TASK 39: Back
Sasabog na sa negatibong emosyon si Nico. Hindi lang dahil tatlong oras na niyang hinahanap si Kyra, idagdag pa ang mga taong pinagkakaguluhan siya. Hindi siya makausad sa paghahanap kay Kikay dahil sa dami ng gustong magpa-picture, magpa-kiss at hug. Noong una nagagawa niya pang ngumiti pero di kalaunan ay umiinit na ang ulo niya.
Kung saan-saan siya pumupunta hindi lang para maghanap kundi para mag-disguise na rin. Bibili siya ng cap, shades, wig, jacket at kung ano-ano pa matago lang ang identity niya. Buti na lang nandiyan si Manong Ben para tumulong maghanap.
Ang kaso nga lang ay walang ni anino ni Kikay ang nakita. May mga napagtanungan siya, "Nakakita ba kayo ng babae: maganda, maputi, mga 5'6 ang tangkad, payat at may dimples pag ngumiti?"
Ang mga sagot:
"Ayy, si Ashley Armando nandito?!"
"Si Ashley ba hinahanap niyo? Naku Nico bagay talaga kayo!"
"Sexy ba yan?"
"Ayun oh!" Sabay turo sa bakla.
Napabuntong hininga nalang siyang umupo sa kotse niya. Drain na drain na siya. 2am na silang natulog ni Kikay kakalaba tapos gumising siya ng 6am para sa photoshoot at hanggang ngayon ay nasa labas pa rin siya para hanapin ang katulong... Si Kikay.
"Sir, umuwi na lang kaya tayo? Mukhang malabong mahanap si Kikay dito."
"Hindi pwede Mang Ben. Hahanapin natin si Kyra. Pumunta na kaya tayo sa prisinto?"
"Pero ho, may policy ang mga pulis na saka lang sila aaksyon pag 24hrs nang nawawala ang isang tao."
Hindi na makapagsalita si Nico sa pagod pero pilit pa rin niyang kinakaya. Nagpunta pa rin sila sa pinaka malapit na istasyon ng pulis.
<3
"Why are we doing this? Why did you drag me to this?! Eww!"
"Shhh! If you want to stay anonymous you better stay quiet."
"Why do we need to follow Maj?"
Naririndi na si Daniel kay Ashley kakareklamo.
Bakit sila magkasama? Naisip lang naman ni Daniel na kausapin o sapilitang kausapin si Ashley para tawagan nito si Maj.
Ginamit niya si Ashley para tanungin kung nasaan ito. Nalaman naman nila na hinahanap ni Maj si Kikay sa Divisoria kaya't kaagad nilang hinanap at sinundan ang manager.
"Bakit hinahanap ni Maj si Kikay?"
"She's not looking for Kikay." Paglilinaw ni Daniel. He want to shout to her that Maj is looking for Kyra not freaking Kikay.
"Then who?"
Hindi na niya sinagot si Ashley. Hindi naman kilala ito ni Ashley. Sinundan na lang nila uli si Maj na lumiko.
Pagkaliko nila'y natigilan si Daniel ng makita si Maj na tinitingnan sila.
"Bakit niyo ako sinusundan? At bakit kayo magkasama?" Salubong ni Maj sa kanila na may naniningkit na mata.
"Maj! Can someone answer my question? Why are you looking for Kikay for heaven's sake?!"
Walang sumagot sa kaniya. Sa halip ay hinatak siya ni Maj papalayo kay Daniel. "Stay away from him, Ashley."
"What?!"
"Now Ashley?" Nagtatagis ang bagang ni Daniel sa inis kay Maj. Pakiramdam niya'y inaangkin lahat ni Maj lahat ng sakaniya.
Wait! Napailing siya. Hindi sa kaniya si Ashley.
"May shooting ata dito oh!" May sumigaw na kinaalarma ng tatlo. Wala na silang ibang nagawa kundi tumakas sa madla.
<3
"Pagpasensyahan niyo na Mang Ben ah. Hahanap lang ako ng ID ni Kikay." Nanghihina ngunit nagmamadaling sabi ni Nico sa driver. Bumalik na kasi siya sa condo para maghanap mg kahit anong identification document ni Kikay para magamit ng mga pulis sa paghahanap pag tumagal pang nawawala si Kikay ng labing limang oras.
"Daddy! Have you found Queen?"
"No baby." Hinalikan niya ito. "I'm sorry Alice but i'm busy. I'll promise you I'll find Kikay for you." Pagkasabi niya sa anak ay kaagad na niyang hinanap sa mga gamit ni Kikay ang dapat niyang hanapin.
Isang maleta muna ang binuksan niya. Mabango ang amoy nito. Facial wash, body wash, bubble bath, lotion, moisturizer, perfume.. Hindi akalain ni Nico na gumagamit si Kyra ng mga ganung produkto. Bag. Pouch. Envelope.. Envelope ang pinagtuonan niya ng pansin. Bubuksan na sana niya ito ng marinig si Alice.
"QUEEN!"
Nilapag ni Nico ang hawak at dali-daling lumabas ng kwarto. Sa may front door nakita niya si Alice na yakap-yakap si Kyra.
"Alice, stop hugging me. I smell bad!"
"Kikay!" Para naman siyang nabunutan ng tinik sa lalamunan. Si Kyra nasa harapan niya at nakangiti. "Thank goodness you're okay."
Kung kanina'y si Alice lang ang yumayakap. Ngayon pati si Nico yumayakap na rin kag Kyra.
_
