TASK 19: Shopping

171K 2K 73
                                    

Dedicated to Dedliest :)) try niyo po yung bagong story niya na PRETEND FOR BETTER. A story of gangsters. Briella Veralio is a stunning lady. She is nasty, delinquent, mean and a great fighter. And because of that, her parents sent her to a boarding school-- a school they don't know that is full of splutter. She was commanded to be a modest, demure and a ladylike. Will she be able to hide her true identity and change for the better? or she'll get worse and just find some serious troubles? or maybe she'd find love. Well, read to find out.







TASK 19: Shopping

Hindi ako na fired sa trabaho. Madali namang magpatawad si Sir Nico ang problema lang ay kabaliktaran niya ang anak. Well, civil naman si Alice pag nandyan ang girlfriend ng ama niya pero mas lapit siya ng lapit sa dad niya. Utos dito, pagawa ng ganun, yakap, halik, lambing.. Gumagawa talaga yung bata ng paraan para ma-lessen ang quality time ng magkarelasyon.

Ngayon, alam na ng buong bansa ang relationship ni Nico at Ashley. Natural na may hater pero marami rin naman ang full support sa relationship nila. May katulad ko rin, na kahit hater sa relationship nila patuloy pa rin naman silang sinosoportahan. Ang bait kaya ni Sir Nico at naiintindihan ko rin si Alice. Hayy..

"Queen Kyra, you hold my hand." Paalala ni Alice sa akin. Nangako kasi akong kami ang magsasama sa pag-ma-mall nila. Kasama kasi si Ashley para sa first public display nilang 'family'.

Hinawakan ko naman yung kamay ni Alice at sabay kaming pumasok sa mall pero kaagad siyang hinatak ni Ashley sa kabilang kamay.

"Alice, look oh! Do you like this dress? I'll buy you!" Excited na pagyayaya ni Ashley sa bata.

"No."

"Then this one?"

Lumapit na rin si Nico sa kanila. "That's pretty, Alice. Try it."

Wala ng nagawa yung bata. Lalo na't dumadami yung taong napapatingin sa kanila.

"Kikay, samahan mo si Alice."

Sht! Baka may makakilala nga pala sa akin!

"O-opo." Yumuko ako at dali-daling sinama si Alice sa fitting room. Doon nag-suot ako ng surgical mask.

Pagkalabas namin, ipinakita na ni Alice yung dress pero nakasimangot pa rin ang bata lalo na ng matuwa si Ashley at pinilit na yun na ang suotin niya.

"Let's go Alice! Let's buy your daddy a coat." Nahila na naman siya ng girlfriend papuntang ibang boutique.

"Kikay, tara na. Bakit nga pala naka-mask ka?" Napansin pala ni Nico. Kala ko invisible na ako sa paningin niya lalo na't nandyan ang model niyang girlfriend.

"May sipon po kasi ako. Achu!" Sabay singhot para kapani-paniwala.

Wala namang sinabi si Nico. Tsk! Kala ko pa naman papauwiin niya na ako o kaya naman bibilhan ng gamot. Asa naman ako.

Sinundan ko na lang sila sa lahat ng boutique na pupuntahan nila at mukhang model si Ashley ng Forever 21 kasi walang humpay ang pag pili at bili niya ng damit at shoes doon. Mukhang napapagod na nga ang mag-ama sa kaniya. Ako rin pagod na. Wait, okay 'to ah!

May nakita akong dress. Kahit F21 lang 'to okay na. Black dress siya na may red floral sa laylayan. Flowy yet warm. Ganito ang lagi kong suot sa Seattle.

"You like that dress?"

"Very!" Excited kong sagot sa nagtanong sa akin. Pagkalingon ko si Nico pala. Sht! Nakalimutan kong sila pala ang kasama ko at maid lang ako. "Uhmm.. Ano.. Opo! Ang ganda nga po ng lahat ng damit dito. Yun nga lang mukhang hindi bagay sa akin." Alanganin akong natawa.

"Babe, tapos na ako mamili. Dinner na tayo?" Sumulpot naman si Ashley na may sampung paper bag.







<3

Dinner time na rin sa wakas. Sa isang restaurant kami kumain sa loob ng mall. Ashley and Nico sat side by side, while Alice and I sat across them. I got the chance to sit with them due to Alice's demand and Nico's encouragement. Wala namang problema sa akin baka kay Ashley meron. Hindi nga lang niya pinapakita pero alam kong naiinis din siyang makasama ako tulad ng pagkainis ko sa kaniya.

So habang kumakain, ako lang ang kinakausap ni Alice tungkol kay Dora na tumawid daw sa bridge. "Dora, boots and the king snap the alligator. Snap, snap, snap. Queen, let's do the snap, snap, snap." Pinapagaya niya akong mag 'snap' tulad ng kay Dora. Parang pumapalakpak lang na pahiga. Madali lang naman kaso parang tanga lang.

"Princess, we should stop snap, snap, snap before Swiper swipe your food. You don't want to swipe your food right?"

"Swiper? Let's get rid of wiper. Swiper no swiper! Swiper no swiper!" At talagang itinapat niya yung kamay niya kay Ashley. Paulit-ulit sinabi ng bata yun. Natatawa lang ako sa reaction ng bruha.

"What are you doing Alice? Finish your food na. We're going home." Nandidiri niya pang sinabi kay Alice.

"Home? What about games Dad?" Binalingan ni Alice ang ama niya. Tinutukoy yung acrade.

"Next time Alice." Mahinahong sagot ni Nico.

"Why? I want games!"

"But your Tita Ashley is here."

Mukhang hindi napigilan ng bata ang susunod na sinabi. "Tita Ashley is the swiper! She's swipping you dad!"

Nyayks! Tinakpan ko yung bibig ni Alice bago pa magsalita ng kung ano-ano. "Alice you wants some muffins?" Kahit ayaw ng bata isinubo ko sa kaniya. "Hindi niya mean yun." Sabi ko na lang sa dalawa. "Blue's Clues na lang ang papanuorin namin ni Alice sa susunod."

"You want games Alice?" Pinilit naman ni Ashley ngumiti kahit nasaktan siya sa sinabi nito. "What game?" Binulungan naman niya si Nico at may binulong din naman ito sa kaniya. "You mean Acrade, Alice?" Binalingan uli niya ang bata.

"Yesh!" Puno pa po ang bibig niya kaya di makapagsalita ng maayos.

"Aracade then!"







-----------<3

Alam kong ang epic ng pagkakadescribe ko sa damit na gusto ni Kyra. Sorry, hindi talaga ako Fashionable or let say, I have a weird fashion. My mom always buy clothes for me or my sister (keiPINK) and my friends will choose what clothes should I buy.

Eto na naman po ang litanya ko. Ayoko ng demanding pero mas ayoko ng naninisi pa. Hindi ko tinuloy yung quota sa FF ko kasi ayokong madamay yung ibang readers ko pero pag may nag-trigger pa talaga ng pagiging bitchy ko tutuparin ko yun.

Anyway, sorry kung atleats once or twice a week ako nag-u-UD kumpara sa iba na inaabot ng isang buwang o isang taon. Pasensya na kung mas tinutuon ko na ang pansin ko sa MFY ha? Sorry na rin na kahit wala akong internet, time at pera ay isinisingit ko pa rin ang mag-UD. Na kahit mas maring importanteng bagay ang dapat kong gawin sa tuwing magco-computer ako ay mas inuuna ko pa ang MFY.

(eto totoo na ito, walang halong ka-sarcastican)--Sorry po kung mas mahaba ata yung note ko kesa sa story ko. LOL! And thank you sa mga matatyagan naghihintay ng UD ko lalo na sa iba kong My Secret Series na tila baga napapabayaan ko na. Don't worry I'll update with MRS, MSA and MSPG as soon as I can.

...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon