special chapter 2
Minadali nila yung pag asikaso nung kasal namin ni Hans nung nalaman nilang buntis ako. Nagkaroon lang kami ng simpleng garden wedding sa bahay nila Hans sa Ontario kinabukasan tutal kumpleto naman daw yung pamilya ko.
baka daw kase mag back out pa yung isip ko regarding this marriage. alam nyo na.. mood swings.
Lokong yun.. buntis na nga ako tatakasan ko pa siya? jackpot na nga ako sa kanya. At infairness sa kanya. bago pa siya nagpropose ng kasal sakin nakabili na siya ng bahay dito.
"Pano pala kung hindi ako pumayag magpakasal sayo? binili mo agad yung bahay.. Sinong ititira mo?"
"Tabs.. kung hindi ka pumayag na magpakasal sakin.. edi araw araw kitang kukulitin hanggang sa magsawa ka at umoo ka nalang."
"Mahal na mahal kita tabs.. at mas minahal pa kita ngayong dala dala mo na sa sinapupunan mo yung anak ko." nakangiti niya pang hinimas himas yung tiyan ko.
"I Love you, too pag ibig.. at salamat kase binigyan mo ako ng anak---." pinitik niya yung noo ko.
"anong anak mo lang? anak natin yan hoy!" kinurot ko naman yung ilong niya hanggang mamula.
"gusto mo bang I rephrase ko yung sinabi mo kanina? ikaw kaya yung unang nagsabi na anak mo lang 'to." tumalikod ako sa kanya para tanawin yung paligid habang niyakap naman niya ako patalikod. umuulan ng snow sa labas kaya andito kami sa may tapat ng fireplace. glass wall yung bahay kaya kita parin sa labas.
"tabs.."
"hmmmm..."
"sorry ha.." kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya saka kinakabahan tumingin sa kanya.
"for what?"
"unexpected kase yung pagdating ni baby eh.. hindi ko tuloy napaghandaan yung dream wedding mo.. sorry ha.."
napabuntong hininga naman ako. sus! kala ko kung ano na.
sinabit ko yung mga braso ko sa batok niya. "nagsisisi ka ba?" bahagya niya akong naitulak palayo kaya nagulat ako.
"hell no! sobra sobra na nga yung ibinigay ka sakin ni pareng Lord eh. tapos may bonus pang angel na kasama.. edi dalawa na kayong angel sa buhay ko. ano pa bang hihilingin ko?" nakangiting sabi niya.
hindi na ako nagsalita. nakangiti na lang ako habang nakatitig sa kanya. sobrang swerte ko lang kay Hans. oo, Hindi siya yung first love ko, Not even my true love, !Hindi siya yung first boyfriend ko, hindi siya yung first ka 'EME-EME ko' kumbaga tira tira ko nalang yung napunta sa kanya pero who cares?
isa siyang buhay na patotoo na HINDI LAHAT NG FIRST LOVE, TRUE LOVE NA. AT HINDI PORKE TRUE LOVE, IPAGLALABAN NA NG PATAYAN. MINSAN KASE KUNG HINDI TALAGA PARA SAYO. KAHIT FIRST LOVE O TRUE LOVE PA YAN KUNG HINDI SIYA YUNG RIGHT ONE, KAILANGAN MO PARIN SiLA I LET GO.
"anong iniisip mo tabs?"
"yung dream wedding ko." nagpout naman siya sa lumayo ng konti sakin.
"ano ba yung dream wedding mo para ngayon pa lang mapaghandaan na natin?.
"hmmm.. dream wedding ko? makasal sayo." nginitian ko siya ng matamis bago ko siya hinalikan.
"ang dali lang naman pala ng dream wedding mo eh. gusto mo tabs, kahit saang simbahan, kahit ilang simbahan pa. tutuparin ko yun." lumuhod siya sa harapan ko para magpantay sila nung tiyan ko.
"sobra akong na carried away sa mga pangyayari.. nakalimutan kong ibigay sayo to." kinuha niya yung kamay ko saka niya isinuot yung engagement ring. "alam kong late na masyado pero hindi ko kase natapos yung speech ko kahapon eh. and I want you to have this."
BINABASA MO ANG
That summer |complete| [editing]
Ficción Generalunder editing-- ang daming typo errors eh. Kung bibigyan ka ng pagkakataong makasama ulit yung first love mo. would you still fight for him?