Miguel. Nilapitan ko pa siya para mas ma-observe pa yung features ng mukha niya. Makapal ng kaunti yung kilay, malaki pero matangos na ilong, manipis na labi. Heck! Mas manipis pa ata sa lips ko! At mas makinis pa sa akin. No doubt, artista nga siya.
"Daddy?"
Naalarma ako sa biglang pumasok sa pintuan. Talagang malakas yung pagkakabukas kaya nahampas yung pinto sa pader. Pumasok si Alice at nagkukusot pa ng mata.
"W-what?!" Mukha namang nagulat si Nico at napaupo kagad ng maayos.
But wait! Sa bilis ng pangyayari, ako lang ata ang hindi nakakilos kaya tumama yung lips ni Nico sa lips ko.
I heard a gasped kaya naitulak ko si Nico. Maski siya gulat sa nangyari. Lalo na si Alice na napatakip pa ng mata.
"Daddy, why are you kissing Queen?!"
Sht!
<3
Hayy.. Nakaalis na si Sir Nico.
Well, after kaming maabutan ni Alice sa ganung position eh nataranta naman si Nico. Yup, he was freaking out what to do and what to say to Alice.
But the phone save him. It rang and he answered immediately and like the first time I met him, he was frowning again. Nagmamadali siyang umalis, late na raw kasi siya sa shoot niya.
So here I am with pouting Alice. Hindi ko maalala kung bakit siya grumpy and braty basta ayaw niya na lang ako pansinin.
"Alice, let's take a bath?"
"No," She answered crossing her arms.
"But you need to go to school."
"No," Inirapan niya ako! Woah! Hindi ako makapaniwala.
"Alice,"
"No! Witch!" Nagtitili siya tapos pumasok sa kwarto niya at nag lock. Ayaw ako papasukin. Naririnig kong umiiyak siya pero ayaw naman niyang sabihin sa akin. Ayaw niya nga ako papasukin.
Think Kyra, think think think!
Yep! I got an idea. Binuksan ko yung TV at nilakasan yung volume. Sakto Dora The Explorer yung show na favorite ni Alice.
"I'm the map, I'm the map, I'm the map~~" Sinabayan ko yung pagkanta ni Map.
"To the mountain!" Sumagot si Alice. Napalabas ko siya ng kwarto. Umupo siya at tuwang tuwa sa palabas. Yun nga lang umupo siya malayo sa akin.
Iba na talaga ang kutob ko sa batang ito pero kailangan kong gumawa ng paraan para makausap ko siya ng maayos.
"Alice? Let's eat!" Yaya ko pero inignore niya lang ako. "Pizza is here!" Nagpadeliver ako ng pizza, ang favorite ni Alice at gaya ng inaasahan ko kumuha siya sa box ng isang slice. Tahimik niya yung kinain sa isang couch malayo sa akin.
Pinagmasdan ko siyang kumain. Grabe ang kalat lang niya kumain puro sauce na yung mukha niya pati damit niya. Pero kahit na makalat siya kumain, para pa rin siyang matanda kumilos. Pizza ang favorite, maraming alam, at hindi mo madaling maloloko. Tingnan mo siya ngayon. Parang matandang nakahawak sa remote at nililipat yung channel. Tumigil siya sa cartoons na Tom and Jerry. As usual, naghahabulan na naman yung pusa't daga, paulit-ulit na lang.
"I hate you Tom!" Bulalas na lang bigla ni Alice. Tumayo siya sa kinauupuan niya, kumuha ng pizza at ibinato sa TV.
What the heck!
"Alice!" Lumapit ako sa TV at kinuha yung pizza. "Bad." Saway ko sa kaniya pero gaya ng TV binato niya rin sa akin yung isa pang slice ng pizza lahat ng pwede niyang ibato, binato na niya. Lumapit ako sa kaniya para piglan siya. Nagtagumpay na man ako but now she's glaring at me.
"I want to go to school!" She said.
Kanina ayaw tapos ngayong late na siya gusto na niya pumasok. Hindi ko naman siya nagawang tanggihan kasi magwawala na naman siya kaya hinatid ko na lang siya pagkatapos ko siyang i-ready for school.
Sa kotse habang nagdadrive si Manong Ben (personal driver ni Alice), kinukulit ito ng bata. Pinipiringan yung mata ni Manong!
Aatakihin ata ako sa puso sa batang ito. Buti na lang kalmado si Mang Ben at magaling mag drive kaya nakarating din kami sa school ng buhay.
Pagkapasok ni Alice sa school, nanghingi kagad ako ng sorry kay Mang Ben. "Pagpasensyahan niyo na po Manong Ben si Alice. Mukhang bad mood lang siya ngayon."
"Sumpong ba kamo?"
"Sumpong?" Ano yun.
"Oo, sumpong, bad mood iisa lang yun diba?"
"Opo," Oo na lang kahit ngayon ko lang narinig yung word na 'sumpong'. Sugpo ang naiisip ko. Nagugutom tuloy ako.
"Ganyan talaga ang batang yan laging may sumpong. Siguro kasi kulang sa pagmamahal." Napapailing si Mang Ben.
"Close naman sila ni Sir Nico."
"Oo nga pero laging wala rin si Sir. Tapos ang ganiyang bata naghahanap talaga yan ng kalinga ng isang ina."
Hindi ako sumagot kay Mang Ben. May point siya dun...
"Kikay ayus ka lang ba? Natahimik ka?"
"W-wala naman po Mang Ben. Na naisip k-ko lang na dapat kong mas bigyang atensyon si Alice." Nagsisinungaling ako. Hindi yun ang iniisip ko, iba ang iniisip ko. Si Mommy and Daddy ang naiisip ko.
"Salamat naman Kikay at nauunawaan mo si Alice. Mabait naman yang batang yan kung wala lang sumpong at hindi nagpapapansin."
"Opo."
-------<3
Eto out of the blue question, naranasan niyo na bang magkaroon ng friend/bf/gf na the more mong nakakasama mas lalong parang palayo siya ng palayo sayo? Na para bang hindi siya yung unang nakilala mong sweet and funny?
Hahaha! Oy ah! Sa mga friends ko na nakakakilala sa akin... Wala akong bf ngayon XDD
![](https://img.wattpad.com/cover/9768256-288-k528956.jpg)