chapter 5 ang wattpad account/ diary ni rhoanne/edited

7.8K 189 6
                                    

Chapter 5 - ang wattpad account/ diary ni rhoanne

hanggang ngayon, napapangiti parin ako sa tuwing naaalala ko yung mga  

nangyari kanina, kinikilig ako hindi dahil sa nahawakan ko yung espada ni panday.. Uhmm, well medyo pala dahil dun, hehehe

kinikilig ako dahil sinabi niyang maganda ako kahit alam ko na yun.  



Hihihi. nakakataba ng Puso pag may ibang nakaka appreciate ng ganda ko.

patingin tingin lang ako sa may park nung may napansin akong dalawang batang nakaupo sa may swing. Umiiyak yung batang babae kaya umalis yung batang lalaki at pumitas ng santan dun sa may plantbox.

Binigay niya sa batang babae yung santan saka niya pinunasan yung mga luha nun. Nakangiti naman yung batang babae saka niya hinalikan sa pisngi yung lalaki.

Ang cute nila tignan! Kinuha ko yung iphone ko saka ko sila kinuhanan ng stolen shot.

Inupload ko yun sa facebook ko. Nag browse na din ng mga notifications  saka mga dati kong wallpost. Nakita ko tuloy yung mga notifications ko sa wattpad. ilang taon ko na bang hindi nabubuksan yun? eight years..

Sinubukan kong buksan yung account ko kung active pa and voila! Active pa siya. Hindi na nga lang updated. Pano ko naman hindi makakalimutan ang password nito kung lahat ng account pati atm ko pangalan niya ang password? Tsss.

Nakita ko yung THAT SUMMER na story namin. Tina tap ko yung table gamit yung mga daliri ko habang pinag iisipan ko kung mag uupdate ba ako oh hindi.

wag nalang siguro..tinatamad ako eh,

After thirty minutes...

'it's been eight years since i last saw you. Eight effin years. Sinubukan kong kalimutan yung nararamdaman ko para sayo. Nagtagumpay naman ako eh, Akala ko okay na ako. Okay na okay na ako eh. Akala ko lang pala yun.

Ayos din eh. Ngayon lang ulit ako nagkaroon ng balita tungkol sayo pero yung balita pang yun yung dumurog sa internal organs ko. Ako?! Wedding planner ng pusang galang kasal mo? Nakakagago lang diba?

Gusto kong isiping tadhana yung naglalapit sating dalawa pero hindi eh,  

si Lola Aura yung may kasalanan ng lahat.

Nakalimutan na ba niya kung ilang baldeng luha at ilang beses akong na  dehydrate ng dahil sayo tapos ganito? Fvck!

Sinubukan kong umarte ng normal sa harapan mo. Good knows how much i do, pero kahit gano katagal kong prinaktis lahat para sa araw na ito, isang salita lang na galing sayo, gumuho yung pader na ginawa ko. Yung sinabi kong hinding hindi na ako magpapa apekto sayo, kinain ko.

gusto kong sabihing walang nagbago sayo pero kahit nga yung sarili ko hindi ko ma convince na walang nagbago kase SOBRANG LAKI ng pinagbago mo.

dati na namang malaki yung mga braso mo dahil batak sa trabahong bukid, pero parang mas lumaki ngayon? 


That summer |complete| [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon