Chapter 12 - mahal nga kase kita eh..

6.3K 161 2
                                    

Chapter 12 - mahal nga kase kita eh..

SUMMER, EIGHT YEARS AGO

Two months nalang.. EIGHTEEN NA KO. ^_^ yuhooh! FREEDOM!!!

This is the summer vacation i look forward to.. finally pwede ko nang pakasalan si Arlan! :)

'kasal agad?! Di pwedeng boyfriend muna? Ahihihi

Pinag uusapan na nila yung gagawin sa debut ko pero ako? Ayokong makialam.. Ayoko ngang magparty eh. simpleng bumuo lang nang sariling pamilya kasama si Arlan este simpleng salo salo lang ng pamilya okay na ako eh. Ajujuju

"Nak, kelangan namin ng labing anim pang pangalan sa eighteen roses mo." sabi ni nanay. Napagdesisyunan kaseng icelebrate ng maaga yung birthday ko since alanganin nga sa pasukan yun.

May twenty eight nalang gaganapin at sa Sta. Catalina ang venue.

"Nanay, kelangan pa ba ng mga yan? Hindi ba pwedeng magpancit nlang tayo?"

Ayoko kaseng magsuot ng gown. Fashion Designs ang course ko pero hindi talaga komportable magsuot nun.

"Hindi pwede baby.. Si lola Aura mo ang may gustong mag debut ka.. gusto mo bang magtampo sayo yun?"

Eh si nanay, ginamit pa si Lola Aura para mapapayag ako.

"Eh nay, pwede bang mag debut ako na nakapants nalang?"

"Naku mother, wit pwede ang type ng junakis moh! Aba sayang ang fez value kung may i hide lang. At ang curves winner!" sabi naman nung bading.

"HA??!"

"Hindi daw pwedeng naka pants, sayang daw ang ganda at sexy mo kung hindi mo ipapakita."

"NAY! Nagets mo yun?!" naamaze naman ako. Talent yun! Ako nga hindi ko naintindihan yun eh.

"Oo. at agree ako sa kanya. aba! Isang beses lang kung mag debut ang isang babae noh!"

Pagkatapos ng mahaba habang pilitan, napapayag na din nila ako. ang isang bagay lang na ikinatuwa ko sa mga nangyari ay yung last dance ko si Arlan at yung paguwi ni Hans. Ay dalawa pala un. Hahaha engot!

Nasa manila kami ngayon para sa gown fitting saka para na din mag confirm kung sinu sino yung mga makakasama sa cotillion ko. Nag decide na kame nila nanay na sa mall nalang maglunch tutal past twelve na naman.

Pumasok kami sa isang sosyal na restaurant. And oh, kasama namin si Arlan. yieh! Kinikilig ako sagad sa matres. :D

Lumapit samin yung isang waitress na sumobra yung lawak ng ngiti. Okay lang sana kung lahat kami iniintindi niya.

"hi ma'am, hi sir, may i take your order?" magalang na sabi niya pero halata mo namang nagpapacute lang siya kay Arlan.

"Miss, ano bang specialty nyo, yun nalang." sabi ni nanay

That summer |complete| [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon