Chapter 16 - birthday surprises
Para kaming mga batang naghahabulan ni Arlan sa kalsada nung mabangga ako sa pader.
*BLAAAG*
'ouch!' kelan pa nagkaron ng pader dito?
Inangat ko yung ulo ko sa pagkakayuko nung may makita akong isang pares ng sapatos sa
harapan ko.
At kelan pa nagka paa ang pader? Choss! XD
*GULP*
Tumigil din si Arlan sa pagtakbo sabay hapit nung bewang ko palapit sa kanya. hindi niya pa siguro napapansin yung dahilan ng pagtigil ko.
"pano ba yan? Nahuli kita? Edi lagot na." nakikiliti ako dahil tumatama sa leeg ko yung hininga niya habang binubulong niya yun malapit sa tenga ko.
Ilang beses pa akong lumunok dahil parang natuyuan ako ng laway nung halikan niya yung leeg ko.
Nanginginig din ang tuhod ko nung lalo pa niyang idinikit yung likod ko sa harapan niya. i can feel his 'hard down there' poking my back.
Tinutukan niya ako ng baril sabay sabing
"HOLDAP 'TO! AKIN NG PURI MO!!"
Charing :D
"takot ka na ba?" he buried his face on my neck. SYETE!
bedroom voice! Nakaka L naman masyado...
L as in LOVE.
Mga utak wag berdie . xD
'pero.my.god naman Arlan! Hindi ka ba aware na may nanonood satin?!'
Kahit kanina ko pa siya gustong sunggaban, hindi naman ako makakilos ng maayos. para akong nakapako sa kinatatayuan ko habang nakikipagtitigan sa taong ilang hakbang lang ang layo samin.
"shit!" napamura ako ng mahina. ang talipandas na lalaking 'to. kinurot ba naman ako sa pwet!
Narinig ko yung mahinang pagtawa niya sa pagitan ng mga leeg ko at ang pag 'ehem' nung nasa harapan ko.
Bahagyang nanigas yung talipandas na nasa likod ko. kasing tigas nung nakatutok sa likuran ko.
Ansabeh? Ay kadumi ng utak ni rhoanne. xD
"si-sir!" bahagyang lumuwag yung kapit niya sa bewang ko nung nakita niya si Tatay sa harapan namin. yap sir ang tawag niya kay tatay kahit ninong niya yun.
"Rhoanne, may mga bisita ka nang naghihintay sa bahay." sabi ni tatay yun, ako ang kausap pero kay siya Arlan nakatingin ng masama. wooohh scary
"si-sino tatay?" ayan nahawa tuloy ako sa nerbyos ni Arlan.. pati tuloy ako nauutal na.
"mga classmate mo." pagkasabi niya yun tumalikod na siya agad saka naglakad palayo.
"pheeww!" narinig kong bumuntong hininga siya saka natawa. tinignan ko siya ng masama saka ko siya hinampas sa braso.
"bwiset ka talaga!! ang manyak manyak mo!"
"a-aray!" hinahampas hampas ko parin siya. sa braso, sa abs, ehh.. pasimpleng touch touch ba.. "wala pa naman akong ginawang masama ah.." dugtong niya pa.
'yun nga eh!! wala kang ginawa!' sigaw ng utak ko. aargh! namamanyak na talaga ako. huhuhu
hinuli niya yung kamay ko saka niya itinapat yun sa bibig niya at hinalikan yung likod ng palad ko. habang nakatitig sa mga mata ko. "halika na mahal.. nag iintay na sila sayo."
wala na.. talo na naman ako.. ipinatong ko yung isang kamay ko sa may dibdib ko. napaka abnormal nung heart beat ko, daig pa yung karera ng kabayo. eto yung epekto sakin ng isang Arlan Cervantes. parang napakalaki ng parte niya sa pagkatao ko.
BINABASA MO ANG
That summer |complete| [editing]
General Fictionunder editing-- ang daming typo errors eh. Kung bibigyan ka ng pagkakataong makasama ulit yung first love mo. would you still fight for him?