TASK 2: Meet The Boss

242K 3.4K 215
                                    

TIPS: First impression last! Wear according to the job you're applying for. Smile, be confident and honest!

TASK 2: Meet The Boss


"Maj, get me a new maid."

"Baka may makuha pa ako?" Sarkastikong sagot naman ni Maj sa kaniyang bestfriend slash alaga na si Nico Ciriaco.

Ganito na lang kasi lagi. Simula ng dumating ang anak ng alaga niya, humirap lalo ang buhay niya bilang isang managerng osang sikat na Aktor. Maski siya napipilitang alagaan ang bata.

"Please, Maj. I'm begging you. Walang magbabantay sa batang yun. Kung pumayag ka lang kasi na iwan si Alice sa ampunan.."

"Anak mo siya Nico!"

Hindi nakasalita ang aktor. Anak nya nga ang batang tinutukoy niya pero hindi nya kayang alagaan ito lalo na't hindi niya ito inaasahan. Nagawa lang ang bata sa pagkakamali nya sa isang model. Hindi naman niya kagad nalamang may naanakan siya, basta isang gabi na lang may kumatok sa pintuan at iniwan ang walang kamuwang muwang na tatlong taong gulang sa harap ng pinto ng flat in Nico kasama ang isang kahon na naglalaman ng katibayang totoong anak niya ang bata.

"Bago pa umalis yung maid mo nagbilin na siya two days ago na aalis na siya. I tried to get another maid from the agency but no one wants to accept the offer. Pero nagawan ko na ng paraan." Napahilot ng batok si Manager Maj.

"Salamat Maj."

"Oo na. Umalis ka na at malelate ka na sa shoot mo."

"Minsan na sabi ko sa sarili kong Life Saver ka pero Maj, papatayin mo ako sa mga projects! Kakauwi ko lang kahapon galing US."

"Kabayaran yan sa lahat ng sakit sa ulong ginawa mo."

Napailing na lang si Nico sa kaniyang kaibigan at manager. "Makaalis na nga."

Nagkaingitian ang magkaibigan bago tuluyang umalis si Nico sa office ni Maj.

Buti na lang talaga at may tumawag na kay Maj kagabi para maging katulong. Humiling siya na sana tumagal na yung maid this time.



__

Nakatayo ako ngayon sa harapan ng isang building. Kinakabahan ako. Kagabi kasi napag-isipan kong baka trap ito at isang sindikato. Pero sa nakikita kong building.. Mukhang pang mayaman.

"Hi po! Dito po ba yung MJ Entertainment?" Tanong ko sa guard.

"Oo. Papasok ka ba? Kailangan ng ID."

"Opo." Nilabas ko yung SSS card ko. Oh diba? First time gamitin!

Sabi sa text ni Maj nasa 2nd floor daw yung office nya. Stairs na lang ako.

"What? What happen?"

May lalaking gwapong pababa ng hagdan. May kausap sya sa phone at nagmamadali. Iiwas sana ako kaso lang doon sa pinag-iwasan ko sya pumunta. Tumabi ako tapos dun din sya tapos tumabi uli ako, dun din sya.

"What are you doing?! Can't you see I'm in a hurry?"

I almost jumped in fear. Ba'y gwapo nga highblood naman. "Sorry." Oopps! American accent ang pagkakasabi ko.

Hindi naman niya napansin. Tuloy-tuloy lang siya sa pagbaba na galit na galit sa kausap niya sa phone.

Whatever!

Nakarating na ako sa tapat ng office ni Sir Maj. Kakatok sana ako ng may lumabas na gwapong lalaki na naman.

Wow! This place is full of handsome guys.

...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon