TASK 43: Delivering

143K 2.2K 179
                                    

TASK 43: Delivering

Hinatid ko muna si Alice sa school bago nagpunta kay Nico. Sa isang mamahaling hotel ang set nila ngayon.

Hindi man lang ako prepared. Sana nagdamit ako ng casual, hindi yung nakasuot ng maid's uniform. Kita ko yung tinginan nila sa akin. Mas lalo akong nakaka-catch ng attention sa damit ko. Mamaya may makakilala sa akin dito.

Tinawag ako sa reception area noong mapansin nilang tuloy-tuloy lang ako.

"Where are you going Ma'am? Have you check-in in our hotel?"

Umiling lang ako. "No, I came here for Nico Ciriaco in room 504."

"Oh, yes. You're Kyra Sandio, right? Ma'am please go ahead. Sir Nico is waiting for you."

"Thank you."

Pagkaakyat ko sa elevator pinindot ko yung button five. Pasira na siya nang namalikmata ako sa nakita ko --matangkad, maputi, brunette ang buhok, bulky and hot. I blinked my eyes for several time to confirm what I saw but the elevator door closed.

I froze in shocked. If he's here... No, namamalikmata ka lang Kyra. Side view lang ang nakita mo at wala pa ngang one second nang makita mo siya. You can't be sure about what you saw. Imagination lang 'to.

I arrived at fifth floor in just a few seconds. Nakita ko kagad kung nasaan yung set kasi madaming tao at maingay. Yes, maingay yung director na pinapagalitan yung isa sa mga staff niya.

"Saan tayo makakahanap niyan?!"

"Direk, sorry. Nagtext kasi yung talent na natraffic daw siya."

"Wag na kamo siya dumating. Ayoko sa lahat ay yung taong late. Sinasayang niya ang oras ng mga nandito."

Higpit naman nung director. Scary.

"Kikay nandito ka na pala." Nico came approaching me. Balak ko pa naman mag gagalit-galitan pero nang makita ko siya napanganga na lang ako. Naka-half naked siya! "Asan na pala yung script?"

Natulala na lang ako sa katawan niyang yummy..

"Kikay?"

"Ay Kikay! Ay ano! Ay Sir, eto na po yung script." Sht! This is so embarrassing.

Then an assistant brought Nico's polo. He wore it before getting the script from me.

"Uhmm, Sir Nico uuwi na po ako." Paalam ko. Medyo nakakailang din kasi dito sa set eh. Kung tinitingnan ka ng halos lahat ng staff, I'm not sure kung nagagandahan ba sila sa akin o sadyang minamaliit nila ako dahil maid lang ako.

"Sabay na lang tayo umuwi." Nakatingin pa rin siya sa script.

"Pero Sir."

"Nag taxi ka lang diba?"

He's right. I prefered using a cab. Baka kasi pag si Mang Ben ang naghatid sa akin, hindi na masundo si Alice mamaya. Tumango na lang ako kay Nico.

"Then we're going home together. Hindi na naman ako aabutin ng hating gabi dito. And besides Maj called to me and said that he wants to have a bonding time with Alice."

"Ahh, sige pero ano gagawin ko dito?"

"Sit with them. They'll keep you in company." Tinuro niya yung grupo ng mga babaeng nasa may sulok lang at nagkukwentuhan. Ang iba sa kanila'y naka-uniform ng pang maid.

"Sige po."

Naglakad ako papunta sa kanila. Ngumiti muna ako ng pagkalaki-laki bago umupo sa vacant chair.

...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon