Epilogue

159K 2.7K 261
  • Dedicated kay Sayo, Boss ko
                                    

Being a maid is not that bad. I know, hindi lahat siniswerte tulad ko pero kung iisipin mo, may trabaho ka, kumikita, libre tulugan, libre pagkain, libreng BS Laundry Operation and General Cleaning Management at libreng matuto paano makisama sa iba. Anyway, in my case, its more than just that because I, Kyra Sandico a.k.a. Kikay found what I really am, what I really want, where I want to be and who I want.



"Mommy Queen!" Alice poked me.



"Yes, Princess?"



"Is Daddy going home?"



Pang ilang beses na niya tinatanong sa akin kung uuwi ba raw ang Daddy niya. Kanina pa siya hindi mapakali; takbo doon takbo dito, tutulungan yung Lolo niya tapos si Aling Roda tapos magtatanong na naman. Excited na excited talaga si Alice.



"Yes, baby. It's better that you take a nap first. Daddy will be home for Christmas."



"But I want to help surprise Daddy."



Speaking of surprise and Nico, He's on his way from Los Angeles to Seattle by train. Hindi na siya makahanap ng flight para maka-uwi dito dahil sa Christmas rush. Kahapon pa siya umalis at inaasahan naming makaka-uwi na siya around seven habang kami naman ay naghahanda para sa surpresa.



"Kyra, can you give that one to me?" Sabi ni Many, ang father ni Nico.



Inabot ko naman sa kaniya. Ngumiti siya sa akin at nagpatuloy sa ginagawa niya. Pareho sila ni Nico ng ngiti kaya nakilala ko siya kaagad noong epic fail wedding ko kay Daniel. Siya yung kasama ni Alice na matanda. Mukhang kay Manny din nakuha ni Nico ang pagiging kalmado at tahimik nito.



Kasalukuyan palang nakatira si Nico sa bahay ni Manny sa Los Angeles (nandito lang si Manny para maki-celebrate at mas nanuna na siya sa anak niya). If you're going to ask me why, doon lang naman siya nakakuha ng course for film making at may intern siya ngayon sa isa sa mga famous director (I'm not a fan of movies so I don't know who). Suma-sideline rin siyang model o kaya waiter sa diner ng daddy niya. Masyadong pinapagod ni Nico ang sarili niya pero lagi niyang sinasabi, mas sanay siya ng maraming ginagawa kaysa wala kasi parang magkakasakit siya at mas iniisip niya raw kami ni Alice.



Long distance relationship? Yes but it's not that hard for lovers who truely love each other. Ako na ang romantic! But seriously, I' m okay with this setup as long as Nico is happy. Alam kong marami siyang gustong makamit at patunayan kaya handa akong magtiis.



"Kyra!" Tawag sa akin ni Aling Roda na busy magluto ng mga Filipino cuisine na talagang request ko para kay Nico. Mahilig yun sa mga lutong Pinoy kaya isa ito sa surprise ko mamaya sa kaniya. "Tikman mo."



"Aling Roda, alam mo namang wala akong hilig sa Filipino food. Hindi ko alam kung ano ba ang masarap sa hindi."



"Tikman mo lang po. Hindi mo pa nga natitikman nagrereklamo ka na."



Tumango-tango ako ng malasahan ko. Masarap naman siya. "Okay na."



Maya-maya pa may nag doorbell na. It's my parents and Helen! Nagmamadali kong binuksan yung pintuan pero hindi ko gusto ang nakikita ko.



"Where's my mom and my dad?"



"Merry Christmas to you too." Sarcastic na pagkakasabi ni Helen at niyakap ako. "May emergency meeting kaya hindi raw sila makakapunta. Driver lang ang sumundo sa akin sa airport."



"Pasko may meeting? At dapat tunawagan nila ako. CEO pa rin naman ako ng company namin."



"Relax, alam kong ayaw ka na nila guluhin pa lalo na't pinaghandaan mo ito."



...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon