TASK 47: Date with Nico
It's an exclusive restaurant. May mangilan-ngilang kumakain pero dito sa table namin sa second floor halos walang tao.
Nagpalinga-linga ako sa paligid. Naniniguradong walang makakakita sa amin ni Nico. Mahirap na baka ma-news kami nito. Patay ako pag nakita nila mom and dad yun.
"Okay ka lang?" Si Nico naman ang nagtanong kung ayos lang ba ako.
"Uhm, wala bang makakakilala sayo dito?"
"Don't worry, we're safe here. Kakilala ko ang may-ari nito at pina-reserve ko ang buong second floor para makasiguradong walang manggugulo sa atin."
"Lahat 'to?" Napalingon ako sa paligid. Hindi ko mabilang ang dami ng tables pero siguradong marami yun. Lahat pina-reserve niya?
"Yup," Hindi na niya ako pinansin. Tumawag na siya ng waiter. "300g Specialty of the house Potance, cooked medium. And a bottle of Mirassu Pinot Noir."
"Madalas ka ba rito?" Tanong ko. Mukha kasing alam niya ang o-orderin. Madami na siguro siyang nadalang babae dito.
"No,"
"Don't fool me." Hindi ko mapigilang mag-English sa lalaking ito. Ako uutuin niya? Please! Pa pa potanz pa siyang nalalaman.
"Seryoso." Natatawa niyang sabi. "Kakilala ko ang may-ari nito kaya isa ako sa mga unang nakatikim ng menu nila."
"Hindi mo pa nadadala si Ashley dito?"
Umiling lang siya. Hindi na nagawang makasagot pa sa tanong ko kasi dumating na yung waiter. May dalang soup.
Kumain kami ng tahimik hanggang sa dumating yung potans o potanze basta. Gosh! Steak pala! My favorite.
"I know that's your favorite."
I gave a how-do-you-know-look.
"Naaalala mo yung naki-share ako sa pag-kain mo tapos nainis ka kasi kinain ko yung steak mo?"
Napaisip ako. That time I was mad at him because he's always busy and forgot about his mourning child. "Hindi ako naiinis dahil doon!"
He chuckled. "I know."
Napuno ng kwentuhan ang hapunan namin. Most of the time si Alice ang pinagkukwentuhan namin. Kaya nabanggit ko sa kaniya yung birthday ni Alice.
"Crap!" Napasandal siya sa upuan. Mukhang nakalimutan niya ang birthday ni Alice.
Umiinit na naman ulo ko dahil sa kaniya. How dare him!
"Three weeks na lang bago ang birthday ni Alice. I promised her that we're having a party."
Hindi ko na siya pinagalitan pa. Baka maisip niya na ako ang boss eh. Tinanong ko na lang siya. "Anong plano mo?"
"Help me prepare for Alice's birthday party."
"Walang problema." Party ba kamo? Wala akong inuurungan sa ganyan. I hosted alot of parties before. And the fact that I am handling the marketing department of our company... This is easy.
Habang pinag-uusapan namin ang fairytale theme birthday party ni Alice at kumakain ng dinner, may bigla na lang napansin si Nico.
Ang posture ko raw.. "Kikay, you can slouch if you want. Masyado ka atang proper kumain. Pati pag subo tipid na tipid."
Napatigil ako sa pagsubo ko. Kahit mahigit isang oras na kami dito, hindi ko pa rin nauubos yung stake ko. Nagkatingin ko sa paghawak ko ng silverware kaagad ko itong naibagsak. Shocks! "Ah.. Uhm.. Feel na feel ko lang maging mayaman ngayon. Totoo nyan, gusto ko nang kamayin itong pagkain ko." Pagkukunwari ko. Nawala kasi sa isip ko na ako si Kikay.